Kaagad kong hinagilap ang toilet paper pero sa pagkasurpresa ko, wala! As in yung karton lang ang natira. Patay! Fairy godmother, pinaparusahan niyo ba talaga ako? Promise po, hindi na mauulit ang pagpapakatanga ko sa mga boys.

Maya-maya lamang ay nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa cubicle ko. Sumipol-sipol pa ito na ang himig ay Twerk It Like Miley. Dyosme! Gora na to kahit makita niya akong half naked. Tatakpan ko na lang ang balisong kong nakalaylay.

Tumayo ako mula sa inidoro at marahang binuksan ang pintuan ng cubicle na kung saan ay okupado ko. At ng mapatingin ako sa lalaking nasa urinal, ay shet lang ang walang latay!

Bangkinis ng wetpaks, ang puti at ang bintog-bintog. Matangkad na lalaki ang umiihi, malaki din ang katawan na maputi at sobrang kinis. Mas maputi pa yata to sa akin ehh. At ng mapadako ako sa feslak niya--- Fairy Godmother!! Thanks dahil pinag-LBM mo ako!

Ang wafu-wafu! Mula sa makapal na kilay hanggang sa singkit na mata, yung ilong, so perfect na maliit, at yung lips, pinkish na manipis pa. Ateng! Tumatayo ang balisong ko sa tanawing nakikita ko. At ewan ba, nakucute-an ako sa pag-ihi niyang nakalabas ang puwit. HAHAHA

Teka. Kelangan ko muna makaalis dito sa cubicle, ayokong dahil lang sa tissue ay titira ako dito. Lakasan lang ng loob yn.

Inantay ko munang matapos si kuya sa paglalabas niya ng madilaw na likido. Nang matapos siya ay binasag ko ang katahimikan sa pagtikhim.

"Ahemm!"

"Ayy! Baklang aswang!" pagulat niyang sabi ng ng humarap siya sa akin. GOOOOOSSSHHH! Ang gwapo nga. "Teka, sino ka?" anyare sa kanya? Parang takot na takot siya?

"Ako si Jayson Joey. Jejo nalang for short. Gwapo, pahinge naman ng help. Pwede?" pakiusap ko sabay nguso pa.

"A-anong klaseng tulong? Tsaka? Bakit ganyan ang itsura mo? Pawis-pawisan?" tanong iya ulit. Ang cute niya lang.

"Ampupu-Andaming satsat? Tulungan mo na lang ako. Pwede?"

"Ayoko nga. Hindi naman kita kilala ehh. At ano namang maitutulong ko sayo?"

"Sige na please? Ikuha mo lang ako ng tissue dun kay Mamang Janitor." paawa ko talaga. Kainis tong lalaking ito, konting tulong lang ayaw pang pagbigyan.

"Hehe. Ayoko!!!!! Bahala ka dyang langawin. At tignan mo nga yang nakalawit sa hita mo, makasaksak ka dyan ihh. Kawawa, hindi kasi nagsisiguro bago mag-CR. Hahahaha." tawa pa niya. Kaloka! Nanglait pa ang putek. Papahidan ko ng pupu kapaghindi pa ito tumigil sa pang-iinis.

"Wala kang puso!" galit na sigaw ko. Ang gwapo nga, ang sama pala ng ugali. Lahat na lang silang gwapo, pare-pareho. MASASAMA!

"Wala ka namang tissue! Dyan ka na nga. Ang bantot-bantot mo!" sabi niya sabay takbo palayo.

Tengene. Kamalasan na naman.

Wala akong nagawa kundi ang maghintay ng panibagong tutulong sa akin. Pabor na ako sa pangit, basta may tumulong lang.

30 minutes later ...

Grabe na talaga. Nandito pa rin ako sa trono ko at hindi makaalis. Feeling ko tuloy ginto itong inuupuan ko kaya hindi ko maiwaan dahil baka may magnakaw. Kabobohan lang. Kung sana tinulungan na lamang ako nung gwapong lalaki edi sana wala na ako dito. Kaimbyerna talaga!

Kinapkap ko ang slacks kong suot. Sana may papel man lang dito na ginawa ko nang scratch para maging substitute sa toilet paper. Kaso wala, yung panyo ko lang na kulay pink.

Teka, pwede to ahh. Kaya ayun, wala na akong nagawa kundi ang gamitin ang panyo ko upang malinis lang ang aking lagusan. Kadiri man pero wala na akong magagawa. Kailangang -kailangan ihh.

TROPA (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon