Chapter 19

1.1K 25 0
                                    

"What do you mean by that?" lalo akong kinabahan dahil sa tono ng pananalita nya. Baka isipin nyang kagaya lang ako ni Charrise .

"A-ano kasi--" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng biglang nagring ang phone nya kaya agad nalipat dun ang atensyon nya dahilan para makahinga naman ako ng maluwag. Sinagot nya ang tawag.

"Cloude,can you see that I'm in the middle of-- what? Are you serious?" at pagkatapos non ay agad nyang inabot ang remote ng tv nya at nagulat na lang ako sa nakita ko sa tv. O.M.G. Is that me ? Napatakip ako ng bibig.

"Nina Chiara Cooper whom we believed to be Ethan's secret girlfriend turns to be Darren's official girlfriend ..."

Bakit nila sinasabi ang mga ganitong bagay na walang katotohanan. Tulala na ako dito kaya hindi ko na napansin na pinatay na pala ni Darren ang tv.

"Continue. Tell me bakit hindi naging kayo ni Ethan kahit naman lumabas sa news na you guys are been together for about 2 years. ?" natahimik ako. Bumalik na naman ang kaba ko kanina pero hindi ako pwedeng magsinungalingan dahil lahat ng sikreto ay nabubunyag. Kailangan kong masabi ng katotohanan.

"The truth is .. He's just my make-believe boyfriend ... " at ikinuwento ko na sa kanya ang lahat. Isa na rin kasing rason kung bakit naging make-believe ay dahil sa crush na crush ko talaga sya. And I believe na nasabi ko na 'to sa inyo. Hihi. At saka sinabi ko na rin kay Darren na totoo ung sinabi ni Ethan nun na hindi naman nya talaga ako kilala. We're completely strangers in his eyes.

"So, that's the whole truth pero kung hindi naman talaga kayo ni Ethan, bakit ganun syang umasta?"napaisip naman ako sa sinabi nya. Totoo yon dahil alam nya sa sarili nyang hindi naman talaga kami pero basta basta na lang nya akong hinihila minsan naman ay ninanakawan nya ako ng halik.

"Hindi ko rin alam" un na lang ang nasagot ko.  Nagkaroon ng maikling katahimikan hanggang sya na rin ang bumasag nito.

"Hanggang ngayon ba ay gusto mo parin si Ethan?" there's hope in his eyes. I wonder why?

"Aaminin ko sayo ang totoo, naiinis ako sa kanya , sa ugali nya, naiinis ako kung paano nya ako tratuhin pero deep inside hindi ko parin talaga alam ang sagot dyan sa tanong mo" natahimik naman sya. Teka, may nasabi ba akong mali ? Did I hit a nerve ?

At sa pangalawang pagkakataon, nabalot na naman kami ng katahimikan. Tahimik lang nyang iniinom ung hot choco nya samantalang ako hindi ko mawarian sa sarili ko kung bakit parang nahihiya ako sa kanya na ewan. Nanatili lang kaming ganung katahimik ng mapansin nya ang oras at naisipan nyang ihatid na ako samin.

Buong byahe ay tahimik lang ako. Gusto ko mang magsalita o magkwento pero hindi ko magawa dahil sa taong 'to. Parang dahil lang sa sagot ko kanina parang may nagbago na sa kanya, na hindi ko maipaliwanag. Parang nakita ko kanina sa mga mata nya na parang nadissapoint sya. 

Pagkababa ng sasakyan ay nagpasalamat at nagpaalam ako kay Darren pero hindi nya ako tinitingnan kaya unti unting nawala ang ngiti ko sa mukha. Akala ko pa naman kapag ngumiti ako may magbabago sa atmosphere pero mali ako, mukhang naging worst pa ito. Natahimik na lang ako at malungkot na pumasok sa loob ng bahay. 

Pagkapasok ko ay nakita ko si Ate Charen na kasama si Manager Earl, tipid lang akong ngumiti sa kanila para ipakitang masaya ako para sa kanila. At pagkatapos non ay aakyat na sana ako papunta sa kwarto ko ng tawagin ako ni Ate Charen dahilan para lingunin ko silang dalawa. Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Chiara .." bigkas ni Ate Charen sa pangalan ko. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit umupo ako sa bakanteng pwesto sa sofa na paharap sa kanilang dalawa. May nangyari bang masama at ganyan ang mga mukha nila?

"Ate ..."

"Chiara ..." humarap si Ate Charen kay Manager Earl at nagtinginan sila at parang sa tinginan nilang 'yon ay nagkasundo na sila sa isang bagay dahil pagkatapos nun ay tumango na lang si Ate Charen. Dahilan para umusbong ang pag-aalala dito sa puso ko. May nangyari bang masama?

"Ate Charen ..." tumayo na ako para yakapin si Ate Charen kaso naging mabilis sya at agad syang tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Pinilit kong kumalas sa yakap ni Ate dahil hindi na ako makahinga. Nung kumalas na ako ay parang mapupunit na ang mukha ni Ate Charen dahil sa sobrang kasiyahan. 

Anong nangyari sa ate ko? Kanina malungkot 'to ah, pero bakit ngayon halos mapunit na ang ngiti sa kanyang mukha?

"Ate Charen, anong bang nangy---"

"Chiara, EJ and I are getting married ..." at pinakita pa ni Ate Charen ung singsing sa ring finger nya.


------

Let's be honest, gulong gulo ako kaya inalam ko ang buong kwento kina Ate Charen at hindi naman nila ipinagdamot 'yon , she even told me the whole story na walang kulang dahilan para ngumiti na lang si Manager Earl este Kuya EJ, masyado kasing mahaba kung may manager pa. Ikinuwento ni Ate Charen na kanina lang daw nagpropose si Kuya EJ dun sa cofee shop, akala daw ni Ate Charen ay bibisita lang si Kuya EJ kagaya ng lagi nitong ginagawa pero nagkamali sya dahil nilapitan sya nito at pagkatapos ay agad niluhod ni Kuya EJ ang isang tuhod at tuluyan ng nagpropose sa kanya si Kuya.

Sa sobrang tuwa ni Ate Charen ay sinagot nya si Kuya EJ at umuwi daw sila dito sa bahay para daw ikuwento sakin ang good news nila.

"Congrats ,Ate Charen.." nangumiti na lang ako. Nakita ko namang ngumiti silang dalawa pero pagkatapos lang din ng ilang segundo ay nawala ang ngiting 'yon.

"Chiara, are you dating Darren?" natahimik ako. Bigla parang biglaan naman ang topic na 'to. Tinginan ko lang si Kuya EJ at Ate Charen na seryosong nakatingin sakin. Hindi ko malaman kung anong emosyon nila. I can't see it in their eyes.

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon