Chapter 4 [Ina's Missing part 1]

195 10 4
                                    

Chapter 4 [Ina's missing? part 1]

Aish! Where the heck is Ina? I've been waiting for almost half an hour but still...no sign of Ina. Asan na ba kasi yun? It's past 7:30, na-text ko na siya...di naman nagre-reply. Natawagan ko na rin siya, di naman sumasagot. Goshness! Baka mamaya kung ano na ang nangyari dun. Arghh! Nag-iisa lang tuloy ako ngayon.

Ina. Ina. Ina. Asan ka na ba? Wait! Baka magkasama lang sila ni Seth Ian. May number kaya ako ng babaerong yun? I scrolled my phonebook sa pagbabakasakaling meron but, luckily...wala. Bumagsak ang mga balikat ko. Psh! Saan kaya ako makakakuha ng number nun? Kay Alex kaya? Tss...bad idea! Ayokong kausapin yun, nakakadiri siya tsaka banas na banas ako sa pagmumukha niya. Kay Troy na lang siguro, mas less na nakakadiri yun kesa kay Alex at mukhang approachable naman siya.

Tumayo na ako at naglakad papuntang classroom nina Troy, dumaan muna ako sa locker para kunin ang physics notebook ko. Pagkabukas ko sa locker ko ay lumipad ang isang papel. Maliit lang siya, kulay pink at scented tsaka nakatupi. Binuksan ko at binasa yun...

Sometimes I wish you could step into my shoes for just a little while-

to think what I think;

too see what I see;

to feel what I feel;

to understand the confusion;

the fear, the admiration, and

the friendship I feel towards you-

all at once.

Yuck! Nakakadiri! Sino ba namang may saltik sa utak ang naglagay neto sa locker ko? As in, Ew! Copycat ang gumawa neto, di man lang marunong gumawa ng sarili niyang tula...gumaya lang kay Tracey Gibbs. Psh!

Kinuha ko na ang kailangan ko tsaka ibinalik na lang dun sa locker ang papel. Nagtungo na ako sa classroom nina Troy. 

Nang makarating na ako sa harap ng classroom nila nakita kong naka-upo si Troy sa upuan niya, mukhang may pinag-uusapan sila ni Alex. Psh! 

"Ms. Jade, may hinahanap po kayo?" nagulat ako nung may kumalabit sakin. Nang humarap ako eh nakita ko si Tricia, kaklase ko nung elementary.

"Tricia, ikaw pala. Pwede bang pakitawag si Troy?" sabi ko sa kanya. Napansin kong nagtaka siya sa sinabi ko. Alam niya kasing umiiwas ako sa mga lalaki dahil nga magkaklase kami dati at naging magkaibigan din kami.

"Ah...sige po." sagot niya na lang sakin.

"Salamat."

Pumasok na siya sa classroom nila at nilapitan niya sina Troy at Alex. Maya-maya pa eh lumabas si Troy sa classroom nila at naglakad patungo sakin.

"Hello Ms. Jade, napadaan ka ata? Do you need something?" he said while smiling genuinely. 

"Ah, yeah...I need something and please, don't call me Ms. Jade...Leiana or Jade will do. Total, magkaibigan naman tayo." Did I just say that? May kaibigan na akong lalaki? Oh well, I think Troy is harmless. Parang ang gaan lang kasi ng loob ko sa kanya eh. 

Who's My Fiance? ongoingWhere stories live. Discover now