Twenty Six

575 20 13
                                    

Ni minsan sa buhay ko, hindi ko naisip na magdadala at magpapa-kilala ako ng 'boyfriend' sa mga magulang ko. Hindi naman dahil sa wala akong balak mag boyfriend, wala kasi sa isip ko noon na may lalaking seseryoso sa akin.

"Malalim iniisip mo?." tinusok nya ng mahina ang pisngi ko para mabaling sa kanya ang atensyon ko. I smiled at him. Minsan nakakalimutan kong wag bigla biglang lilingon sa kanya kasi nagiging obvious na hindi pa ako sanay kasama sya. Hindi pa kasi naa-absorb ng utak ko na kasama ako ang lalaking hirap na hirap ako abutin dati. Yuck,Hannah,nagiging corny ka na.

"Wala po. Pagod lang." sagot ko. Ngumiti sya sa akin at saka hinalikan ang kamay ko.

Sa tuwing magkasama kami,kahit dito sa loob ng sasakyan nya,hindi pwedeng hindi nya hawak ang kamay ko. Minsan pa nga ay inilalagay nya ang kamay ko sa ibabaw ng shift stick para sa tuwing kailangan nya yon gamitin ay kamay ko muna ang mahahawakan nya.

"Sorry. Pinagod ba kita kanina?."

"Medyo. Bigat mo 'e. Nangalay ako sa'yo." tumawa sya sa sinabi ko. Hala,ano bang nakakatawa 'dun?

"Seryosong napagod ka?." ngumiti sya ulit at saka tumingin sa akin na parang may ibig sabihin.

"Hoy, bastos nanaman iniisip mo ah! Mali,hindi pala napagod. Nangalay lang. Ang bigat ng ulo mo kaya."

Talaga namang nakaka-ngawit yung kanina. Habang nanuod kami ng mga movies ay nakapatong ang ulo nya sa mga hita ko. Ilang oras kami sa ganong posisyon,sinong hindi mangangalay?tsk.

Ngingiti-ngiti lang syang tinitignan ako. Hindi ko na talaga sya maintindihan! Ang galing mang-asar.

Hindi ko na namalayan ang pagdating namin sa hospital. Pinili nyang ngayon na magpunta at magpakilala daw kay Papa. Matigas ang ulo nya at kahit anong pilit kong ipagpa-bukas na ay napunta pa din kami dito.

"Di ka kinakabahan?." tanong ko.

"Bakit?mabubugbog ba ako ngayong gabi?." hawak-hawak lang nya ang kamay ko habang papunta sa kwarto ni Papa. Nakakainis, ako pa ata ang kinakabahan ngayon. Hindi alam nila Mama na ngayon dadalaw si Adam dahil ang alam nga nya ay may sakit ito.

Expected ko na ang gulat na expression ni Mama ng pagbuksan nya kami ng pinto. Prente pang nakahilata ang kapatid ko sa couch sa tabi ng hospital bed ni Papa. Si Mama naman ay halatang hindi nakaayos at nagre-ready na para magpahinga.

"Good Evening,Tita." nagmano ito kay Mama. "Hi,Hazel?tama ba?." bumaling ito sa kapatid ko na parang kala mo ay nakakita ng multo. Unang beses palang nya nakita si Adam kasi.

"O-bakit--bakit nandito kayo?May sakit ka Adam di 'ba?." tumingin sa akin si Mama at umiling lang ako. Si Adam ang pagalitan mo,Ma!

"Di na po ako makapag-antay Tita. Mamanhikan na po ako ngayon."

"Ay dyos ko,Hannah." napahawak sa kamay ko si Mama,parang tataasan ng bp.

Nilabasan ako ng butil butil na pawis. Pakiramdam ko aatakihin ako ng asthma ko ng wala sa oras.

"Biro lang po,Tita." ngumiti sya. "Magpapakilala lang po kay Tito." nilagpasan kami ni Adam at lumapit kay Papa.

Ibang klase,Adam. Ibang klase ka.

"Sundan mo. Sundan mo at baka bigla nalang ma-stroke ang Papa mo pag may narinig na ganyang bagay." nagmadali naman ako lumapit kay Papa.

Sinunod ko agad si Mama. Lumapit ako sa gilid ni Papa. Gising ito,halatang gulat din kung sino ang gwapong lalaki na nasa harap nya.

"Good Evening po,Tito. Ako po ang boyfriend ng anak nyo." walang expression si Papa. Nakatingin lang ito na parang sinusuri ang mukha ni Adam. Hinawakan ulit ni Adam ang kamay ko.

EndlesslyWhere stories live. Discover now