[TDSB] CHAPTER 28: Fight Back for Love

3.1K 53 11
                                    

Kione’s POV

Naglalakad na ako papasok ng ospital---

“TABI TABI! TUMABI KA!”

Ay siomai!

Napatalon ako nang halos mabangga na ako ng stretcher na may lamang pasyente---

O___________O

Parang si noona yun ah! Noona!!!!!!--- napatigil ako sa pagsunod. Baka nami-miss ko lang si noona kaya nakikita ko siya sa iba. Napabuntong hininga na lang ako sabay naglakad na uli papunta sa kuwarto ni Dark.

Ayaw kumain ni Dark. Ni hindi niya rin kami kinakausap. Tapos lagi lang siyang nakatulala ilang araw na ba ang nakalipas? Dalawang araw na, at kasalukuyan ng nakaburol si noona pero si Dark hindi pa makalabas ng ospital para dumalaw.

“Darky kumain ka na please?” sinubukan subuan ni Ms. Remi si Dark pero parang wala talaga itong naririnig, patuloy lang siyang nakatulala.

“Remi hayaan mo muna, kumakain naman siya kapag gusto niya eh.”-Kuya Blaine.

“Pero hindi niya naman inuubos nag-aalala na ko.”

Para lang kaming audience ditong tatlo nina Duncan. Kapag binatukan ko kaya si Dark kakain to? makatayo nga---

“Ano na namang binabalak mo?” pigil sa kin ni Duncan.

“Babatukan ko si Dark baka matauhan.”

“TEKA—“

Di nila ako napigilan. Dire-diretso ako kay Dark sabay…

PUK!

Nagulat ata siya sa ginawa ko pero hindi pa rin siya nagsasalita!

“KIONE BAKIT MO SIYA BINATUKAN?” nagulat ako nang magtaas ng boses si Ms. Remi!

The Darker Shades of Black [ TBP BOOK 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon