Chapter 12: For Love and Salvation

2.2K 92 1
                                    

"It is an absolute human certainty that no one can know his own beauty or perceive a sense of his own worth until it has been reflected back to him in the mirror of another loving, caring human being." - John Joseph Powell, The Secret of staying in Love

"CHASE!" tawag ni Sera mula sa labas ng bahay ng kaibigan ni Nick. Maaga pa lang ay naroon na si Sera. Hindi niya alam kung lalabasin siya ng kaibigan ni Nick pero isa lang ang alam niya: hindi siya basta sumusuko. Ilang beses siyang tumawag, sumigaw, at nag-doorbell bago siya nilabas ni Chase.

"What do you want, Sera?" tanong nito.

"Nasaan ang girlfriend mo?"

"Bakit?" tanong uli nito. "May balak kang masama sa kanya, ano?"

"Wala akong plano na masama sa kanya. Nasaan si Elle?"

"Bakit ko naman sasabihin sa iyo kung nasaan si Elle? Nararamdaman kong hindi ka isang normal na tao, Sera. Hindi ka galing dito sa lupa. Saang kaharian ka nabibilang?" tanong ni Chase.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Sabihin mo na lang sa akin kung nariyan ba sa bahay mo ang prinsesa ng mga kabute," pangungulit niya.

"Hindi ko sasabihin sa iyo hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko," determinadong sabi ni Chase. Nakahalukipkip ito habang nakapamay-awang siya.

"Caelum. Taga-Caelum ako."

"Caelum? Saan iyon?" Itinuro niya ang langit.

"Anong uri ka?" tanong uli ni Chase.

"Isa akong Seraph. Isa sa pinakamataas na antas ng pagka-anghel. Huwag kang mag -alala, puti ang kulay ng pakpak ko. And if you're going to ask to me to prove it to you by showing you my true form, I'm sorry but I can't. Hindi dahil sa hindi ko kaya o nagsisinungaling ako sa iyo. Hindi ko puwedeng ipakita sa iyo dahil kapag ginawa ko iyon, patay ka na bago ka pa makakurap," dire-diretso niyang pahayag. Para namang hindi naniniwala ang kausap niya.

"Promise! Kahit itanong mo pa kay Elle. Alam niya na ang isang uri ko ay kailangan mag-assume ng ibang kaanyuan para makausap at makalapit sa amin ang ibang nilalang."

"So, kung wala kang balak na masama kay Elle, bakit mo siya hinahanap?"

"Honestly, bumaba ako rito sa mundo ninyo para hanapin ang prinsesa ng Soiraya at ibalik siya sa kaharian ng mga ito. Nakarating sa amin ang biglang pagkawala niya sa kanyang kulungang kabute. Ang tangi kong hangad ay maibalik siya ng ligtas sa Soiraya."

Tumango-tango si Chase. "Nararamdaman kong mabuti ka at wala kang masamang hangad. Sige, sasabihin ko sa iyo kung nasaan ang hinahanap mo. Kung papayag si Elle na bumalik sa Soiraya, kailangan mo akong isama. Hindi ako papayag na ikaw lang ang kasama niya."

"Sasabihin mo agad sa akin?" manghang tanong niya sa lalaki.

"'Yun ay kung mangangako kang isasama mo ako kapag ibinalik mo siya sa kaharian niya."

Umiling siya. "Ayoko siyang makita, Chase. Kailangan ko lang malaman kung nariyan siya sa bahay mo ngayon."

"Ang totoo? Narito siya."

"Pakiusap, Chase, ilayo mo si Elle dito. Dalhin mo siya sa lugar na hindi ko mapupuntahan. Please."

"Anghel ka, 'di ba? Kahit saan ko itago si Elle malalaman mo pa rin at mapupuntahan mo siya. Alam kong kayong mga anghel ay maaaring magbasa ng isip ng tao."

"Bilang isang nag-anyong tao, limitado ang kapangyarihan ko. Isa na roon ang basahin ang puso ninyo. Nangako ako kay Nick na hindi ko gagamitin ang kakayahan kong iyon. Kaya please, itago mo si Elle."

ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged AngelWhere stories live. Discover now