Seven

849 26 4
                                    

Tulala akong bumalik sa aking opisina. Para bang kakabalik lang ng katinuan ko. Nakakahiya kay Boss! Nakita nya kung paano ako nawala sa sarili sa simpleng pagsasalita ni Adam. Kung gaano ako kabilis mapa-oo ni Adam. Wala pa nga atang dalawang minuto 'yon!

"Coffee,Engr.?." inilapag ni Dani sa aking table ang tasa ng kape. Sya ang isa sa Head ng Accounting Dept. Ngumiti ako sa kanya bago halos hilamusan ang aking mukha. I hate how my body reacts when he is around!!!

"Thank you. Pero Dani, naging fair ba ako?" I was irritated. "I mean...what have I done?Ang bilis kong um-oo." Dani laughed at me. Lalo akong nairita.

"Hey,Hannah,easy. It's not like you commit a crime or something. Since you already signed the contract,all you can do now is trust that guy." humigop ito ng kape mula sa kanyang tumbler. "He's hot,actually. Really hot. Kung ako din ang nasa posisyon mo,baka nga unang pagmi-meet palang namin,mapa-oo na ako. Naiinggit nga ako sayo dahil ikaw ang makakatrabaho nya for this project." napataas ako ng kilay kay Dani. I want to tell her to stop fantasizing Adam. I am territorial to my man. Hah!

I erased that thought immediately. Remember,Hannah, he is not yours. But you are definitely his property.

"Baka kasi nagkamali ako ng desisyon." nag-pout ako.

"You are Engineer Hannah! Do I have to remind you how lucky you are to be in that position?."
I kept quiet. I dont want to argue about this topic anymore.

Ito talaga ang ayoko lang sa kompanyang ito. Inggitan. Tumaas lang ng kaunti ng posisyon,kaiinggitan na agad. Pantay pantay naman kami kung ituring ni Boss kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mentality nila.

Naging mas busy ako sa mga sumunod na araw para sa paga-ayos ng mga kinakailangan para sa ibang istasyon na under construction. Halos naging sunod-sunod ang aking meeting sa mga Cardinals bago ako tuluyang pumunta ng Ilocos. Mukhang matatagalan ako doon. In-advise ni Sir na ako mismo ang mag-inspect ng mga sites. Lalo na at may hinahabol kaming quota ng bilang ng stasyon para sa merging namin sa isang International Gas Company.

Mabuti nalang at hindi na muling inungkat ni Boss ang meeting namin noon  kasama si Adam. Ayoko na balikan ang pangyayari na yon. Masyado nang madaming kahihiyan ang naipapakita ko kay Adam! Twice in a row!

Dumating ang araw ng alis ko papuntang Ilocos. Mabuti kong binilin kay Hazel ang pagbabantay kela Mama at Papa. Na kailangan nya akong i-update kung ano man ang mangyari.

Isang malaking bag pack ang aking dala. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako kaya napadami ang damit na dinala ko.

"Engr.H!!" tumawag sa akin si Lyn bago pa ako makaalis ng bahay.

"Yes,Lyn?anong mayroon?."

"Yun pong kasabay nyo na pupuntang Ilocos, saan nyo po kikitain?nag-text po kasi sa akin e." madalas,tuwing ganitong may site inspection ako, may pinapasama sa akin si Boss. Kung hindi field engineer ay isa sa mga personal nyang tauhan. Delikado daw dahil babae pa din ako.

"Tell her/him na magkita kami sa isang restaurant sa loob ng mall malapit doon sa airport." tumingin ako sa aking wrist watch. "7pm ang flight. Pakisabi sa kanya na hanggang 4pm ko sya hihintayin sa restaurant." It's just 1pm, may oras pa ako para makapag-ikot ikot.

"Okay,Engr. Have a safe trip po." then Lyn ended the call. Isinakay ko na sa aking sasakyan ang aking bag pack.

Kaunti lang ang tao ng makarating ako sa mall. Iniwan ko ang aking bag pack sa loob ng sasakyan. Gusto kong mamili ng mga pagkain para sa mga tao na naroon sa area ng Ilocos.
Paniguradong matutuwa ang mga naroon pag natanggap nila ito.

EndlesslyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora