Chapter 14: Ever After

2.8K 104 8
                                    

A/N: Hindi pa ito ang huling kabanata! May Epilogue pa!... I'm feeling so emotional right now dahil sa napipintong pagtatapos ng kuwentong ito na nagsimula lamang sa pagtawag namin ng "Mushroom Princess" sa isa naming kasamahan sa collaboration series na ito na si Dana Rivera/Autumn Castillo.

Minahal ko nang sobrang lalim ang story nina Nick at Sera at pati na rin ang kuwento nina Janus at Talah. At kahit wala pa ang story nina Colt at Ash, at Chase at Elle, mahal ko na rin sila. Any way, maraming salamat sa lahat ng nakibasa at naki-comment sa magulo at makulit na pag-aasaran at pagmamahalan ni Dominick at nang kanyang anghel na si Serafina.

"WHAT ARE you doing here, Sera?" tanong ni Feyr sa kanya. Tapos na ang kanyang daily duties at ngayon nga ay nagpapahinga siya sa lilim ng isang matandang puno.

"Wala lang. May ipagagawa ka ba?" tanong niya.

"Wala naman."

"Ah, may nakalimutan akong gawain?" Umiling muli si Feyr. "So, bakit ka narito?"

"Nag-aalala ako sa 'yo, Serafina. Mula nang makabalik ka dito sa Caelum ay nag-iba ka na."

Kumunot ang kanyang noo. Ano bang ibig sabihin nito?

Hey, tell me now because I'm so tired of reading and feeling everything that goes into your mind!

"Huwag kang magalit," natatawang sabi ni Feyr.

"Ano ba kasi ang kailangan mo?" asik niya sa kaibigan.

"Hindi ako ang may kailangan sa 'yo. Ipinatatawag ka ng konseho."

Bakit? May nagawa na naman ba akong kasalanan? Hindi ba pinagbabayaran ko na ang huling kalokohang ginawa ko?

"Don't think, Serafina. Just come with me and let's be over with it," saad ni Feyr. Tahimik siyang sumama sa pulong ng konseho. Kung anoman ang kanyang nagawa ay handa siyang harapin kung anong parusa ang kapalit noon.

"Mahal ka ni Latis, alam mo ba iyon?" tanong ni Feyr sa kanya habang tahimik silang naglalakad.

Hindi siya sumagot. Noon pa man ay alam niyang may pagtingin sa kanya si Latis ngunit hindi nito kailanman inaktuhan ang damdaming iyon.

"He cares for you a lot. Napapansin kong espesyal ang pagturing niya sa iyon."

"Feyr,"

"Hindi ko ito sinasabi sa iyo para pilitin mo ang sarili mong kalimutan si Nick. Ipinaalala ko lang sa iyo na magkaiba ang buhay ninyong dalawa. Iba ang responsibilidad na nakaatang sa iyo bilang isang Seraph, Sera."

"Alam ko, Feyr. At alam ko rin ang nararamdaman ni Latis para sa akin. Hindi ako manhid para hindi maunawaan ang mga ginagawa niya para sa akin. At alam kong alam ni Latis kung ano ang nararapat gaw'in para sa damdaming iyon. Alam kong alam din ni Latis kung ano ang pagtingin ko para sa kanya. Kaya nga kahit kailan ay hindi siya umakto sa damdaming iyon. He knows his responsibilities.

"At huwag kang mag-alala dahil alam kong walang kinabukasan para sa aming dalawa ni Nick. Mahal na mahal ko siya pero alam kong hanggang doon na lang ang damdamin kong iyon para sa kanya. Ang tanging hiling ko na lang ay sana maging masaya na siya at matapos na sana ang kalungkutan niya. Matuto sana siyang magpatawad sa mga taong naging sanhi ng paghihirap niya noon. Sana rin ay mapatawad na niya ang sarili niya. Matanggap na sana rin niyang wala siyang kasalanan sa mga nangyari noon. At higit sa lahat, sana ay makatagpo siya ng babaeng mamahalin niya at magmamahal sa kanya ng tapat at wagas. Iyon hinding - hindi siya iiwan kahit kailan."

May lungkot na bumabalot sa kanyang puso. Alam niya, wala nang ibang magmamay-ari ng puso niya. Tanging si Nick lamang. Sana lang ay nagawa niyang maiparamdam dito ang pagmamahal niyang iyon noong mga panahon na magkasama pa sila sa lupa.

ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged AngelWhere stories live. Discover now