[TDSB] CHAPTER 3: The new friend

3K 59 6
                                    


Lucien’s POV


Maaga akong nagising kinabukasan, nagulat pa ako nang napakaaga kong nakita si Ms--- I mean Ate Remi na nasa bahay namin.



“Kuya Blaine, anong meron?” tanong ko sa kanila na busy sa pag-aayos ng mga bagahe sa sala.



“Ah Lucien, goodmorning… aalis kami ng Ate Remi mo.” Masayang sagot ni Kuya.



“Saan naman kayo pupunta tapos ang dami niyo pang bagahe?” tanong ko ulit.



“Magbabakasyon din kami Lucien, you know… out of the country din para makapagrelax.” Sabi ni Ate Remi.



(*__________*)



“Sina Kuya Axel nasa honeymoon, tapos kayo magbabakasyon din… di niyo naman pinlano na iwan akong mag-isa dito no?” kararating ko lang, alis naman sila ng alis.  Mag-isa na nga ako noon sa London pati sa Pilipinas mag-isa pa rin? -_____-



Nilapitan ako ni Kuya Blaine. “Eh pagbigyan mo na kami Lucien, ngayon lang kami makakapagrelax dahil bakasyon. Walang gaanong trabaho si Reminisce sa school, sige na pagbigyan mo na kami okay? One month lang din naman tulad nina Kuya Axel.”


One month? Grabe iiwanan talaga nila kong mag-isa dito sa loob ng one month!


“Oh sige na, ano pa nga bang magagawa ko.” sagot ko na lang, alam ko namang kailangan din nila ng break sa mga trabaho nila.



“Yes! Salamat Lucien” ani Kuya Blaine at niyakap ako.


Yung mga kapatid namin ni Dark mga nagkakatuluyan na kami kaya possible pa? Spell ASA Lucien! Nang matapos sila sa pag-aayos ng mga gamit nila ay agad din silang umalis, mga excited masyado. Ako naman, bumalik sa kuwarto ko… ang sarap matulog ulit eh.




*TOK TOK TOK*



“Lady Lucien, may bisita po kayo sa baba.” Sabi ng isa sa mga katulong namin.



The Darker Shades of Black [ TBP BOOK 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon