Chapter 17 : Assembly - Treat

Start from the beginning
                                    

"Ang cuuuute! Ilang taon ka na?" bigla niyang tanong.

"16." monotonous kong sabi para hindi mahalata na naiinis ako sa pagpisil niya sa pisngi ko.

"Ang cute mo talaga!" masaya niyang sabi tapos ginulo niya yung buhok ko.

Patayin ko na kaya 'tong taong 'to? Ang kulit eh. Hahaha.

"Ano bang meron dito?" tanong ko.

"Meeting para sa General Assembly ng College natin. Next month na yun." sagot ni Ate Divine.

"Eh anong gagawin ng mga president?" tanong ni Ollie. Cute ng pangalan niya.

"Tayo ang pipili ng Ushers and Usherettes para sa symposium. Tig-isang pair lang kada block." sagot ni Ate Divine.

"May kopya po ba tayo ng program?" tanong ni DC.

"Yup. Nasa FB ko, nagpapapansin! Charowts! Nasa bag ko, mamaya papa-photocopy ko tapos papamigay ko sa inyo. May listahan naman na ako ng classes at rooms niyo." palabiro 'tong si Ate Divine eh 'no? Corny nga lang!

"Eh paano po pag ayaw nung pinili namin na mag-take part sa event?" tanong ni Marivic.

Yumuko ng bahagya si Ate Divine at lumingon sa paligid. Lumapit naman kami sa kanya para marinig yung ibubulong niya. Pero dahil nalimutan naming palabiro siya, ay para kaming mga tanga!

Bigla kasi siyang sumigaw at tumawa! Mental hospital dapat pinapasukan ng babaeng 'to eh.

Nung matapos siya sa pagtawa ay tumingin siya ng seryoso sa amin.

"Sabihin niyo, pag hindi nila kayo sinunod, isusumbong niyo sila sa Adviser niyo at ibabagsak sila sa subject na yun." sabi ni Ate Divine.

Naku! Pantangang reason naman yun! Eh wala namang maniniwala sa ganun! Bahala na nga!

Ang dami pa naming diniscuss after nung Usher-Usherette thing. Nung matapos ang meeting ay sakto namang lunch break na. Agad-agad? Walang pasubali? Tss.

Ay, yung bag ko pala nasa itaas pa!

Tinext ko si Karl na ibaba na lang yung bag ko pag bumaba na siya.

"Pero nagugutom na pala ako. Eh nandun sa bag ko yung pera ko. Minsan talaga ang tanga-tanga ko. Argh!" sinasabunutan ko pa sarili ko habang sinasabi ko yan.

Nabigla ako ng may pumigil sa kamay ko.

"Wag na wag mong guguluhin yang buhok mo. Ang cute-cute mo pag maayos buhok mo eh." sabi ng isang malamyos na tinig mula sa likod ko.

Dahan-dahan kong nilingon iyon at nagulat ako ng makita ko ang pares ng magagandang mata at mapuputing ngipin. Tinernuhan pa iyon ng napakatamis na ngiti at napakagwapong mukha. Si Miguel! Ay, Joseph pala! Ay, ano ba talaga itatawag ko dito sa gwapong nilalang na nakaharap sa akin at hawak hawak ang aking braso? Anoooo?!

"MJ. Mas madaling bigkasin 'no?" malamyos talaga ang boses niya! Singer ba 'to?

"Nagugutom ka na ba?" tanong niya.

Umiling naman ako. Nakakahiya kung sasabayan niya pa ako. Saka wala pa akong pera eh. Pero lalo lang akong napahiya nung umatungal yung tiyan ko. Peste ka! Wrong timing! Galing mong mamahiya!

Napangiti naman ako sa kanya ng pilit at nginitian niya lang ako.

Binaba niya yung kamay niya tapos inakbayan niya ako.

"'lika, kain tayo. Libre ko na." nakangiti niyang sabi sa akin.

Bahagya ko naman siyang tinulak para magkaroon ng space sa pagitan namin.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now