[TDSB] CHAPTER 25: Only Death Will Set Me Free!

2.6K 50 0
                                    

Lucien’s POV

Madilim, wala akong makita. Ang sakit ng buong katawan ko, ang sakit ng hiwa ko sa leeg na hindi ko alam kung inaagusan pa rin ba ng dugo! Hanggang kailan ba nila ako ipipiring? Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako! maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto kung nasaan man ako.

“OH KUMAIN KA NA HULING PAGKAIN MO BAGO KA MAMATAY!”

Hindi ko alam kung saan nilapag yung pagkain, basta narinig ko ibinagsak niya lang. Gutom na ko… kailangan kong kumain, kahit sa huling pagkakataon. Kinapa-kapa ko kung nasaan yung pagkain gamit ng paa ko dahil nakatali ang mga kamay ko ng mahigpit sa isang upuan!

BUGS!

“Ah….” Bumagsak ako, nasaan na ba kasi yung pagkai----

Napatigil ako nang may marinig na naman akong yabag, papalapit sa kin. Naramdaman ko na lang na hinahawakan niya ang mukha ko haggang sa…

“Here.”

Bigla niyang binuksan ang piring ko kaya naman napakurap-kurap ako sa liwanag na parang ngayon ko lang nasilayan. Isang bombilya lang pala, pero napakadilim pa rin ng lugar na kinaroroonan ko.

“Lucien.” Tinawag niya ako, kaya napalingon ako sa kanya.

“B-Bakit mo ba ako tinutulungan?” tanong ko, hindi ko kasi inaasahan.

“Hindi kita tinutulungan, ginagawa ko lang to para makakain ka ng maayos.” Aniya tapos inilapit sa kin yung pagkain.

“Ayokong kumain.” Sabi ko, mamatay din naman pala ako bakit pa ko kakain.

“Alam kong gutom ka kaya kumain ka na, atsaka itong pagkain nga ang dahilan kung bakit ka bumagsak hindi ba?” pagkatapos nun, iniayos niya ang pagkakaupo ko at inilagay sa kandungan ko ang pagkain. Makakain ko ba to ng maayos kung nakatali ako! bwisit!

“Tanga ka ba Darken? Kailan pa may matinong tao na kumain ng nakatali ang kamay?” di ko maiwasang mailabas ang galit ko!

Bigla siyang nag-smirk. “Bibig lang ang kailangan mo para manguya at malunok ang pagkain kaya kahit walang kamay makakain mo yan. After all, dapat ka na talagang mag-practice kumain nang walang kamay.”

Tapos nun lumabas na siya ng kulungan ko! kainis! Muli kong tiningnan yung pagkain sa kandungan ko… Hm? May baso… tsh. Minsan gusto kong isipin na may pagka-engot ang mga kidnappers. Hindi na ko kakain dahil…

KLING!

Bigla kong binagsak yung pagkain kaya natapon sa at  nabasag yung baso. Ngayon naman ay kailangan kong makuha yung piraso ng bubog at gamitin yun para makawala ako sa lubid na to!

BUGS!

“Argh!” napadaing ako nang muli akong bumagsak! Napatingin din ako sa sugat ko sa leeg na hindi na mukhang natuyo na ang mga umaagos na dugo. Hindi naman pala ganun kalalim akala ko nung ginawa sa kin yan ay mamatay na ko dahil ginilitan ako sa leeg. “Arhg… kailangan kong maabot!” ginamit ko ang paa ko, nakakainis! Buti na lang hindi nila itinali ang paa ko kung hindi ay mas lalo akong mahihirapan! Hanggang sa naabot ko na. Agad ko yung inilapit kung saan maabot ng kamay ko sa likod at nang magawa ko ay agad kong sinimulan ang pagpuputol sa tali! Pero mahirap pala yun sa inaasahan dahil napakakapal ng taling ginamit nila para lang maigapos ako!

Pero kailangan kong makawala, ayokong mamatay… hindi ako pwedeng mamatay.

Duncan’s POV

Shit talaga!

“Duncan na-contact mo na si Dark?” tanong sa kin ni Blade.

“Paano ko mako-contact eh mukhang wala naman yung dalang cellphone!” kainis hindi talaga yun nag-iisip kahit kailan! Padalus-dalos na lang!

The Darker Shades of Black [ TBP BOOK 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon