[TDSB] CHAPTER 26: Nemesis

2.9K 62 7
                                    

Lucien’s POV

Gaano na ko katagal ditong nakahandusay sa sahig? Hindi ko alam, basta ang alam ko lang… mamatay na ko mamaya. Hindi na rin siguro darating pa si Dark, sino nga naman ba ako para sa kanya… at isa pa, baka nasa ospital na yun ngayon. Buhay pa naman siguro siya diba? Kay Darken na mismo nanggaling na mamatay ako sa harap niya.

Hindi totoo ang sinasabi ni Adelise na posibleng namatay na si Dark nung nasa beach house pa lang. Pero paano naman ako mamatay sa harap niya kung mismong siya halos mamatay na nung huli kong makita? Imposible yung makarating dito para lang iligta----

BUGS!

Napapitlag ako nang malakas na namang bumukas ang pinto. Alam kong papalapit na naman sila sa kin.

“Sabi ni Boss, mamatay naman tong babaeng to eh bakit di na lang natin muna pagpiyestahan?”

“Patikman natin ng langit!”

“HAHAHA.”

Shit. Mukhang may binabalak silang masama sa kin.

“Ihiga mo tapos hubaran mo!”

SHIT! Ayoko! May isang lumapit sa akin at nagsimulang kalagan yung kamay ko sa pagkakatali sa upuan!

“A-ANONG GAGAWIN NIYO SA KIN?” Nagsisimula na akong mag-panic pero ano nga bang magagawa ko?

“Wag ka mag-alala, siguradong mag-eenjoy ka sa gagawin namin sayo.”

“HAHAHA!”

HINDI!

“AAAAHHH AYOKO! WAG NIYO AKONG PAPAKIALAMAN!” Sinubukan kong sumipa kahit na nakatali ang mga paa ko! patayin na lang nila ako ng diretso pero hinding hindi ako magpapagalaw sa kanila!

“WAG KA NGANG MAINGAY! HOY PANSAKAN MO NGA NG PAPEL ANG BUNGANGA NG BABAENG TO!”

“WAG NA G*GO BAKA NASASARAPAN LANG SIYA AGAD!”

BWISIT!

“BITAWAN NIYO KO!” Pinilit ko pa ring magpumiglas! Kahit nakapiring ako, kahit hindi ko sila makita! Nararamdaman kong unti-unting hinihila nung isa yung damit ko! “BITAWAN NIYO KO! HINDI NA BA KAYO NAAWA!”

“Bakit ba? Aminin mo na nag-eenjoy ka rin!”

Tapos tumawa na naman uli sila! Ayoko! Ayokong mamatay sa ganitong paraan!

“MGA WALANGHIYA KAYO! BITAWAN NIYO SABI AKO!!!!” Dalawa silang pumipigil sa kin! nagpupumiglas ako kahit na nakatali ako! ayoko!

“PUNITIN NA NATIN ANG DAMIT NITO ANG HIRAP NAMANG TANGGALIN EH!”

NO PLEASE!!!

Gusto ko ng maiyak. Nagpumiglas ako, nagpumiglas… kahit nahihirapan… wag lang nila akong madungisan… ayoko.

“Maawa naman kayo sa kin… pakiusap…” hinang-hina na ako, wala na akong lakas para lumaban sa kanila, talaga bang mangyayari sa kin to? wala man lang bang tutulong sa kin?

“Wag ka mag-alala, siguradong masasayahan ka pagkata---“

“HOY KAYONG MGA GUNGGONG KAYO!”

May sumigaw. Isang boses babae, pero hindi ko rin naman siya makita. Naramdaman kong napatigil yung mga bastos na lalaki sa pagtanggal ng damit ko!

“ANONG GINAGAWA NIYO HA? NANGANGATI NA NAMAN KAYO? EH KUNG PUTULIN KO KAYA YANG MGA PAGKALALAKI NIYO!”

“Ah ano kasi Ma’am---“

“LABAS! SA TINGIN NIYO MAGUGUSTUHAN NI KUYA DARKEN ANG GAGAWIN NIYO? MGA BWISIT MAGBANTAY KAYO DUN!”

“Ah ano po---“

The Darker Shades of Black [ TBP BOOK 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon