Chapter 9: The After Glow

2.4K 97 8
                                    

A/N: Maikling chapter lamang po ito. super ikli... Hehehe.. But still hoping you'll enjoy... :))))

Dedicated to Fairy Wordsmiths (Ingrid Dela Torre, Kylie Montiel/Sachi Bliss, Autumn Castillo/Dana Rivera, Jaimie Atienza)

NASA isang bar silang apat dahil nagyaya si Chase na makipagbonding. Pero wala namang ginawa ang magaling niyang kaibigan kun'di ang lunurin ang sarili nito sa alak at kamiserablihan. Sa palagay niya ay may problemang pampuso si Chase kaya naisip nitong makipag-inuman sa kanila.

As usual, walang imik si Colt na pinagmamasdan lang si Janus na paglaruan ang buhok ni Chase. Nakasubsob na ang lalaki dahil sa sobrang kalasingan.

"You're sho unfair, Nick," narinig niyang usal nito. Napatingin sa kanya si Colt at natigil naman sa ginagawa si Janus.

"At bakit naman ako unfair?" tanong niya sa malamig na boses.

"You're shmiling like a loveshtruck idiot and here I am wallowing myshelf in pity and brokennessh." Ano raw? Siya, smiling like an idiot?

"Hey, paninirang puri iyan. Puwede kitang ihabla," sabi niya. Lasing na talaga ang kaibigan niya. Nilalagyan na nito ng letter H ang lahat ng may letter S na salita nito.

"Bakit? Totoo naman, ah. Kanina ka pang nangingiti ng walang dahilan. Shiguro iniiship mo si Shera."

Natigilan siya sa sinabi nito. Aba, hindi niya namalayan na tama si Chase. Si Sera nga ang iniisip niya kanina lang. Hindi niya akalain na maganda ang gising niya nang umagang iyon. He woke up with her sleeping soundly beside him. Nakasiksik ito sa kanya; nakalapat ang pisngi sa kanyang dibdib at nakayakap ang isang braso sa kanyang tiyan.

Magaan ang kanyang pakiramdam na magising at si Sera ang unang masilayan ng kanyang mga mata. Halos ilang linggo pa lang mula ng bigla itong dumating sa buhay niya pero alam niyang hindi na niya kayang harapin ang bawat araw na hindi ito kasama.

Biglang ngumisi si Chase sa kanya. Kahit lasing ang kaibigan niya at namomroblema ito sa damdamin nito para sa isang sikretong babae, hindi siya mangigimi na bigwasan ito kapag may kalokohan itong ginawa.

"Naka-shcore ka na, ano?"

What the...

"Anong sabi mo?" singit ni Janus. Si Colt naman ay mukhang naging interesado sa sinabi ni Chase.

"Naka-shcore na shii Nick kay Shera. Tingnan mo, he had that after glow that mosht women have after a wonderful and shatishfying romp on the bed with a gorgeoush, hot, and virile man."

Tinuktukan niya sa ulo ang kaibigan. "Ano bang pinagsasabi mo, Chase?" inis niyang tanong. Pati ba naman sex life niya ay itsi-chismis nito.

"So, is it true?" tanong ni Colt.

"Na?"

"Na naka – first base ka sa honeymoon ninyo?"

"Hey, Coltrane, tumigil nga kayo. Ayokong pag-usapan iyan. Hindi maganda dahil parang nababastos si Sera. At ayokong bastusin si Sera," saad niya. Yeah, telling his friend about his night activities with Sera is equal to not respecting his 'wife'.

"Bakit ayaw mong pag-ushapan?" pangungulit ni Chase.

"Dahil hindi dapat. It was private and personal so why would I tell you about it. Sa amin na lang iyon ng asawa ko."

"Ang damot mo," ngalngal pa rin ng lasing na kaibigan. "Gushto ko lang naman makarinig ng mashayang pangyayari pero ayaw mo akong pagbigyan. Anong klashe kang kaibigan, ha, Dominick?"

"Hindi ako nagpunta rito para pag-usapan ang sex life ko. Narito ako kasi pinapunta mo ako rito. Ang sabi mo may problema ka. Kaya bakit ako ang magkukuwento? Hindi ba dapat ikaw ang nagkukuwento para matulungan ka namin?" sagot niya kay Chase.

"Pero kashi, Pare, ang ganda ng glow mo. Bagay sha iyo. It'sh like the heavy burden you carry wash lifted from your shhouldersh and you're like shoo in love with your wife."

Chase was right. Before Sera came to his life, he felt heavy laden. Pero nang sumulpot ito sa buhay niya parang kay ganda at kay gaan lagi ng pakiramdam niya. And he found himself looking forward to another day with a smile in his lips.

"Are you already in love with her, Nick?" tanong ni Colt.

Naig- isip siya. "Hindi ko pa alam talaga kung mahal ko na nga siya. Natatakot pa rin akong isipin na sa oras na tuluyan kong hayaan ang sarili kong mahalin siya ay masaktan lang uli ako gaya ng dati."

"Sabi ko naman sa 'yo, hindi mo malalaman kung naong puwedeng mangyari kung hindi mo susubukan," singit ni Janus.

"Bakit n'yo ba pinipilit si Nick?" sansala ni Colt. "Hayaan ninyo siya sa diskarte niya. Wala naman iyang ibang pupuntahan kun'di doon din. Asawa na niya si Sera kaya wala siyang kawala sa kakulitan ng babaeng iyon."

Oo. Wala na talaga siyang kawala kay Sera. She had stolen something from him. A very important something to him.

Habang patuloy ang pakikipaghuntahan niya sa mga kaibigan at pakikinig sa pagra-rant ng lasing at problemadong si Chase biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Sinipat niya ang oras sa kanyang relos. It was almost eleven in the evening. Hindi niya namalayan ang oras. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, noon lang niya na-realize na hindi pala niya natawagan si Sera para sabihin dito na gagabihin siya dahil lalabas siya kasama ang tatlong itlog niyang mga kaibigan.

"Excuse me. I have to take this," sabi niya bago tumayo upang lumabas ng bar.

"Nakow! Lagot ka sha ashawa mo," humahagikhik na sabi ni Chase. "Hindi ka nagpaalam. Shigurado outshide the kulambo ka!" pangangant'yaw pa nito. Napailing na lang siya habang nagmamadaling lumabas upang sagutin ang tawag.

"Ewan ko sa iyo," sagot niya.

"Bakit ba kashi ayaw mo pang umamin? Shi Shera ang dahilan kung bakit ganyan ka kashaya ngayon. Ayaw mo akong shamahan sha pagdadalamhati ko," patuloy na mukmok ni Chase.

Tumigil siya paglalakad at hinarap ang kaibigan. He shook his head. Alam niyang hindi siya titigilan ng kaibigan kaya wala siyang choice kundi ang pagbigyan ito.

"Oo na. Si Sera nga ang dahilan."

"Ayun umamin din!" saad ni Janus. Nag-apir ito at si Chase.

"Bakit hindi si Sera ang magiging dahilan? Asawa ko siya. Alangan namang ibang babae ang maging rason para gumanda ang mood ko."

"So, ibig sabihin hindi na kayo nag-aaway? Last time kasi ay kulang na lang ng boxing ring at magsusuntukan na kayo."

"We're adjusting. Bago pa lang naman kami mag-asawa kaya given na iyong maraming adjustment ang kailangan. Isa pa matigas din ang ulo ng asawa kong iyon plus the fact that she's overly persistent. Minsan nga hindi ko alam kung kinukulam niya ako kasi halos lahat ng oras ay hindi ko siya matanggihgan sa gusto niya."

Persistent din ang mga kaibigan niya dahil hindi niya namalayan na nagkukuwento na pala siya ng ilang mga nakakatuwang pangyayari sa kanila ni Sera. Nakailang minuto rin siyang nakalimot sa tawag ni Sera hanggang sa tumunog uli ang aparato sa kanyang kamay. Saka lang niya naalala na tumatawag nga pala ang 'asawa'.

"You better take that call, Nick, or she'll go ballistic again. Baka mag-away na naman kayong dalawa kapag hindi mo pa nasagot ang tawag niya," paalala ni Colt.

"Aba, Pare, hindi ka na nagsheshelosh kay Shera?" tanong ni Chase sa kaibigan.

"Ungas, kahit magselos ako, wala akong laban sa asawa niya. Nakakatakot kaya si Sera kahit mukha pang siyang anghel."

"Takot ka rin sa kanya?" tanong ni Janus.

"Oo. Isa siya sa mga babaeng kinatatakutan ko bukod sa girlfriend mong si Talah."

Nangingiti na lang siyang napapailing sa nauulinigang asaran ng mga kaibigan. At kahit ano pa ang gaw'in ng mga itong pang-aasar sa kanya, tama ang mga ito na si Sera talaga ang dahilan kung bakit siya masaya ngayon.

Yes, si Serafina, at ang mga sexy time nila.

"庼q�@

ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon