PROLOGUE

567K 9.1K 251
                                    

PROLOGUE

"NATALIE, hawakan mo ako dali! Hihimatayin na ako! Sumasakit ang puso ko at gusto ko nang magpa-check up! Tawagin mo si Dr. Lucas," utos ni Elisse kay Natalie na kaibigan niya habang nakahawak siya sa magkabila nitong braso at para bang hihimatayin na... sa labis na kilig!

Yes, iyon lang ang dahilan. Nagwawala ang mga ugat ni Elisse sa katawan tuwing nakikita ang ultimate crush niya. Nagiging overacting talaga siya kapag si Dr. Steven Drew Lucas na ang pinag-uusapan. He was a cardiologist. Iniisip niya na sana nga magkasakit na lang siya sa puso para ito ang magiging doktor niya. Pero sa huli, naisip niya rin na sana ay huwag magkatotoo ang gusto niya. Ang weird lang kasi talaga niyang mag-isip minsan.

Iwinasiwas ni Natalie ang kamay niya upang bitawan niya ito. Pinagtitinginan na kasi sila sa hallway ng ospital. But Elisse loved attention, by the way.
"Let me go, Elisse. Hindi ka papansinin ni Doc Lucas kahit maglupasay ka pa riyan."

Sumimangot siya. "Grabe, ha. Sobrang supportive mong kaibigan." Pero bumalik din ang kinang ng mga mata niya nang tingnan kung nasaan ang guwapong doktor. May kausap itong pasyente.

Pinagsalikop ni Elisse ang dalawang kamay na tila ba ini-imagine niya na siya ang kausap ni Dr. Lucas. "Ang hot niya, friend! Ang sarap niyang iuwi sa bahay at—"
Dali-daling tinakpan ni Natalie ang bibig niya. Ikinahihiya siya, hindi man sabihin. "Umuwi ka na kaya? Marami pa akong tatapusin na trabaho," pagtataboy nito sa kanya.

Inirapan niya lang ang kaibigan na alam niyang naiinis na. Mainitin ang ulo ni Natalie kaya minsan niya lang ito kulitin.

Matagal niya na talagang pinagpapantasyahan si Dr. Steven Drew Lucas. Hindi niya lang alam kung paano lalapit sa doktor dahil sobrang mailap ito at suplado.

Ano kayang mga hakbang ang dapat niyang gawin para makuha ang atensiyon ng doktor na kinahuhumalingan niya? Kailangan niyang mag-isip ng paraan!

EHS 1: His Runaway FiancéeWhere stories live. Discover now