Twenty Three

656 22 14
                                    

Holiday ngayon kaya walang pasok. Maaga akong inaya ni Adam para lumabas at mag- date.

"Saan tayo pupunta?." nasa loob na kami ng kanyang Ranger.

"Heaven." kinurot ko ng mahina ang kanyang braso kaya natawa sya. Kanina pa puro kalokohan ang sagot nya sa akin.

Simpleng black v-neck shirt at khaki shorts ang kanyang suot. Kaya napaisip ako talaga kung saan nya ako balak dalhin. Hindi sya ganito ka-simple pumorma kapag lalabas.

Napatingin ako agad sa signage ng gate na papasukan ng kanyang sasakyan. Nagulat ako ng makita ko ang ilang mataas na building. Tumingin sa akin si Adam at ngumiti.

"Dito talaga tayo? " ang obvious ko na magtanong pero hindi talaga ako makapaniwala na dito kami pupunta.

"Yes,Im taking you to my place,Hannah." pumasok kami sa parking lot ng building.

Parang 'nong isang araw lang,sasabog na ako sa selos nang malaman kong nakapunta na dito si Monique. Pero ngayon...sht,nae-excite ako na kinakabahan.

Inalalayan nya ako makababa ng kanyang sasakyan. Hawak hawak lang nya ang kamay ko habang naglalakad kami at pumasok sa elevator.

"Excited?." napatingin ako sa kanya at nakangiti sya sa akin. Tumaas ang kilay ko,nagtataka. "Kanina ka pa nakangiti kasi." agad akong napayuko. Halata ba masyado?para akong bata na makakapunta sa isang theme park.

Tumunog ang elevator at bumaba kami sa 15th floor.

"Matagal ka na dito?." inililigid ko ang mga mata ko habang naglalakad kami. Tama nga si Monique,maganda ang lugar. Mukha itong high-end na condominium at alam kong hindi basta basta ang presyo dito. Design at structure palang ng building,mahahalata na agad na mahal ang materyales na ginamit.

"A year and a half?." tumigil kami sa isang pinto. Habang pinpindot nya ang code ay nakatingin ako doon. Hindi lang dahil sa gusto ko malaman ito,pamilyar kasi.

"Gago,Adam. What the..." literal na napahawak ako sa bibig ko ng ma-realize ko ang code. Tumawa sya at hinawakan lang ang kamay ko ng bumukas na ang pintuan.

"I'm good,right?." kumindat sya sa akin pero umiwas ako ng tingin.

'Yon ang date na nagpunta kami ng Ilocos. Yon ang mismong araw kung kailan may nangyari sa amin. Hindi ko maiwasan na mamula at mailang. Hindi ko din maintindiham dahil imbis na mainis ay natuwa pa ako.

Mabango at malinis ang loob ng kanyang condo. Again, tama si Monique, ang interior design ng condo ni Adam ay moderno. Black and white ang mga kulay ng gamit sa loob. Hindi ito ganoon kalaki pero dahil sa ayos ng kanyang mga gamit ay nagmumukha itong spacious.

"Feel yourself at home,baby." binitiwan nya ang kamay ko at pinaupo ako sa couch. Sa harap nito ay may malaking lcd tv na nakadikit sa dingding. Pakiramdam ko babae ang may ari nitong unit nito dahil sa ayos ng pagkakalagay ng mga gamit.

Nagpunta sya sa kitchen. Hindi ko alam kung ano ginagawa nya kaya tumayo ako at lumapit.

"Ano 'yan?." napangiti ako ng makitang nagluluto sya!

Napa-buntong hininga sya ng makita ako sa kanyang gilid at pinapanuod sya. Ang cute! Nahihiya syang tumingin at sumagot sa akin.

"Pasta. I--,I saw it on my newsfeed and thought of cooking it for you." nag cross arms ako at pinanuod syang nagluluto.

"Oh how thoughtful of you. Thanks!." masaya kong sagot.

Minsan napapaisip ako kung may ginawa ba ako sa past life ko at ganito ang nangyayari sa akin ngayon. Out of reality--yan ang nasa isip ko. Wala akong maipintas sa kanya. Wala akong makitang mali na masasabi ko para ma-turn off. Wala syang ginagawa na pwedeng maging dahilan para magduda ako. Hindi ako makapaniwala na isang katulad nya ang nage exist. 'Yun bang almost perfect?.

Muli kong iniligid ang aking mga mata. Napatigil ako sa isang pintuan na bukas ng kaunti. Iniwan ko si Adam at pinuntahan 'yon. Paglapit ko ay nakita ko ang isang itim na grand piano sa loob. Bukod dito ay may iilang mga paintings na nasa dingding at isang malaking vase.

Lumapit ako sa grand piano. Hindi ako marunong tumugtog nito pero gustong gusto ko na nakakapanuod ng mga piano recital. Kapag may mga kailangang puntahan si Boss na ganoong event,ako ang pinapadala nya.

"That's my Mom's piano." nagulat ako ng makita sa pintuan si Adam. Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"Pero kaya mong tumugtog?." pinulupot na nya ang mga kamay nya sa bewang ko at ipinatong ang kanyang ulo sa aking kanang balikat.

Saglit syang napatigil. "A little. But---"

"Please play something for me please." hindi ko na sya pinatapos. Wala akong pakielam kung kaunti lang ang alam nya. Gusto ko talaga syang makitang tumugtog.

Umalis sya sa pagkaka-akap sa akin. "Kumain muna tayo."

"No. Ngayon na. Please?." nakatingin lang sya na parang ayaw pa pumayag. Pero ilang segundo pa ay wala syang nagawa kung hindi maupo sa tapat ng piano. Napa-palapak ako ng mahina ng naupo sya doon.

"We will eat after this,okay?."

"Yes,boss. Yes." I raised my right hand. Ngumiti sya at saka tumingin sa keyboard na nasa harap nya.

Unang tiklado palang,hindi ko na maalis ang tingin sa kanya. Yung mga kamay nya, para bang sanay na sanay na sa pagtugtog. Na kahit walang tinitignan na music sheet sa harap ay kabisado na nya ito. Napaka-smooth ng bawat pag-galaw ng mga daliri nya. Kahit ang pagtapak nya sa pedal ay hindi ganoon kabigat.

Nang simula ay naka-focus sya sa keyboard. Pero ilang saglit pa ay tumingin na sya sa akin at ngumiti.

"One of my favorites." mahina kong sabi.

" Tale as old as time,tune as old as song. Bitter sweet and strange,finding you can change,learning you were wrong. Certain as the sun. Rising in the east." kumanta sya habang nakatingin sa akin at tumutugtog.

"Tale as old as time
Song as old as rhyme...beauty and the beast." nagsabay kami sa huling linya ng kanta.

Naupo ako sa tabi nya. Hindi ko mapigil ang saya ko ngayon. Hindi lang dahil sa napanood at napakinggan ko syang tumugtog,alam ko kasing ito na 'yon. Hulog na hulog na ako at wala na akong takas dito.

Inilabas ko ang binili ko noong nakaraang gabi nang magkasama kami. Ipinatong ko ang dalawang simpleng bracelet sa ibabaw ng keyboard.

"Basahin mo."

"What?." kumunot ang noo nya habang nakatingin sa harap.

"Sabi ko basahin mo. Basahin mong mabuti."

Ilang sandali bago sya unti unting napangiti. Hindi ko alam kung natawa sya dahil corny yon para sa kanya per hinawakan nya ulit ang kamay ko.

"There's a beast inside me,Hannah. Are you still willing to be with me?." hindi sya tumitingin sa akin pero nanginginig ang boses nya.

Humigpit ang hawak ko sa kamay nya. "A kind of beast that I am seeing right now?I would love to spend every day with him."

He put his arm around my waist and kissed my forehead.

"Thank you,Hannah. Thank you."

"I love you,Adam." I finally let those words out.

EndlesslyWhere stories live. Discover now