Chapter 18

1.1K 27 0
                                    

Halos wala na akong makita dahil sa sunod sunod na mga flash ng camera na kahit anong takip ko pa nitong mga mata ko ay nasisilaw parin ako sa liwanag.

"Chiara,come on" hindi ko na naimulat pa ang mga mata ko dahil nananatili parin akong nasisilaw sa mga flash ng camera. Kaya pinabayaan ko na lang si Darren na hilahin na lang ako hanggang sa makasakay na kami ng kotse nya .

Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko bago ko ito minulat. Naramdaman ko na ring pinaandar na rin ni Darren ang sasakyan nya maaaring dahilan sa sinusundan na kami ngayon ng mga paparazzi.

Itinigil ni Darren ang sasakyan sa tapat ng isang condominum. Napaangat ako ng tingin kung gaano kataas ito. Narinig ko naman syang mahinang tumawa at basta na lang hinawakan ang kamay ko at basta na lang kaming pumasok sa loob, hindi na rin sya dumiretso pa sa front desk para kunin ang susi bagkus ay basta na lang kaming pumunta sa may elevator at pinindot nya dito ang floor number.

Pero ang nakakapagtaka, bakit parang nung pagkapasok namin sa loob nitong building ni condominum lahat ng mga staff dito pati na rin ang dalawang security quards na nasa labas ay nagbow at binata sya ng 'Good morning po Sir Darren' . Hindi naman sa gusto kong alamin pero nakaka-curious lang kasi.

Napatampal na lang ako ng mahina sa noo ko. Loko ! Bakit ba ako nag-iisip ng mga walang kwentang bagay? Malay mo diba, masyadong magalang ang mga staff ng condominum na 'to?

"Something wrong?" napalingon naman ako dito sa kalapit ko na nakatingin sakin. Ay, oo nga pala may kasama pala ako dito. Hindi ko na kasi napansin na may kasama pa pala ako dito, masyado kasi akong abala sa pag-iisip.

Ngumiti na lang ako at umiling iling. Pero seryoso, saan ba kami pupunta ni Darren?

Tumunog ang sound dito sa elevator at pagkatapos ay bumukas na ang door nito. Lalabas na sana kami ng may dalawang staff ang papasok pa lang sa elevator ang nag-bow at bumati kay Darren. Ngumiti lang si Darren at pagkatapos ay lumabas na sya ng elevator kaya sinundan ko na lang sya.

Tumigil sya sa tapat ng isang kwarto. Teka, anong gagawin nya? Bakit binuksan na nya ang pintuan? Bakit niyayaya nya akong sumama sa kanya sa loob ?

Naramdaman ko na lang na nanginig ang tuhod ko pero hindi ko na 'yon pinahalata sa kanya. Ayokong maisip nyang natatakot ako sa kanya at baka i-take advantage nya ako.

Darren, wag po. Pakiusap. Ayokong ibigay na lang basta ang pagkababae ko sa taong hindi ko mahal at kung mahal man kita hindi ko parin ito sa yo ibibigay dahil ibibigay ko lang ito sa asawa ko na makakasama ko panghabang buhay.

"O, bakit ka nakatayo,dyan?" nakangisi nyang tanong sakin dahilan para lalong manginig ang dalawang tuhod.

"A,wala. Wag mo na lang akong pansinin" alam kong pati boses ko ay nanginginig pero anong magagawa 'ko? Natatakot ako!

"O,C'mon. Alam kong magugustuhan mo din 'to" at naglalakad na sya papalapit sakin. Nanlaki na ang mga mata ko dahil suot suot parin ny ang ngising 'yon sa mukha nya. Natatakot na talaga ako. Bakit ba kasi sumama pa ako, edi sana nanatili na lang ako dun sa mga paparazzi na 'yon . Nakakainis naman kasi.

Palapit sya ng palapit sakin hanggang sa na-corner na nya ako sa pader. "Wala ka ng matatakbuhan. Wag kang mag-alala, magugustuhan mo rin 'to pangako"

Madiin kong pinikit ang aking mata at sumigaw

"PAKIUSAP DARREN, LAYUAN MO AKO NATATAKOT NA AKO SAYO. "

Nanatili lang nakapikit ng madiin ang aking dalawang mata ng may narinig akong sunod sunod na tawa dahilan para magmulat ako ng mata. Nakita ko syang nakalagay ang kamay sa tyan habang tumawa. Umiiyak na rin sya katatawa.

Teka, ano bang sinabi ko? At teka, ibig sabihin kathang isip lang yong kanina?
Gusto ko sanang itanong sa kanya kung totoo ba ung kanina pero mukhang hindi dahil hanggang ngayon ay nasa labas parin ako samantalang sya naman ay nasa loob na.

Napapahiyang napangiti na lang ako at pumasok sa loob. Pagkapasok ko ay pinaupo nya muna ako dito sa may sofa nyang kulay gray. Napansin ko rin ang awards nya na nakalagay sa cabinet nitong may salamin. Tumayo muna ako sandali para makita ng malapitan ang mga awards nya.

Nakakatuwa naman. Ang dami nyang awards. May actor, singer,acting at marami pang iba. Meron pa nga ditong sunod sunod na taon nyang nakuha ang award pero may isang larawan akong nakita dito na halos napatigil sakin at sandaling pagmasdan ang larawan.

Picture nila ito ni Ethan at mukhang masayang masaya silang dalawa sa picture. Naka-akbay lang si Ethan kay Darren habang parehas silang masaya. May kakaiba sa picture na 'to dahil sa picture na 'to masayang masaya si Ethan na ni minsan ay hindi ko nakita well siguro hindi nya lang pinapakita.

"That was then nung hindi pa nakikilala ni Ethan si Charrise" napalingon naman ako dun sa nagsalita at nakita ko si Darren na may hawak na dalawang hot choco ibinigay naman nya sakin ung isa at tinanggap ko naman. Uminom muna ako sa hot choco bago nagtanong.

"Charrise?"

"Ung naging ex ni Ethan, two years ago? She's just a social climber who want nothing but Ethan's money and fame. She just used Ethan even though Ethan loved her so much that he even want to give up his career just for her" natigilan ako sa narinig ko . Give his career just for a girl ? That's nonsense ! Pero ...

"Pero bakit hindi napabalita?"

"Ethan, want it to be private.And since then, nagbago na sya. Though I missed the old Ethan back, I missed my bestfriend" hindi ko alam sa sarili ko pero I just found myself hugging him. Dahil kung mangyari man sakin ang ganito na pakiramdam ko ay mawala rin sakin si Allison, iniisip ko pa lang nahihirapan na ako.

Pagkalipas din ng ilang segundo ay bumitaw na rin ako sa yakap.

"I know Ethan, will be back again. Babalik ang dating sya" at ngumiti ako. Umupo kami sa may sofa at nagkwentuhan hanggang sa bumagsak ang topic namin sa dapat naming pag-usapan .

"What do you mean na hiwalay na kayo ni Ethan"? he looks so curious about this certain topic. Hindi ko alam sa sarili ko kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo.

Naglabas muna ako ng isang buntong hininga. Okay, wala ng ayawan 'to kakayahin ko 'to.

"Actually, hindi naman talaga naging kami" nakatungo lang ako habang sinasabi 'yon.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon