Chapter 3

2K 48 1
                                    

Pagkatapos nyang sagutin ung tawag ay basta na lang nyang ibinigay sakin ung phone ko. Nanginginig ko namang tinanggap 'yon. Kinakabahan ako. Ano ba kasi 'tong ginawa ni Allison.

"He-hello ..." nanginginig kong saad. Kinakabahan talaga ako.

Tapos sinamaan ko ng tingin si Allison. Tapos ito namang si Allison parang walang alam, nagawa pang umupo sa upuan at kumain ng chips na binili nya kanina. "What?" nagmamaang-maangan naman nyang tanong sakin.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at binalik ko na lang ang atensyon ko dun sa caller.

"Hello, ito po ba si Ms. Nina Chiara Cooper? ..." teka, kilala nila ako.

"O-opo, paano nyo po nala-"

"Congratulations. Ms. Cooper, kami po ung network na nag-email sa inyo regarding dun sa tv guesting. We are thinking kung pwede po ba kayo tommorrow ? We just need to ask you a few questions Ms. Cooper" bigla naman akong napatingin dito sa kasama ko. Grabe! Masayang masaya sya ah!

"Ahh. Yes po. Sige po. Tomorrow po"

"Thank you Ms. Cooper" at pagkatapos ay inend call na nila. Napatingin naman ako dito sa kasama kong masayang masaya na akala mo ay sya ung kausap nung network.

"O, ano?" nakangiti parin sya at nilapitan na ako. At inakbayan ako. Minsan, iniisip ko kung mali ba ang pagkakagawa ng mga magulang ni Allison sa kanya o sadyang umaasta lang talaga syang ganito.

Parehas kaming no boyfriend since birth nyan dahil sa mapili ako at dahil na rin sa mahal na mahal ko ang boyfriend kong si Ethan at hindi ko kayang magtaksil sa kanya pero itong si Allison, ewan ko ba sa babaeng 'to. Napaganda naman pero bakit kaya nagkakaganyan.

"Anong sabi? Scam ba?" tumatawa nya bang sabi. Umiling iling na lang ako at pagkatapos ay ikinuwento ko sa kanya ung tungkol sa pag-uusap namin nung network. Sobra nyang saya na akala mo sya ung magt-tv guesting. Masaya talaga sya. May payakap yakap pa syang nalalaman.

"Oy, wag mo nga akong yakapin. Hindi naman ikaw ang magt-tv guesting kundi ako,diba?" pilit ko lang syang nilalayo sakin pero ayaw nyang lumayo.

"I know pero dapat nga ikaw rin ay masaya dahil matutupad na ang pangarap mo" this time lumayo na sya sakin at bumalik na sya sa upuan nya kanina.

"Anong ikakasaya ko naman dun? Like duh! Malalaman ng madlang people na isa lang kasinungalingan ko ang lahat at isa lang si Ethan na make-believe boyfriend para sakin. Kaaawaan nila ako. Tatapaktapakan lang nila ak-"

"Grabe naman yan. Sobra ah! Tatapaktapakan talaga? Sobra mo namang negative girl, isipin mo na lang magiging magka-level na rin kayo ng boyfriend mo ay este make-believe pala" at pagkatapos ay nagtatawa pa sya. Hindi ko alam kung nag-aasar ba 'to o ano eh!

"Nang-aasar ka ba?" naaasar kong tanong sa kanya.

"Hindi naman. Pero seryoso, pumunta ka ha. Umatend ka sa tv guesting. Kahit anong mangyari, umatend ka. Aasahan ko 'yun ah" at nakangiti pang sabi ni Allison. Tiningnan ko lang sya. Aaminin ko, ayaw kong pumunta dahil malalaman ng lahat ng secret kong 2 years ng tinatago pero habang nakatingin ako dito sa kaibigan ko. Sinasabi nyang pumunta ako.

Hindi ko alam kung bakit at anong rason nya kung bakit ako pupunta pero sige. Pupunta ako. Ayoko namang masaktan itong si Allison. Kahit ayaw ko, gagawin ko , wag lang masaktan ang kaibigan ko. Ganyan ko pahalagahan ang kaibigan ko.

NUNG mag-uwian na ay dumiretso na lang ako ng coffee shop - ung pag-aari namin. Para maikwento ko na rin kay ate Charen ung tungkol dun sa pagtawag sakin ng network at pag t-tv guesting ko.

"Talaga? Bukas na agad?" sabi ni ate habang pinupunasan ung table. Meron naman kaming helpers dito pero sadyang ganyan si Ate Charen.

Tumango na lang ako at pagkatapos ay ininom ko itong inorder kong vanilla latte.

"Sabihin mo nga sakin Chiara, dahil ba ito dun sa boyfriend mo kuno?" sabi ni Ate Charen with hand gestures pa.

"Opo. Kinakabahan na nga ako eh. Baka kasi after ng interview sakin bukas, maging talk of the town ako. Baka sabihin saking assumera ako" nakatungo kong saad habang iniikot ikot ko na lang ung pang-stir dito sa vanilla latte ko.

Narinig ko namang tumawa si Ate Charen at ginulo nya ang buhok ko. "Bakit hindi ba? Yan kasi ang nagagawa ng walang boyfriend eh, kaya pati artista bino-broadcast sa buong mundo na boyfriend mo. Yan tuloy ang napala mo" at tumawa pang sabi ni Ate Charen at pagkatapos ay iniwan na nya ako.

Nakakainis naman, pati si Ate Charen.


NICHOLAS ETHAN

"Bro, pupunta ka ba?"

"Syempre. Anong akala nyo sakin magpapahuli sa mga happening?" tumatawa ko pang sagot . Nanonood lang ako ng tv ng biglang tumawag ang kaibigan kong si Jess nasa bar daw sila at tumatambay at dahil sa nakakabored na dito sa condo ay pupuntahan ko sila.

Kailangan ko ring magpakasaya kahit naman minsan. Hindi ibig sabihin na gwapo akong artista ay kailangan ko ng maging workaholic. Hindi pwede, masasayang ang gwapo kong mukha.

Binuksan ko na ang pinto at lalabas na sana ako ng biglang tumambad sakin ang mukha ng manager ko. Agad namang kumunot ang noo ko. Tae ! Bago pa nga lang ako magpapakasaya, trabaho na naman ang sasabihin nito.

"What are you doing here?" bored na tanong ko sa kanya.

Hindi na lang nya pinansin ang tanong ko, sabagay ano pa nga ba? Sanay na 'to sakin. Sa tagal ba namang manager ko yan. Sino bang hindi masasanay ?

"Saan ka pupunta Ethan?" masungit nyang tanong sakin. Inirapan ko na lang sya ng mata at tuluyan ng lumabas ng condo at nilock ko na rin ung pinto .

"Tatambay, san pa ba?" pabalang kong sagot sa kanya. At nagsimula na akong maglakad papaalis ng nagsalita sya dahilan para sandali akong tumigil.

"You have a tv guesting tomorrow. Don't be late. And a piece of advice kung mag-iinom ka lang ngayon, I suggest na wag ka na lang tumuloy dahil for sure malalate ka naman . I don't want that to happen ..." naasar naman ako sa sinabi nya kaya hinarap ko sya.

"Ano ba talagang mapakialam mo ha? Manager lang kita, hindi kita magulang !" pabalang kong saad. Nakakainis naman oh ! Badtrip ba !

"Oh! Sa tingin ko, nakalimutan mo na. Hindi mo lang ako manager, kapatid mo rin ako. Kaya dapat --"

Hindi ko na tinapos ang sinasabi nya ng sumabat na ako.

"Oh, will you just shut up. I'm tired of this. Kung miserable ka dahil hanggang ngayon hindi mo pa rin nakikita ung babaeng 'yon wag mo na akong idamay pa. Gusto kong magpakasaya , okay?" at tinalikuran ko na sya pero hindi pa ako nakakapaglakad ay basta na lang nya nilagay ang kamay nya sa may balikat ko.

"Alam kong malaki ka na Ethan pero you still need to respect me. I'm 3 years older than you .."

"Whatever" at pagkatapos ay pabalang kong tinanggal ung kamay nya sa balikat ko at umalis na.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon