[TDSB] CHAPTER 13: Pieces of a Broken Heart

2.5K 57 1
                                    

Lucien’s POV

Dahan-dahan akong kumatok sa kuwarto ni Lilicien. Ang tagal niya pa bago buksan, tanghali na kaya sigurado akong gising na siya. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto.

“Lucien…”

Ngumiti ako. “Pwede ba kong pumasok?”

“Bakit?”

“Ha?” napakunot-noo ako.

“I-I mean sure…” aniya at binuksan ng malaki ang pinto para makapasok ako.

Tiningnan ko ang buong kuwarto, guest room pa rin pero siya na ang umuukopa nito, pero ang masaklap lang hindi ko pa rin ma-contact sila Kuya. Nananadya ba sila?

“Anong kailangan mo Lucien?” agad na tanong niya sa kin.

“I want to give you this…” may maliit na box akong binigay sa kanya.

“Ano to?” taka pang tanong niya.

Alangan akong ngumiti. “Buksan mo.”

At yun nga ang ginawa niya, mukha pa siyang nagulat nang makita kung ano ang laman ng box na yun.

“Ribbon…” aniya at taka pa ring napatingin sa kin.

“Naalala mo ba? Binigay niya yan sayo… b-binigay ni Dark.” parang hirap na hirap akong magsalita.

Muling gumuhit ang pagkagulat sa mukha niya.

“Yes, b-binigay niya nga sa kin to… pero paanong---“

“Tinago ko para sayo.” Sabi ko, at alam kong nagsisinungaling na naman ako dahil inangkin ko naman talaga yan noon at di lang basta tinago.

“Oh Lucien thank you!” masayang sabi niya at bigla akong niyakap! Saglit lang akong nagulat.

“G-Gusto mo ba siyang makita? I know where he is…” sabi ko na naman, tinutupad ko lang ang pangako ko.

“You do? Talaga Lucien? Naku salamat talaga!” nakita kong ang saya-saya ng mukha niya, maging ganyan din kaya ang reaksyon ni Dark kapag muli silang nagkita?

Malamang…Oo.

“I wish you happiness Lilicien.”

Even it breaks my heart.

__________________________________

Dark’s POV

Ilang beses niya akong tinatawagan. Ilang beses niya akong tinitext pero ni isa wala akong nireplayan! Bakit ba kasi ang kulit niya? At paano niya na naman nakuha ang number ko? nagpalit na nga ako eh! Halos mapuno na ang inbox ko ng text na puro galing sa kanya, habang tumatagal akala ko ay titigil na pero may bago na naman siyang text! Asar!

>.<

Binasa ko yun.

From: 0926*******

Meet me please? I promise, this will be the last.

 Tapos, hindi na uli ako makikipaglapit sayo.

~Lucien

PS: I know my number is not on your contacts,

       So I always put my name in the end.

Naiinis na ko lalo, ano na naman ba kasing kailangan niya? Di pa ba sapat yung ginawa ko nung nakaraang araw?

Dapat ko pa rin siyang tanggihan!

To: 0926******

FINE!

The Darker Shades of Black [ TBP BOOK 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon