Three

939 24 9
                                    

ADAM

Nandito kami ngayon sa dining area ng bahay. Sabay sabay na kaming kumain dahil kailangan na ding umuwi nila Sean at Elie. Kailangan ng umuwi ng mga bata.

At sa buong gabi na magkakasama kami,sa kahit anong iwas ko, sa kanya pa din nakatuon ang atensyon ko.

Hindi sya nagbago. Yung mahaba nyang buhok ganon pa din. Yung mga mata nya, napaka expressive pa din kapag tinignan mong mabuti.

And damn...her smile. That sweet curve on her face is like a glimpse of heaven. She still has that angelic aura. She's still that perfect girl that I love.

"Kuya,stop staring at her. Kris is looking at you." siniko ako ni Cheska. Agad akong tumingin sa malayo at hinawakan muli ang mga kubyertos sa harapan ko. Sinubukan kong kumain pero hindi ko maintindihan ang sarili ko.

I want her to look at me. I want her to stare at me the way I intensely stare at her. But she keeps on avoiding me. Her eyes keep on avoiding me...

Tumingin ako kay Kris at nakatingin nga ito sa akin. I don't care. This is all I can do right now.--stare at her like there's no tomorrow.

Sa mga ganitong pagkakataon ko naiisip kung paano kaya na hindi ko sya pinakawalan?paano kaya kung lumaban ako at ipinilit ang sa amin?makakangiti din kaya sya ng ganyan sa akin hanggang ngayon?baka kung lumaban ako,hanggang ngayon pwedeng pwede ko pa syang titigan ng matagal.

Kung sana ay sumugal ako at naging makasarili,akin pa din sya. Kami pa din. Mahal pa din nya ako.

Napa-buntong hininga ako. Hindi ko na kaya dito. Puro pagsisisi lang ang nararamdaman ko habang kasama sya.

"Excuse me for a moment." paalam ko sa kanila. Tinanggal ko ang table napkin na nakapatong sa aking mga hita at tumayo.

Umakyat ako at pumasok sa aking kwarto. Pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos. Para bang may nakabara sa dibdib ko. Itong pakiramdam na ito ang iniwasan ko ng ilang buwan. Ito ang pakiramdam na ayaw kong maramdaman.

Narinig kong may kumatok sa aking pintuan. Si Cheska nanaman ito,panigurado.

"Cheska,let's talk tomorrow." sagot ko sa kanya. Pero hindi ito tumigil sa pagkatok sa aking pintuan.

Ayoko pa talaga ng kausap ngayon. Wala pa ako sa mood para makipag-usap.

Naka-ilang katok pa si Cheska sa aking pintuan. Sa sobrang inis ko ay lumapit na din ako dito. Binuksan ko ang pintuan.

"I told you let's talk tomorrow...." nawalanang pagkunot ng noo ko at taas ng boses ko dahil ibang tao ang bumungad sa akin.

"Adam." tipid ang kanyang pagngiti. "P-pwede ba akong pumasok?pwede ba tayong mag-usap?." mahina ang kanyang boses. Para bang natatakot sa akin. Natatakot kausapin ako.

"Baka magalit ang asawa mo na nandito ka." sagot ko.

"Sya mismo ang nagsabing puntahan kita. Kaya pwede na ba akong pumasok?." hindi ako makatanggi. Binuksan ko pa lalo ang pintuan at hinayaan syang makapasok. Traydor ang nararamdanan ko. Napaka traydor.

Dumiretso ako sa balcony ng aking kwarto. Naupo ako sa isang upuan at ganon din sya. Nararamdaman kong nakatingin sya ngayon sa akin. Pero parang ako ang nahiyang tumingin pabalik sa kanya.

"H-how are you?." pagputol nya sa katahimikan sa amin.

Tumingin ako sa kanya. Malungkot na mga mata nya ang sumalubong sa akin. Damn it.

"What do you think?."

"I'm sorry. It's all my fault." umiwas sya ng tingin sa akin. Napakuyom ako ng kamay. Akala ko noon na sinabi kong handa na akong pakawalan sya,handa na talaga ako. Hindi ko lang pala napansin na yung nararamdaman ko para sa kanya, hindi pa handa. Nagpo protesta ito sa desisyon na ginawa ko pero hindi ko pinansin. Mas pinakinggan ko ang utak ko.

"Told you not to feel sorry. " hindi ko na napigilan ang pagkawala ng luha ko. Tngina,ang sakit pa din. Ang sakit sakit pa din.

"Alam mo,akala ko okay na ako. Akala ko sa paglayo kahit papaano makakalimutan kita. Pero Melody,bakit kahit nasaan ako nandon ka din?Kahit saan ako tumingin at kahit anong gawin ko, pakiramdam ko kasama pa din kita?Kahit saan ako nandon ka din. " mabilis kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. "Tulungan mo naman ako na kalimutan ka,oh. Kasi hirap na hirap na ako."

Wala na akong pride. Pakiramdam ko pag sya ang kaharap ko, hindi ako ang Adam ba kilala ng iba. Pakiramdam ko hindi ako lalaki kasi napapaiyak nya ako ng ganito sa mga simpleng salita nya.

Lumapit sya sa akin at inakap ako. Tngina sirang sira ang pagkatao ko pagdating sa kanya. Walang wala ng natira sa akin.

"Paano ba,Adam?gustong gusto ko din tulungan ka pero hindi ko alam kung paano. Paano ba?." mas humigpit ang akap nya sa'kin. "Ayokong nakikita kang ganito. Alam mong mahalaga ka sa'kin at malaking parte ka ng buhay ko,Adam. Alam mo 'yon.."

Parte lang ako ng buhay nya. Pero sya...sya ang buhay ko. Buong buhay ko ata umiikot sa kanya.

"Please,Adam, let go of our memories and free yourself from pain. Let go of  everything. Don't dwell on the past because I want you to be happy. I want you to be the Adam that I loved. The Adam Fenton that everyone loves. Please,let go of your feelings for me."

How can i fvckin' do that,yeobo. How?

EndlesslyWhere stories live. Discover now