Kitchen Ten

61.4K 970 38
                                    

Hindi ko maiwasang mataranta. Humarap ako sa kaliwa, tapos sa kanan. Hindi alam kung saan ako tatakbo at magtatago. Shît! Nagsimulang magkarira ang mga daga sa dibdib ko.

Hindi ko malaman kung anong mararamdaman ko ng mga oras na 'yon. Ang alam ko lang, nakaramdam ako ng kaunting pagka dismaya. Danne, para namang hindi mo kilala si chef Dimitri na lantarang makipaglandian sa kusina.

Ewan ko ba. Minsan nakakalimutan kong sa ilang linggo ko sa RT, hindi maipagkakailang may something si chef Dimitri at ang mga babaeng chefs sa kusina. At hindi basta galing kay Rey ang kwento, nakumpirma ko talagang totoo dahil nakikita ko naman yun araw-araw.

Nagising ako sa pagmumuni-muni ng muling tumunog iyong doorbell at may kumatok sa pinto. "Babe?" Narinig ko ang boses ni chef A mula sa intercom. Unang dikta ng instinct ko ang tumakbo at magtago. I turned the small monitor off.

Shit! Napahinto ako sa tapat ng mga kagamitan ko. Anong gagawin ko sa mga ito?

Iyong mga gamit ko? Paano kong itatago? Paano kung usisain ni chef Alexandrea 'to? Wala naman siguro ang pangalan ko sa kahit na ano roon? I checked my luggages to confirm. Mahirap na't magka eksena pa sa opisina!

Tumakbo ako papuntang kwarto ni chef Dimitri mapatos masiguradong walang pagkakakilanlan ko ang aking kagamitan. Naabutan ko si chef D na pupungas-pungas.

Ang sarap hambalusin nang unan. Hindi ito natataranta at di magka ugaga katulad ko.

"Chef Alexandrea is here! Oh my God..!" Kinagat ko ang kuko sa aking kaliwang hinlalaki. Noon ko naalala ang suot ko, pero bahala na mas importanteng magtago.

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto nang tumunog ulit iyong doorbell.

"Good morning." Tiningnan ko si chef Dimitri ng masama. Ang galing maka-good morning samantalang ako heto't natataranta dito. Lumapit siya sa'kin at hinalikan ang gilid ng ulo ko.

Hindi ko pinansin iyon, nasa ibang bagay ang isip ko. Napapitlag ako sa muling pagtunog ng doorbell.

"Si chef Alexandrea iyan!" Puno ng pangamba kong sambit. Sabi ni George isa sa mga kalandian ni chef Dimitri si chef Alexandrea. Isa sa pinaka-consistent kalandian. Ang eksakto niyang sinabi sa'kin. Hindi naman raw kasi nag-gi-girlfriend si chef Dimitri.

Ayoko ng dagdagan pa ang kalbaryo ko sa kusina! Si chef Alexandrea na lang ang halos friendly ang pakikitungo sa'kin roon, maliban kina Karessa, Aaron, Rey, Gerard at George syempre.

Nagdoorbell ulit.

Oh shit. Ano na lamang ang iisipin ni chef Alexandrea? Noon ko napansing si chef Dimitri ay nasa may pintuan nang kwarto papalabas. Kagatlabi akong napatitig sa edible niyang pang-upo. Mabilis kong tinuktukan ang sarili.

This is not the time, Jourdanne. Mabilis kong sinundan si Dimitri sa sala. "Hep! Hep! Hep! What are you doing?!" Hinarangan ko siyang lumapit sa pinto.

"Opening the door. May nagdo-doorbell oh." Hinapit niya ang beywang ko at isinandal sa pinto. Nagsimula na namang bumilis ang eratikong pagtibok ng puso ko. Ibinaba niya ang mukha sa'kin.

Napaangat naman ako sa kanya, naiiskandalong nanlalaki ang mga mata. Bubuksan ang pinto? Itong pinto kung saan nakatayo nasa labas si chef A?

"Si. Chef. Alexandrea. Nga 'yan!" Inis kong pinagdiinan at binitawan ang bawat salita. Tumaas ang isang kilay niya na parang nagsasabing 'so?'

Gumuhit ang hindi pagkapaniwala sa mukha ko dahil sa reaksyon lamang nito. Naintindihan niya ba ang sinabi ko? Ini-angat ng kanang kamay nito ang baba ko.

The Chef [COMPLETED]Where stories live. Discover now