Kitchen Twenty-Six

64.5K 1K 82
                                    

S.A.T

Media: Vaughn E. Salvatierra (Nom.. nom.. He is quite the specimen.)

Spoiler Alert for TMLA readers.

:))

*

Matapos gamotin ang mga galos at pasa ni Wynn kung saan-saan habang nagkukwento ay nagsimula naman kaming maglinis. Tinulungan ko si Wynn mag-ayos ng mga kalat at kaguluhan sa sala. Pinilit kong umakto na hindi ako apektado sa maaring pinag-uusapan ni chef Dimitri at Ms. Alexandrea.

"Pakisabi sa boyfriend mong bayaran ang mga nasira niya ha." Sinamaan ko ng tingin si Wynn na itinatabi sa gilid ng pintuan iyong pinaglayan nang mga nabasag na kagamitan.

"Hindi ko siya boyfriend." Labas sa ilong na sagot ko sa kanya.

"Aba'y sinong magbabayad nito? Naku ha.. ayan ka na naman sa mga pakipot epek na 'yan. Naisuko mo na't lahat ang Bataan!" Palatak nito. Agad na namula ang mukha ko sa sinabi ni Wynn. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya dahil sa nakaka-eskandalong sinabi niya.

Hindi ko sinabi sa kanya kahit kailan na may nangyari na sa'min ni Dimitri. That's something personal and should be kept private.

"Naku! Naisuko mo na nga!" Wynn deduced. "Sinasabi ko na nga ba..! 'Yan talagang mga lalakeng 'yan, mabibilis pa sa bullet train!" Walang preno ang paglilitanya ni Wynn sa inis. Para itong inang naagrabyado ang anak na babae. "Makakatikim talaga sa'kin 'yang lalakeng 'yan! Kuuu.. ang galing! Paanong nakalusot sa'kin 'yun? Ikaw naman ang landiiii mooo, sarap mong pagkukurotiiin." Umakto itong kukurotin ako sa singit.

It was already late ng makatanggap ako ng tawag mula kay chef Dimitri. Halatang pagod ito base sa boses. Nagdadalawang-isip ako kung magtatanong sa kanya o hahayaan siyang magbukas nung tungkol sa kanila ni Miss Alexandrea upang pag-usapan namin.

Gusto kong itanong kung nasaan siya, bakit buong araw siyang hindi nagparamdam. Anong ginagawa niya? Ngunit pinigilan ko ang aking sarili. "You sound tired, you should rest.." Wika ko na pinaglalaruan ang isang inbisibol na dumi sa kubrekama.

Bahagya itong natawa. "I am tired, babydoll. But, I'd rather be tired talking to you than well-rested without hearing your voice. I miss you." Wika nito sa halos paos na tinig. Dahil siguro sa pagod.

"Where are you?" Pabulong kong tanong.

"Palawan. A family thing... My cousin Agatha gave birth this afternoon. I'm sorry I couldn't call you earlier, my phone died." Aniya sabay buntong-hininga. "I know I promised to be back quickly.. but I'll be here for a couple of days.." Dimitri pause. "I miss you." Napangiti ako dahil pangalawang beses niya ng sinabi iyon.

"Hmm.." Simple at nahihiya kong sagot. Namumula ang pisngi.

"I'd love it if you're here, Danne. We have a lot of things we need to talk about..." Bumuntong-hininga ulit ito. "Marami akong gustung sabihin, ipaliwanag... gusto kong gawin lahat 'yun ng harapan." Hindi ko alam kung paanong sasagot sa kanya. Gusto ko rin siyang makasama...

"I'm sending someone over early tomorrow.." Desididong sabi niya sa kabilang linya. "Pack your essentials." Alam ko na ang ipinahihiwatig niya. Susunduin ako ng kung sino upang pumuntang Palawan.

"OK." Gusto ko rin siyang makausap ng personal. Gusto kong malaman ano man ang sasabihin niya ng harapan.

**

Nagulat ako ng bumungad sa akin ang isang gwapong mukha pagkabukas ko ng pinto. Nakasuot ito ng sunglasses, grey fit long sleeves shirt, at faded blue jeans. Mukhang may pupuntahang Dolce & Gabanna shoot. He looks like a demigod. He look perfect. Perfect silver eyes, thick brows, nose and sexy lips. Perfect rin ang amoy ng perfume.

The Chef [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon