Chapter 1: The Naughty Seraph

4.4K 133 3
                                    

Pinagmamasdan ni Sera, mula sa kanyang kinatatayuan, ang isang lalaki na palakad-lakad sa loob ng isang silid sa mataas na building sa kanyang harapan. Kausap nito ang dalawang lalaki na sa alam niya ay kasosyo at katrabaho nito. May hawak ang lalaki na isang blue folder at hindi siya magtataka kung alam niya ang nilalaman noon. She is, after all, a telepath. Nababasa at nararamdaman niya ang iniisip ng isang nilalang. The messages come to her like a flowing symphony of a beautiful composed music, like a soothing ballad when in love. But there were times that the messages come like sounds with no direction or just like an earsplitting guitar riff when angry.

Hindi iyon bago isa isang gaya niya. Ang tulad niya ay nabibilang sa mga anghel na kung tawagin ay Seraph o Seraphim.

Itinuturing sila na isa sa tatlong pinakamataas na antas ng pagka-anghel sa Caelum. Kung ang ibang anghel ay dalawa ang pakpak, silang mga Seraph ay anim ang pakpak. Sila rin ang tinatawag na 'fiery beings' dahil sa sila ay sobrang nagliliwanag at ang sinumang tumingin sa kanila na hindi nagmula sa Caelum ay agarang mamamatay o masusunog.

Kaya tulad niya, ang isang Seraph ay nag-aanyo bilang ibang nilalang upang maiwasan ang pagkasunog ng kanilang makakadaupang-palad.

Bumuntong-hinga siya. Hindi naman dapat siya naroon sa mga oras na iyon. Naisip niya, ano naman ang masama kung minsan ay magbiro siya sa mga kapwa niya anghel. Masyado na kasing monotonous ang kanyang buhay sa Caelum. Ang tanging ginagawa niya ay ang kumanta ng kumanta ng papuri para Deus. Masaya siya na isa siya sa mga anghel na malapit sa Deus at masaya siyang nakapaglilingkod dito pero minsan ay naiisip niya kung anong klase ng buhay kung minsan ay maaari silang maglagalag sa ibang kaharian at lupain bukod sa Caelum.

"Malalim ang iniisip mo," untag sa kanya ng kaniyang matalik na kaibigang si Feyr. Isa rin itong Seraph. "Sumusuko ka na ba?"

Lumingon siya rito. "Sinong sumusuko?" balik - tanong niya. "Wala sa common sense ko ang salitang iyan, Feyr. Don't say bad words."

"Eh, bakit parang nalugi ka ng isang milyon?"

"Nalugi? Paano ba iyon? Puwede bang bumili noon para maranasan ko naman kung paano malugi?"

Umiling lang si Feyr. "Kaya ka napapahamak dahil d'yan sa pagiging pilosopo mo. Pati ang mga taga - bantay idinadamay mo. Saan mo ba nakuha ang ugali mong iyan?" tanong nito.

"Ewan ko. Siguro kay Deus," kibit - balikat niya.

"Magseryoso ka nga," sermon ni Feyr sa kanya.

"Wala lang naman iyon," sabi niyang ang tinutukoy ay ang ginawa niyang biro sa mga baguhang anghel. "Mga sumbungero lang ang mga iyon."

"Sinong hindi magsusumbong? Nakita mo ba ang hitsura ng mga iyon matapos nilang gawin ang iniutos mo?" paalala nito.

Sumagi sa isip niya ang ginawa niya kaya hindi niya napigilan ang matawa. Ilang anghel na nagsasanay ang kanyang nauto na gawin ang isang bagay.

"Ha, ha, ha." Hindi niya mapigilan ang pagtawa matapos niyang mauto ang tatlo sa mga baguhang anghel. Isa sa mga birong ginawa niya ay ang utusan ang mga ito na bumaba ng Caelum at pumunta sa lupain ng Soiraya, isa sa tatlong kaharian na nangangalaga ng balanse ng mundo ng mga nilalang na tulad nila at mundo ng mga tao. Kasama ang Meilyr at Celest sa tatlong kaharian na iyon. Ang Caelum naman ang siyang nangangalaga ng pangkalahatang balanse ng sansinukob.

Inutusan niya ang mga anghel na kumuha ng veiled mushroom, isang uri ng kabute na natatagpuan lamang sa pinakadulo ng lupain ng Soiraya. Sinabi niyang kailangan ang kabute para sa alay na ihahandog sa Deus. At para naman hindi isipin ng mga ito na pinahihirapan niya ang mga nagsasanay na anghel ay itinuro niya kung paano makarating sa parteng iyon ng Soiraya.

ENCHANTEUR: Dominick & the Naughty Six-winged AngelWhere stories live. Discover now