Epilogue: Heaven on Earth

4.1K 153 30
                                    

A/N: This is it! Ang pagsisimula ng bagong buhay!

MABILIS niyang nilakad ang malawak na garden ng kanilang bagong bahay. Kahit pa pagod na pagod siya sa maghapong meeting kasama ng mga producers na gustong gawing pelikula ang mga bagong kabanata ng online game na Enchanteur na ini - launch nila noong mga nakaraang taon, excited pa rin siyang umuwi sa kanyang bahay. Alam niyang may naghihintay na sa kanyang pag - uwi at sigurado siyang isang magandang ngiti mula sa asawa niya ang sasalubong sa kanya.

"Taan ta galing?" tanong ng isang matinis at utal na boses. Iyon ang sumalubong sa kanya nang makapasok siya sa pinto. His eyes automatically searched for that little voice. A smile formed on his lips when he found his two - year old little angel, standing atop the kitchen table, with her little hands on her hips. Mukhang ginagaya nito si Sera kapag ang asawa ang nagtatanong sa kanya kapag nale-late siya ng uwi mula sa trabaho at hindi siya nakapagpaalam dito.

Nilapitan niya ito at niyakap bago kinintalan ng magaang halik sa pisngi. Humagikhik ang paslit bago nanguyapit sa leeg niya.

"Hey, Sweetie, how's your day?" tanong niya rito.

"I mit you!"

"I missed you, too," sabi niya. Kinarga niya ang anak patungo sa silid nito. "Bakit gising ka pa?"

"Nihihintay tita," sagot ng anak. Ngumuso ito bago nagsimulang magsumbong. "Daddy, miyak si Mommy tanina."

"Bad ka yata kanina kaya umiyak si Mommy, eh," tudyo niya rito.

Umiling ang anak at nagsimulang manubig ang mga mata nito. Sumubsob ang mukha nito sa leeg niya hanggang sa pumalahaw ng iyak ang bata. Inaalo na niya ito nang humahangos na lumabas ang asawa niya mula sa kanilang kuwarto.

"Nick?" tawag ni Sera. Nakakunot ang kilay ng maganda niyang misis. Napangiti siya nang maramdaman ang pagtalon ng tibok ng kanyang puso. It has been four years now since the day he first met her and still her effect to him has not changed.

"Hi, Mrs. De La Garza," bati niya kay Sera. He kissed her long and deep. "I missed you today."

"I missed you, too, Mr. De La Garza. How's work?"

"Hell as always," sagot niya.

"Kumain ka na ba?" tanong muli nito. "May natira pang pagkain. Iinitin ko lang."

Pinigilan niya ang braso ng asawa. "Huwag na. Kumain na ako kanina."

"Sigurado ka?" Tumango siya. Inakbayan niya si Sera bago iginiya sa loob ng kuwarto ng anak.

"And why are you still awake, little girl?" tanong nito sa anak nang itinaas ng bata ang dalawang kamay para magpakarga kay Sera.

"Mommy, I'm tleepy,"

Inihele nito ang bata habang kumakanta hanggang sa makatulog na ito.

"Umiyak ka raw kanina sabi ni Pipay," mahinang sabi niya nang mailapag ni Sera ang anak sa kama nito. Kumunot na naman ang noo nito kaya natawa siya.

"Bakit ka tumatawa? Hindi na ba ako puwedeng umiyak ngayon, ha?" mahinang pagtataray nito. And because she looked so hot and irresistable when she's angry, he can't help but kiss her again.

Pero dahil nga naiinis sa kanya ang asawa dahil sa pag-aakalang pinagtatawan niya ang pag - iyak nito kanina, ay nag - walk out ito sa kanya. Marahan niyang isinarado ang pinto ng anak bago sinundan si Sera sa kanilang silid na katapat lamang ng silid ng anak.

Nang makapasok sa silid ay hindi agad niya natagpuan ang asawa. Iginala niya ang mata sa kabuuan ng silid hanggang sa marinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Lalong lumawak ang kanyang ngiti nang maalala niya na minsang pinasok niya si Sera sa banyong iyon. They almost made love that time if not for Brandy's instrusion.

ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon