Chapter 4

1.7K 47 1
                                    

NICHOLAS ETHAN

Pagkarating ko sa bar ay agad akong sinalubong ni Jess na ngayon ay may dala dalang dalawang alak . Kinuha ko naman ung isa at pagkatapos ay ininom ko ito. Ikinuwento ko rin sa kanila ung pangyayari kanina tungkol sa konting sagutan namin ng manager ko.

"Bro, ikaw rin kasi ang may kasalanan. Hindi mo na lang kasi inintindihin ung kuya mo. Alam mo namang hanggang ngayon broken hearted parin tapos -" sabi ni Cloude

"Tama si Cloude bro .." at nagfist pa silang dalawa. "Tama" at nagtawanan pa itong dalawa. Umiling iling na lang ako. Nakakahiya itong dalawang 'to halatang lasing na pareho eh.

Oo nga pala, mga artista rin itong mga kaibigan ko, hindi lang halata pero mga artista yan. Sina Cloude, Jess, Darren at Zian.

"Balik tayo sa usapan, bro. Kumusta na nga pala ang kuya mo, nakapagmove on na ba?" tanong naman ni Darren. Anong nangyari dito? Hindi ba sya nakikinig sa usapan kanina ?

"Kahit kailan talaga bingi ka, Darren. Mabuti may trabaho ka pa, sa bingi mong yan" at basta na lang syang hinampas ng bote ni Zian dahilan para bumawi naman si Darren.

Kahit kailan talaga ang mga ito. Umiling iling na lang ako at muling umorder at pagkarating nung inorder ko ay nilagok ko ito. Uminom lang ako ng uminom hanggang sa nilapitan na ako ni Jess dito. Mukhang okay na sya.

Umorder naman sya samantalang ako ay nilingon ko si Cloude na ngayon ay nakadapa na sa sahig at natutulog. Mahina naman akong tumawa at pagkatapos ay nilagok ko na naman itong alak na nasa baso ko.

"2 years na ang lumipas, diba?" napalingon naman ako dito sa kalapit ko. Aba, anong nangyari at biglang sumeryoso ang isang 'to. Tae ! Hindi ako sanay.

"Oo .." cold na tugon ko. At pagkatapos ay muli akong umorder.

Hindi na lang naumimik itong kalapit ko kaya napaisip akong baka nakatulog na pero nagkakamali ako dahil bigla na lang itong tumawa ng malakas. Ung tawa na parang nababaliw at pagkatapos ay humarap sakin habang tumawa kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko sya.

Pero naging mali ang move ko at agad naman syang nakabawi dahilan para bumagsak ako sa sahig. Napahawak ako sa labi ko, tae! Dumudugo na. Dahan dahan na lang akong tumayo at nilapitan sya at pagkatapos ay sinuntok ko sya. Ung suntok na panigurado ay makakatulog sya.

Pagkatapos ko syang suntukin ay bumagsak na lang sya sa sahig. At bumalik na lang ako dun sa upuan ko kanina at muling uminom. Nanatili lang ako dun ng maramdaman kong may umupo na naman sa kalapit ko. Hinanda ko na ang kamao ko dahil kung si Jess 'to sisiguraduhin kong bukas na sya gigising pero nagkamali ako.

"Bro, pasensya na." Sabi ni Darren. Minsan talaga kinikilabutan ako sa sinasabi nito.

"DARREN" sigaw naman ni Zian pero hindi na lang pinansin 'yon ni Darren at nung nilapitan sya ni Zian ay basta na lang nya itong sinuntok.

"Ethan, pasensyahan mo na ang kuya mo. Hindi pa yon nakakapagmove on. Maikli ang dalawang taon" nilingon ko naman sya .

"So, kinakampihan mo ba sya?"

"Hindi naman sa ganun pero minsan, kailangan mo syang intindihin." At pagkatapos ay tumayo na sya pero hindi nya pa namo-move forward ang paa nya muli syang nagsalita.

"Tara na. Maaga pa ang guesting mo bukas"

NINA CHIARA

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon