[TDSB] CHAPTER 2: At the Wedding

3.3K 80 4
                                    

Lucien’s POV

Kasal na ni Kuya Axel at Ms. Memory! Nandito na nga kami ngayon sa simbahan eh si Ms. Memory na lang ang hinihintay at magsisimula na ang Wedding Ceremony. Natatawa ako sa Kuya ko kanina dahil kabadong-kabado siya at first time ko siyang makitang ganun. Si Kuya Blaine ang Best Man at si Ms. Remi naman ang Maid of Honor.

Masaya din ako ngayon dahil nandito rin pala sina Blade, Daren, Duncan, Kione at syempre si Skye at si Anwar. Ininvite sila nina Kuya dahil mga kaibigan ko raw sila. Gusto ko pa sana silang makausap kaso nasa formal occasion kaya mamaya na lang siguro sa reception. Partner ko nga pala si Dark sa pagmartsa, sinasadya ata talaga ng mga kapatid namin na ipagpareha kami. Alam kong sinisikap nilang magkabalikan kami ni Dark pero imposible na sigurong mangyari yun.

Nang dumating na si Ms. Memory… ang ganda niya. Pumila na kami para masimulan na ang seremonya. Ilang kong nilagay ang kamay ko sa braso ni Dark.

“Suot mo pa rin yan?” tanong niya sa kin.

Napalingon ako sa kanya. “Ang alin?”

“Yung singsing.” Aniya pero di nakatingin sa kin.

Gulat akong napatingin sa ring finger ko. Yung singsing na ibinigay niya sa kin 3 years ago! bakit nga ba suot ko to ngayon?

“Ah ano kasi…” saglit kong binawi ang kamay ko na nasa braso niya at hinubad yung singsing. Nilagay ko yun sa hawak kong purse! >/////< bakit siya pa ang nakakita!

“Hindi ko naman sinabing tanggalin mo.” Sabi niya at inikutan ako ng mata.

Binalik ko na ang kamay ko sa braso niya. “Yung sayo Dark nasaan na?” tanong ko.

“Tinapon ko na.” sagot niya at nagsimula na kaming maglakad.

Napayuko ako, ako tinatago ko pa rin yung singsing pero siya… tinapon niya lang ng ganun-ganun na lang. Nagsimulang tumugtog ang kantang I Finally Found Someone na wedding song nina Kuya Axel at Ms. Memory. Araw ng kasal ng mga kapatid namin ngayon kaya dapat magsaya ako, isasantabi ko muna ang pagsesenti ko kay Dark. Buti na lang magkahiwalay kami ng upuan ni Dark, makakahinga ako.

"We are gathered together on this beautiful afternoon to share with Memory and Axel as they exchange vows of their everlasting love.  ” Sabi ng pari.

Habang nagaganap ang seremonya, hindi ko inaalis ang tingin ko sa Kuya Axel ko at kay Ms. Memory na magiging Ate Memory ko na. Masaya ako para sa kanila, sa kabila ng lahat sila pa rin pala ang magkakatuluyan. Nang sila ay nag-eexchange ng vows sa isa’t-isa ay nakikita ko ang pagmamahal ng Kuya ko kay Ms. Memory.

The Darker Shades of Black [ TBP BOOK 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon