Chapter 17 : Assembly - Treat

Start from the beginning
                                    

"Wag na po. May inaantay pa po ako eh." nahihiya ko na lang na nasabi sa kanya.

Inakbayan niya ulit ako, pero mas mahigpit na.

"Non-sense! Aantayin mo pa yung tao na yun kahit gutom na gutom ka na? Eh paano kung pagdating niya, namatay ka na pala sa gutom?" tanong niya. Wow ha? Pakitanong nga kung excited siya?

"Ang OA mo naman! Hindi naman ako mamamatay sa gutom 'no? Galing lang siyang fourth floor kaya mabilis lang yun!" sabi ko tapos tinulak ko siya para lumayo sa akin.

"Sumama ka na sa akin. Dyan lang naman tayo oh." sabi niya sabay turo sa kiosk.

Tss. May naaalala ako sa lalaking 'to. Hulaan niyo kung sino. Hahaha.

"Pero wala akong dalang pera eh. Nandun sa kaibigan ko yung bag ko." sabi ko sa kanya, hoping na available pa din yung offer niyang ilibre ako.

"Wag kang mag-alala! Libre kita." nakangiti niyang sabi tapos kumindat. Naknampitumpu'tpitongputingtupa! Ang gwapo nitong nilalang na 'to!

KARL VINCENT'S POV

Akala ko hindi pumasok si Allen. Nag-meeting lang pala.

"Hoy! Yung bag ni Allen!" sigaw ni Jason. Ay, oo nga pala!

Biglang hinagis ni Jason yung bag kaya hindi ko iyon nasalo ng maayos. Medyo nakabukas yung zipper ng bag niya kaya may nalaglag na mga gamit.

Nakita ko ang itim na wallet kaya dinampot ko iyon. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang picture ni Allen. Tinitigan ko ng mabuti yung picture hanggang sa madako ang paningin ko sa labi niya.

Napalunok ako bigla! Naalala ko kasi yung muntik na naming kiss dahil sa CPR! Nyeta! Isang linggo na yun ah?! Bakit hindi ko yun makalimutan?

"Ayos ka lang? Natulala ka?" biglang tanong ni Jomar na ikinagitla ko kaya agad-agad kong ipinasok yung wallet sa bag.

"Oo, ayos lang ako. Baba na tayo." nakangiti kong sabi sa kanya.

After 10 minutes, oo ang tagal, ang dami kasing taong nagsisibabaan din eh, ay nakarating na kami sa baba. Nagtext si Allen na nasa may kiosk siya, kumakain.

Napaisip naman ako. Paano siya makakakain kung nasa akin yung pera niya? Hmmm. Nanlimos siya? Hehehe. Joke!

Nung malapit na kami sa kiosk ay natanaw ko si Allen na kumakain ng burger. Paano siya nagkaroon ng pambili nun?

"Allen!" pagtawag ko sa pansin niya nung medyo makalapit na kami.

Lumingon naman siya at ngumiti. Kasabay naman nun ay lumingon din sa amin yung lalaking katabi niya.

"Oh. Sana kasi dinala mo na bag mo." sabi ko kay Allen sabay abot ng bag niya. Yung dalawa naman, dumiretso sa kiosk at bumili na ng pagkain.

"Hindi ko naman alam na aabutin kami ng ganun katagal eh. Saka biglaan lang. Pinababa ako kahit hindi naman ako yung president." sagot niya tapos kumagat siya ng burger niya. Dahil sa sobrang laki nung kagat niya ay may sumayad na catsup sa gilid ng labi niya.

Napangiti ako dahil hindi niya napansin yun, para talaga siyang bata kapag kumakain, pero nung kukunin ko na yung panyo ko para punasan yung catsup, ay biglang may dumikit na hinlalaki sa labi niya at pinahid yung catsup. Sinundan ko yung daliri hanggang sa sipsipin ito nung lalaking katabi ni Allen! EWW! KADIRI! Nilingon ko ulit si Allen para siya na lang ang pagtuunan ko ng pansin pero nagulat ako ng makita kong namumula yung pisngi niya tapos bahagyang nakanganga yung bibig niya.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now