Five

966 20 4
                                    

HANNAH

Wala akong sinayang na minuto. Pag-alis ni Boss sa harap ko ay agad kong kinuha ang aking phone at binuksan ang Twitter. Sht talaga sht. Naka-ilang mura na ako. Bakit hindi ko alam na nakabalik na sya ng Manila?!!!! At bakit hindi ko alam na lumipat na sya ng trabaho nya?Bakit hindi nya yon ina-update sa kanyang Twitter account?

Oo nga pala,dalawang buwan din akong walang ibang inisip kung hindi ang kalagayan ni Papa. Pero...sht ulit. Nandito na sya ulit! Magkikita kami bukas at this time...single na ulit sya sa pagkaka alam ko. Sht.

Itinype ko ang kanyang username at agad akong napangiti ng makita ang kanyang picture. Ang gwapo pa din talaga. Stalker na kung stalker pero hanggang tingin lang naman ako.Hanggang pangarap lang sa kanya.

"I quite missed Manila." ito ang huli nyang tweet. At noong isang linggo pa ito. Napangiti ako ng tuluyan. Sya nga ang Adam Fenton Mercado na kilala ko,at alam ko,sigurado ako,one hundred percent, sya ang makaka-meeting ko bukas. Gusto ko nang sumuka ng unicorns kung maari o kung posible man yon. Masyadong natatalo ng excitement ko ang aking gutom.

Nag scroll pa ako sa kanyang account. Ang mga huling tweets nya ay puro tungkol sa mga quotations sa Love. Updated ako,alam kong wala na sila ng kanyang fianceè. Alam ko din kung paano sila nagsimula at saan. Kahit nga ang kanilang anniversary ay alam ko.

Kahit nasasaktan ako sa nakikita ko noon,ayos lang. Masaya sya noon. Masayang masaya. Nakakahawa ng saya kapag nakikita mo ang taong pinapangarap mo na nakangiti..kahit pa di ikaw ang dahilan 'non.

Kaya nang malaman kong naghiwalay sila,nainis ako. Sobrang inis ang naramdaman ko para sa Melody na 'yon. Ano kasing hahanapin pa nya kay Adam?ano pa?. Ang daming babae ang nangangarap mahalin ng isang Adam Fenton Mercado,pero sya?binalewala nya yun. Yung taong pinapangarap ng ibang tao,sinaktan nya lang?nakaka bllsht yung ganong pakiramdam.

Natandaan ko nga na gumawa pa ako ng isang dummy account para lang mai-add sya sa Facebook. Ginawa ko iyon nang matapos ang break-up nila. You know?baka kailangan nya ng magcon comfort sa kanya, aba, willing ako. Willing na willing pa.

Pero sa kasamaang palad ay hindi nya yon in-accept. Natatakot akong gamitin ang aking totoong Facebook dahil baka matakot sya sa akin. Baka mag freak out at i-block ako,mas mahirap yon!

Kaya nga dito ako sa twitter nya nakikibalita. Mabuti at naka public ang mga tweets nya at madalas din nya itong gamitin. Mabuti nalang din at nauso na ang mga ganitong social networking sites dahil kung hindi,...hindi ko mahahanap muli ang taong unang nagpapula ng mga pisngi ko dahil sa kilig.

Matapos tapusin ang trabaho ko bilang pagiging stalker ni Adam ay iniligpit ko ang aking gamit at bumalik sa aking opisina. Baka hindi ako makatulog kakaisip nito para bukas.

Pinilit kong ubusin ang aking oras sa pag-gawa ng trabaho pero sadyang napapangiti ako ng basta nalang. Hindi ko mapigilan mapailing kapag naalala ko si Adam. Kumalma ka, Hannah! Kumalma ka.

Dumating ang oras ng parang wala akong nagawang trabaho. Naisipan kong mag-out nalang ng maaga. Kailangan ko pa kausapin si Hazel at kontratahin para bukas.

Palabas na ako ng office ng makasalubong ko si Boss. Ngumiti ito sa akin. "Don't forget your meeting with Mr.Mercado tomorrow, Hannah." tumango lang ako at nauna na maglakad. Don't worry,sir. Makalimutan ko na ang pangalan ko,wag lang itong meeting na ito.

Mabilis akong bumaba sa carpark. Kailangan ko pang bumalik sa hospital at sunduin si Hazel para sabay kaming umuwi.

Mabilis ang naging byahe pabalik ng hospital. Naabutan ko si Mama na nakaupo sa gilid ni papa.

EndlesslyWhere stories live. Discover now