Chapter 47

1.1K 18 1
                                    

Jonelle's Note :
Shoutout kay @gretchen17, pasensya na kung mali ung spelling ko. Anyway, I dedicate this chapter to you. Dahil ang sipag sipag mong magvote sa kada update ko kahit matagal akong mag-update. Maraming thank you sayo. Nakakataba ng puso na merong taong nagugustuhan ang mga sinusulat mo. Maraming salamat muli at God Bless ✨

Ps. Pasensya na kung hindi proper ang pagkadedicate ko, phone kasi ang gamit ko ngayon. Pero pag laptop na ang gamit ko, ide-dedicate ko na talaga ito ung mga nakalagay na talaga. Hehe. Thanks uli.

----------------

• Paula Jana's Pov •

Makalipas ang ilang araw ay nakalabas na rin ng ospital ang babaeng 'yon. Kada naaalala ko ung hindi pa sya natuluyan ay naiinis ako. Aaminin ko, masama 'tong iniisip ko pero anong magagawa ko? Ako si Paula Jana at ang lahat ng gusto ko ay kinukuha ko at kung hindi ko makuha ay gagawa ako ng paraan para makuha ko ito kagaya ngayon sinasagawa ko na ang plano ko para muli akong bumalik sa tuktok ng tagumpay.

Hindi ko malilimutang simula nakilala yan Chiara na yan para na akong basura na kinalimutan at tinapon na lang basta. Nalimutan na nila ang isang Paula Jana na noon ay loveteam ni Ethan pero ngayon nakalimutan na nila ako kaya heto ako ngayon taking back my place.

Isang nakakapangilabot na ngisi ang lumabas sa king labi habang nakita ko syang papalapit dito sa kinaroroonan ko. Lalo akong napangisi ng halos tatlong inches na lang ang layo namin sa isa't isa.

"Anong ginagawa mo dito?" naguguluhang tanong nya sakin. Napakagat labi lang ako at mas sumandal sa kotse nyang nasa likuran ko at inis-spread ko pa ang dalawa kong braso at kinindatan sya.

Wala namang makakakita dito sa ginagawa ko dahil nandito kami sa parking lot exclusive for artist and talents only.

"Ano pa ba, edi nagpapacute sayo" mapang-akit kong tugon sa tanong nya at unti unti akong lumayo sa kotse nya at pagkatapos ay sya naman ang nilapitan ko.

Kung hindi lang 'to nasa plano ko ay kanina ko pa ito binatukan o sinipa. Pero hindi ko gagawin 'yon dahil kailangan kong magawa ang plano ko para makabalik ako sa right place na nakalaan para sakin.

"Ja-Jana .." may panginginig sa boses nya dahilan para mapangisi ako at mas lalong lumapit sa kanya hanggang sa halos magkadikit na ang mga katawan namin sa isa't isa.

"Gusto mo 'to,diba?" tanong ko sa kanya at pagkatapos ay pasunggab ko syang hinalikan. Alam kong nabigla sya sa ginawa ko pero pinagpatuloy ko lang. Dahil dito sa ginawa kong ito alam kong mapapasunod ko sya. Hindi nya ako mahihindian.

Hindi naglaon ay lumalim ang halik dahilan para mapangisi ako at basta na lang kumalas sa halik. Mapang-akit ko syang tiningnan na ngayon ay nakapikit parin na halatang nabitin sa halik.

"I promise na magiging iyo ako, pero sa isang kondisyon ..." unti unti syang nagmulat ng mga mata upang tingnan ako. Malamang nabigla din sya sa sinabi ko, well ako, hindi na ako nagulat dahil lahat ito ay nasa plano ko.

Strike 2, you're out. Dalawa na. Humanda ka Chiara , mabibigla ka lang nag-iisa ka lang at isusumpa mong sana ay hindi ka na umapak pa sa dinadaanan ko.

• Nina Chiara's Pov •

Thank God at nakalabas na rin ako ng ospital. Pakiramdam ko kasi ay anumang oras ay mamamatay ako pag mas lalo pa akong manatili dun. Don't get me wrong, sadyang ayoko lang talaga dahil alam nyo namang maraming namamatay sa ospital kaya natatakot ako.

"Chiara, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Allison habang kumakain ng inorder nyang stawberry shortcake dito sa cafe.

Tumango at nginitian ko na lang sya. Nitong mga nakakaraang araw ay napag-isipan kong kalimutan na lang ung nangyari nun. Hindi man sinabi nila sakin kung anong dahilan kung bakit nagbugbugan sila Ethan at Darren ay wala na akong pakialam, ang mahalaga ngayon ay kalilimutan ko na ang lahat.

Napangiti ako ng nagpop up sa utak ko ung magkikita kami mamaya ni Ethan. Mag-uusap kami. Aayusin namin ang lahat.A-attend ako ng graduation ceremony nila sa malakalawa. Magiging okay na ang lahat sa aming dalawa.

Naramdaman akong medyo malakas na hampas sa balikat ko dahilan para mapalingon ako kung saan nanggaling 'yon. Ahh, kay Allison pala.

"Ayiie, anong nginingiti mo dyan?" kinikilig nyang tanong pero hindi ko na lang pinansin ang tanong nya bagkus ay lalo akong napangiti upon realizing mamaya na. Mamaya ay magiging maayos na ang lahat.

----

Hours later ...

Pumunta ako sa cafe na pinag-usapan namin ni Ethan ng maaga ng halos 20 minutes. Masyado ata akong excited kaya maaga akong dumating. Wala pa si Ethan pero hindi naman ako nabo-bore dahil okay naman 'tong cafe. May mga paintings na makikita mong nakadisplay at take note magaganda ung paintings na 'yon tapos may maririnig ka pang banda na kumakanta sa ibaba. Solemn ang pagkakakanta nila pero hindi naman malungkot o ano. Lalo ngang nakakainlove dahil ang soft at ang sweet ng boses nung vocalist na kumakanta ng love songs. This cafe is indeed for lovers.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil hindi mawala sa isipan ko ung maaaring mangyari mamaya. Maaari ngang may mga tao ditong nakatingin sakin dito dahil sa suot ko pero okay lang. Magmukha na akong americanang hilaw wag lang pagkaguluhan.

Tinatap ko ang paa ko sa sahig ng nagsimula ng kumanta ng God Gave Me You ung vocalist. Hindi ko rin mapigilang hindi mapangiti sa lyrics ng kanta ng nilapitan ko nung waiter at inabot sakin ung menu. Sandali kong binasa at pagkatapos ay umorder na lang muna ako ng iced tea at sinabing may hinihintay ako.

Tumango naman ung waiter at pagkatapos ay umalis na ito. Binalik ko na lang ang sarili ko sa pagkalibang. Makikinig na lang muna ako ng music habang wala pa si Ethan.

Nakalipas ang ilang sandali ay natapos na ang kanta pero hindi parin dumarating si Ethan. Dumating na rin ang iced tea na inorder ko pero wala pa rin sya. Nagsimula na akong kabahan. Patingin tingin na rin ako sa wrist watch ko para tingnan kung anong oras na pero wala parin sya. Halos magi-isang oras at kalahati na akong nandito.

Ethan, nasaan ka na ba?

Pinabayaan ko na lang na mga ilang minuto pa ang lumipas nung napagdesisyunan ko ng tumayo at puntahan na lang sya. Kinakabahan ako na baka kung may anong nangyari na sa kanya. Nagbayad muna ako para sa inorder kong iced tea at pagkatapos ay aalis na sana ako ng matanaw ko si Reecee na nakasandal sa gilid ng sasakyan ko dito sa parking lot.

Anong ginagawa nya dito? Hindi ko na lang pinansin ang ayos nyang 'yon at nilapitan ko na lang sya. Seryoso syang nakatingin sakin at pagkatapos ay sinabing ...

"Sumama ka sakin, may pupuntahan tayo"

Kahit naguguluhan ay sinunod ko na lang sinabi nya at sumakay na ako sa passanger seat habang sya naman ang nasa driver seat at sya na rin ang nagdrive.

San naman kami pupunta?

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon