Chapter 6 [Transferee]

158 6 0
                                    

Chapter 7 [Transferee]

“Arghhh!” napasabunot nalang ako sa buhok ko habang tinitignan ang pagkaing nasa harap ko.

Hayyy! Nakakawalang gana talaga pag nag-iisa…

Loner ako. Loner.

Siguro mga 30 minutes ko na ring tinitignan lang ang pagkain ko…gutom nako…pero wala akong ganang kumain. Haist! Ang labo ko talaga, gutom tapos walang ganang kumain. How about that? Gets niyo ba?

Andito ako ngayon sa cafeteria, obvious naman diba? Kakain nga ako eh…ng mag-isa. Ang lungkot pala pag mag-isa no? Actually, first time ko ngang kumain mag-isa dito sa school eh. Siyempre naman, lagi kong kasama si Ina. Speaking of Ina, one week na rin since nung araw na nawala siya pero kahit anong tanong ko sa kanya kung ano nga ang nangyari eh sasabihin din niyang wala. Haller! Wala daw? Nagiging malihim na talaga yung si Ina. Ayun lagi niyang kasama yung boyfriend niya. Lagi nalang niya akong iniiwan tuwing break time kina Alex at Troy kaya ayun natutunan ko na rin silang pakisamahan kahit papaano. Nag-lessen na rin yung pang-iinis sa akin ni Alex pero mas komportable pa rin akong kasama si Troy eh. Hindi na ako masyadong nangdidiri sa kanilang dalawa, basta ba wag lang nila akong  hawak-hawakan.

Ewan ko ba…bakit kaya wala ngayon yung dalawang yun?

Nagulat nalang ako nung may humila sa upuang katabi ko. As expected, si Alex nga. Siya lang naman ang walang manners na basta basta nalang nanghihila ng upuan eh.

“Tss…what are you doing here?” tanong ko sa kanya. Sobrang weird ko na talaga, alam ko namang inutusan na naman siya ni Inang samahan ako eh. Duh! Hindi na ako bata no? Ano yun? Babysitter lang ang peg?

“Siyempre para kumain, gutom na kaya ako.” sagot naman niya sa akin.

“Umalis ka dito…gusto kong mapag-isa.”

“Bakit, may problema ka ba?”

“Wala. Pabayaan mo nalang kasi ako.”

Tingnan niyo! Kahit yung mga lumalabas sa bibig ko hindi ko na maintindihan. Kani-kanina lang nagluluksa ako dahil loner ako tapos nang may sasama na sakin pinagtatabuyan ko naman. Siguro nga masama lang ang timpla ko ngayon. Kainis naman kasi eh!

[flashback]

“Jade, Neil will be studying at our school.” Bungad sakin ni daddy pagkaupong pagka-upo ko sa dining table para mag breakfast.

“Ah…ganun po ba.” Sagot ko sa kanya kahit di naman siya nagtanong. Eh ano bang paki ko kung sa Hemsworth mag-aral yung isang yun.

Duh? Leiana, fiancé mo kaya yun? Sabat ng kabila kong isip.

The hell I care about him. Yuck siya no? Nakakadiri, nakakasuka, nakakabanas, nakakaduwal, nakaka…nakaka…attract? Psh! Ano ba naman bang pumapasok sa isip ko?

Who's My Fiance? ongoingWhere stories live. Discover now