Kitchen Eighteen

53.4K 826 64
                                    

"Nagmature ka habang nasa barko, anak." Napangiti ako sa sinabi ni papa. Tuwang-tuwa siya sa aking pagdating. Tulad ng sabi ni papa, nagmature ako sa maikling panahong inilagi ko sa barko. Maiksi na ang dati'y mahaba kong buhok, hindi iyon umabot sa aking balikat. Mas nagmukha akong bata dahil sa estilo ng aking gupit ngunit halata pa rin ang hirap ng buhay sa barko. "Pero bumagay naman sa'yo."

Kung dati, mukha akong inosente, ngayon mukha akong sopistikada. "Hmm.. kayo naman po parang mas bumata." Nakangiti kong pahayag habang pinagbabalatan ang isang ponkan. Sa kabila ng mga taong mababakas sa mukha ng aking ama, hindi pa rin nawawala ang angkin nitong kagwapuhan.

My dad, Artemio Sta. Maria, was still young and looking young for his age of fifty-four. Dahil sa karamdaman kaya naman nangangayayat si papa, pero iyong lamang ang mahahalata mo rito.

"Ano po ba ang sabi ng doctor?"

"Kakailanganin ng operasyon para sa mata ni papa, kumplikasyon raw kasi ito ng ilang taong pagiging diabetiko niya. Na-sched na ang operasyon sa susunod na araw." Paliwanag ni kuya.

Tumango lamang ako. "May dinaramdam ka ba?" Usisa ni papa ng iabot ko sa kanya ang binalatang ponkan. Isang ngiti at iling lamang ang isinagot ko sa kanya. Napatingin naman ito kay Wynn na nasa tabi likuran ko. May nanunudyong tingin sa mga mata nito ng bumaling sa'kin. "May irereto sana ako sa'yong isang gwapong binata.. pero mukha namang..." Pinandilatan ko lamang si papa sa sinabi nito. Gusto kong matawa sa naging reaksyon ni Wynn sa sinabi ni papa, nanlaki ang mata nito parang gusto akong saktan.

Ngumiti lamang ako sa kanya, sa ngayon mas mahalagang malaman ko kung paano naming mababawi ang restawran.

Ilang saglit pa'y nakapagpahinga na si papa. Nang masigurong tulog na ito ay bumaling ako kay kuya Joaquin at tumango sa kanya bago tumayo at lumabas ng silid ni papa.

"Kuya, luluwas ako ng Maynila bukas na bukas din. Nasa sa iyo pa ba ang address ng bagong nakabili sa restawran?" Tumango si kuya at may kinuha sa cellphone nitong nasa front pockets.

"Iti-text ko sa'yo para may kopya ka." Aniya habang nakatingin sa kanyang phone. Nangunot ang noo ko ng mabasa ang address na ipinadala niya.

Iyon ang address ng main Royal Tradition branch.

**

"Ano ba 'yan sis. Sure na ba tayo diyan?" Wika ni Wynn kinabukasan, madaling araw pa lang ng kami'y gumayak pabalik ng Maynila, sakay ng inarkila naming van. Nagi-guilty ako't damay pa si Wynn sa problema ng pamilya ko. Dapat ini-enjoy na nito ang pera nito at pagbabalik ng bansa. Pero heto't bibiyahe na naman kami pabalik ng Maynila. Nag-aalala rin ito sa problemang kinakaharap namin.

"I don't have a choice, Wynn. Alam mo naman na tatlong araw lang ang ibinigay na palugit sa'min. May hanggang sa susunod na araw na lamang kami, kailangan kong gawan ng paraan." Wika ko at pumasok sa van. Tumabi naman ito sa'kin at isinara ang pinto. Walang kasiguraduhan ang gagawin kong pagluwas pero kailangan kong magbaka-sakali. Madadaan ko naman siguro sa pakiusapan si sir Karlo. Hindi ko mababayaran kaagad ang buong dalawang milyon, pero kaya ko naman sigurong unti-untiin. Babalik na lang siguro ako ng barko ng ilang buwan upang mabayaran ang matitirang balanse. Sumasakit ang ulo ko kakaisip ng paraan upang magawan ng paraan ang problemang ito.

Hindi na muling nagsalita si Wynn upang pag-usapan ang problemang kinakaharap ko ngayon. Masaya akong nauunawaan niya ang sitwasyon. At nasa tabi ko siya upang suportahan ako. Ilang oras lamang at nakarating kami ng Maynila. May pamilyar na pakiramdam ang namayani sa aking dibdib nang makita ko ang main RT.

The Chef [COMPLETED]Where stories live. Discover now