[TDSB] THE NEW CHAPTER BEGINS

10.4K 118 20
                                    

[ BOOK 2 Po ito!! basahin niyo muna yung 1 okay? XD]

3 Years after…

Manila, Philippines

Time: 10: 45 AM

Lucien’s POV

Kasalukuyan na akong naglalakad palabas ng Airport. It’s not good to be back, pero kailangan dahil malapit na ang kasal ng Kuya Axel ko at ni Ms. Memory. Hindi ako pwedeng mawala.

“Lulu.”

Napalingon ako sa tumawag sa kin ng pamilyar na nickname na yun.

O.O

Halos, malaglag ang panga ko ng makita ko siya. Tinanggal ko pa ang shades ko upang masiguro ko na hindi nga talaga ako namamalikmata.

“Hey, Lulu… di mo man lang ba ko babatiin?” nakangiti siyang lumapit sa kin.

“Skye!” napatalon ako sa tuwa at bigla siyang dinamba ng yakap. Natawa naman siya.

“Lulu… wag kang maingay baka pagkaguluhan ako tsaka tingnan mo may media na nasa tabi.” bulong niya sa kin.

Humiwalay ako sa kanya at tinakpan ang bibig ko. Si Skye! Oh my! Naka-shades siya at naka-bonet para maiwasang makilala ng mga tao at pagkaguluhan. Nakalimutan ko! sikat na nga pala siya at ang banda niyang Fall Out!

Ngumiti ako. “Skye, kumusta ka na? long time no see! Akala ko nagbibiro ka lang nung sinabi mong aabangan mo ang pagdating ko sa Airport!” hinampas ko pa siya ng mahina sa braso. Hindi ako nawalan ng contact kina Skye maliban lang kay Dark na hindi ko na talaga nakausap at nakita sa loob ng 3 years.

“Lulu, kailan ba ko nagbiro sayo?” ngiting-ngiti niyang saad.

“Maraming beses Skye haha!”

He pouts. “Grabe ka, pero di talaga ko nagbiro nung sinabi kong aabangan kita dito.”

“Akala ko kasi, you know… alam ko namang busy ka.”

“I still have a spare time.” Aniya at kinuha ang hawak kong maleta. Naglakad na kami palabas ng Airport.

“Na-miss kita alam mo ba yun?” sabi ko.

The Darker Shades of Black [ TBP BOOK 2 Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon