Chapter 36

982 17 0
                                    

"Allison, ano ba ilang minuto na lang ay magsho-shooting na kami bakit kailangan pa akong mag blind fold?" tanong ko habang nilalagay nya ang blind fold.

Hindi sya sumagot bagkus ay narinig ko syang pumalakpak ng marahan at naramdaman ko na lang na nagsimula na kaming maglakad.

"Teka, saan tayo pupunta?" kinakabahan kong tanong. Narinig ko syang mahinang tumawa.

"Basta, darating din tayo dun" pagkasabi nya yon ay hindi na muli ako nagtanong at nagsalita. Kilala ko si Allison at may tiwala akong hindi nya ako pagti-tripan, ngayon pang ilang minuto na lang ay magsho-shooting na kami.

Palibhasa graduate na kami kaya nandito ang babaeng 'to at sa kinikilos nito mukhang hindi pa nito napagiisipan kung saan sya magka-college.

Makailang lakad din ang ginawa namin na pakiramdam ko ay ilang milya dahil sa nakablind fold ako. Hangang sa basta na lang syang tumigil at sinabi nyang nandito na kami.

"Allison ..." bigkas ko ng pangalan nya dahil pakiramdam ko ay di ko na sya kasama. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba at dali dali kong tinanggal ang blind fold ko at nung tinanggal ko ito ay nanlaki ang mga mata ko at hindi ko na naiwasang mapaluha dahil sa sobrang saya.

Napatakip ako ng bibig at naramdaman ko na lang na nilapitan nila ako at niyakap. Halos hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang kasiyahan.

"Chiara, nandito na ang imported na bisita natin o" pang-aasar ni Allison dahilan para mas lalo pa akong maluha. Sandali ko itong pinunasan at niyakap ng mahigpit si Reecee habang patuloy parin sa pagbagsak itong mga luha ko.

"Grabe, namiss ko ang guy bestfriend ko"

Kumalas na sya ng yakap at sya na rin ang nagpunas nitong mga luha ko.

"Umuwi ako ng pilipinas para sa inyong dalawa kaya i-treat nyo ako" pagbibiro nya dahilan para matawa kami Allison at pagkatapos ay mag group hug kami.

Pagkatapos naming mag group hug ay napansin naming marami pang staff ang nakatingin samin at yung iba naman ay pumapalakpak kaya natawa na lang ako.

Pero teka, bigla kong naalala kung kanina ko pa kasama ni Allison edi sino ang sumundo kay Reecee sa airport?

"Teka , sinong sumundo kay Ree--" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng may bigla na lang sumulpot. Natawa naman ako dahil naka make face pa si Darren habang papalapit sakin.

Natawa naman ako sa kanya at niyakap ko rin sya. Nakakamiss din pala ang isang 'to.

Nagkaroon kami ng kwentuhan at tuluyan ng nawala sa isipan ko ung shooting.

"Ma'am Chiara, pasensya na po sa abala pero kailangan na po kayo sa set" napahiya naman ako dahil naisipan ko pang bumangka ngayong may shooting pa pala ako. Nakakahiya naman kay Direk.

Nagpaalam muna ako kina Allison at naglakad na papunta sa manager ko. Natawa naman sya at sinabi sakin ung gagawin ko na sinabi kanina ni Direk at pagkatapos nun ay umakting na ako.

Bigla ko tuloy naalala, bago ako isabak sa palabas na ito ay nagkaroon muna ako ng acting worshop na akala ko nun ay hindi ko magagawa pero Thank God, nakalipas na 'yon at heto ako ngayon umaarte na sa harap ng kamera.

Nung ka-eksena ko na si Ethan ay naging okay naman ang lahat. Hindi ako nakaramdam ng pagkailang o naiinis ako sa kanya dahil sa kahapon. Narealize ko kasi na marahil tama si Allison na busy lang syang tao at ito ang mundo ng showbiz. Marahil din ay mainit na ang ulo nya dahil madami syang dinaluhan at siguro ay pinilit nyang humabol pero hindi na talaga sya nakahabol sa graduation ko.

Pagkatapos ng eksena ay lalapit na sana ako sa kanya nung lumapit na sya kay Kuya EJ, siguro tungkol un sa mga schedules nya. Napabuntong hininga na lang ako.

Gusto kong magsorry sa kanya pero ngayon pa lang masyado na syang abala paano pa kaya kung mas tumagal at mas lumalim ang pagmamahal namin sa isa't isa tapos ganito parin sya.

Umiling iling ako at naisip kong wala naman sigurong masama kung pasimple akong lalapit sa kanya at magso-sorry ako sa inasta ko. Tama ganun nga kaya hahakbang na sana ako ng may naramdaman kong kamay sa may balikat ko dahilan para lingunin ko kung sino.

"Manager" nasanay na rin kasi akong tawagin syang manager.

"Chiara, may offer sayong commercial ang dalawang sikat na restaurant dito sa pilipinas, alin dito ang pipiliin mo?" tapos ay itinuro na sakin ni Manager ung dalawang logo ng restaurant.

Pipili na sana ako ng marealize kong magtatanong nga pala ako kay Manager.

"Manager, ganito ba talaga ang buhay artista?" tanong ko habang nilingon ko ang paningin ko kay Ethan na ngayon ay mukhang nagtatalo na sila ni Kuya EJ . Naglabas muna ako ng buntong hininga bago ko muling binalik ang tingin kay Manager.

"Oo, it's hard and demanding pero later on you will get use to it. Alam mo nun ganyan din si Jana pero unlike you she want to top it all. Gusto nya sya lang ang napapansin ng lahat. Gusto ko nya halos lahat ng advertisments at commercial sya ang laman. " natawa naman si Manager "Kinain na sya ng buo ng industriya"

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Base sa pagkakaintindi ko. Mahirap nga itong pinasok ko. Malungkot na lang akong lumingon sa kinaroroonan nina Ethan kanina pero ngayon wala na sila dun.

Teka, ganito ba ang mangyayari sa relasyon naming dalawa? Parang nung nakakaraan lang halos okay ang lahat pero bakit ngayon maging carrer namin hinahadlangan kaming makasama at makausap ang isa't isa?

Sadya bang pinakain ko lang talaga ang sarili ko ng kasinungalingan at hindi naman talaga ni Ethan ang nakatadhana para sa isa't isa?

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon