[TDSB] CHAPTER 4: In the Club

2.9K 70 9
                                    

“Lucien bilis halika na!”

Lucien’s POV

Hila-hila ako ni Anwar papunta sa isang club, ano bang gagawin namin dito? >.< kanina pinuntahan niya ako sa bahay ko tapos manghihila lang pala siya papunta dito. Naupo kami sa isang bar stool, ang daming nagkakasayahan ano ba yan! Hindi naman ako napunta sa mga ganitong lugar eh! ang wild ng mga tao.

“Kuya, alak nga yung isang shot pa lang nakakalasing na!” sigaw ni Anwar sa bartender.

Anong problema nito?

“Anwar, may problema ka ba?” tanong ko sa kanya.

Nakangiti niya kong tiningnan. “Wala Lucien, trip ko lang magpakalasing.”

Obvious namang may problema siya, natanggi pa.

“Gusto mo Lucien?” alok niya sa kin nang makuha na niya ang order niya.

Umiling ako, wala akong balak uminom no!

Nginitian uli ako ni Anwar. “Sige kung ayaw mo edi wag…” pero bago pa man niya tuluyang mainom ang laman ng baso niya…

“Ano ba sa tingin mong ginagawa mo?”

May dumating na lalaki at kinuha ang baso niya. Pero hindi siya ordinaryong lalaki, si Skye! Di ko lang siya agad nakilala dahil nakapang-disguise siya.

O_____O Paano niya nalamang nandito kami?

“Skye!” nakangiting pagkilala sa kanya ni Anwar.

“Bakit ka magpapakalasing?” halatang inis na tanong ni Skye.

Muling ngumiti si Anwar, tapos tiningnan niya ng diretso si Skye. “Ang manhid mo!” sigaw niya, at first time ko ata siyang makita na tinuluan ng luha sa mga mata. Ano ba talagang nangyayari sa kanilang dalawa?

“Skye, sa tingin ko kailangan niyong mag-usap.” Nakisabat na ko, ma-sense man lang nila ang presensiya ko.

“Lulu…”

“Sige na go!” sabi ko pa, at ayun nga ang nangyari, umalis silang dalawa para mag-usap at ako… ay naiwan. >.< naku naman oh.

“Ma’am drinks po?” tanong sa kin nung bartender.

“Pineapple juice na lang.” sabi ko, maya na muna ako aalis aba nakakapagod ang pangangaladkad na ginawa sa kin ni Anwar ah, tapos iiwan lang din pala ako dito.

Nang matapos kong inumin ang juice ko ay aalis na sana ako nang may mahagip na naman ang mata ko, madilim at puro disco lights lang naman ang nandito pero nakita ko pa rin siya at hindi lang yun, may kasama siya… pero hindi babae, kundi si Daren. Para talaga silang may tinatagong sikreto na dalawa. Makaalis na nga lang. >.<

“Hi Miss…”

Biglang may humarang sa kin na tatlong lalaki.

Alangan akong ngumiti. “H-Hi… excuse me—“

“Sandali lang Miss, nabo-bore ka ba? Sama ka samin hinding-hindi ka maboboring.” Tapos nakakatakot silang ngumiti ng mga kasama niya.

Biglang nag-init ang mukha ko. Bastos tong mga to ah!

“No thanks na lang.” sabi ko at lalagpasan ko na sina sila nang hawakan ako sa braso ng isa sa kanila.

“Not so fast, baby.”

Bigla akong kinabahan.

“Bitawan niyo ko.” gigil na sagot ko.

“Oh, mga pre uso pa ba talaga pakipot ngayon? Miss, wala ka na sa panahon ni Maria Clara kaya pumayag ka na.”

The Darker Shades of Black [ TBP BOOK 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon