Kitchen Fifteen

59.5K 944 65
                                    

Rated PG(Patay Gutom. Joke.)

Patnubay at Gabay ay Kailangan.


**

Nang makarating ako sa apartment, mabilis kong ini-lock ang pintuan sabay harang ng isang sofa sa likod ng pinto. Nahiga ako sa gitna ng kama, fetal position. Tumatakbo sa isipan ko ang lahat ng mga maling desisyong nagawa ko.. at nakatulugan ko ang ganoong isipin. Walang gumambala sa'kin buong magdamag. Kahit nung buksan ko na ulit iyong phone ko, walang text na nanggaling kay chef Dimitri. Walang voicemail message. Halos kay Wynn at ibang kaibigan lang ang messages.

I dont know. A part of me was disappointed, while the other part was relieved. Siguro... Ano... Hihinto na siya? Hindi na siya mangungulit? Nakaramdam ako ng lamya.

Eh ano naman sa'yo ngayon kung anong gawin niya? Padabog akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto. Pabuntong-hininga akong napatitig sa kusina. It was empty. Wala nang libreng magaling na chef na maghahanda ng special na agahan sa'kin.

Mas mabuti nga 'di ba? Bigla akong nawalan ng ganang mag-agahan. Inuna kong maghanda papasok sa RT. Hindi ako nag-abalang magluto. Wheatbread na lamang at dairy cream ang almusal ko. Nagbaon na rin para may makain mamaya. Naroon na ang ilang kasamahan ko pagdating sa kusina ng RT. Rest day ni chef Dimitri at chef Alexandrea pero may isang parte ko pa'rin ang umaasang darating siya upang suyuin ako.

I know. I'm a walking paradox. Ayoko sa kanya pero, kapag wala naman siya parang hinahanap-hanap ko siya. Hindi ko mapigilan.. Buong araw na lumilipad ang isip ko pabalik kay chef Dimitri kahit lagi kong sinasaway ang sarili kong ito naman talaga ang gusto kong mangyari.

Sa tuwing bumubukas ang pinto, kinakabahan ako, gustong-gusto kong lumingon para malaman kung sino 'yon. Iniisip ko rin kung magkasama ba sila ni chef Alexandrea? Ay ewan! Hindi ko mapigilan ang sarili ko kahit pa sa kabila ng paulit-ulit na paalala ko sa isipan. Parang tangà nga eh. Nakakainis.

Pag-uwi ko ng apartment, wala namang kakaiba. Medyo kinakabahan ako na nae-excite, hindi ko alam kung bakit. Ngunit pagdaring ko, lahat pareho pa rin. Wala rin akong natanggap na text message maliban sa baklang iyon.

"I'm free! He is no longer bothering me. Thank God." Text-reply ko kay Wynn. Napanis na malamang iyon kahihintay ng text ko. Medyo wala rin akong gana kumain. Nag-snack naman kasi kami kanina, may bago kasing menu si chef Anggun at chef Larazzabal kaya medyo busog.

Kinabukasan sa kusina ay kinakabahan na na-e-excite ulit ako. I haven't seen him or heard from him since that night. At kung papasok siya, ngayon ang unang beses na magkikita kami simula noong gabing iyon. At talagang malakas ang pagtambol ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paanong kikilos kapag nandiyan na siya, nanlalamig na nga ang mga palad ko at medyo nanginginig. Babatiin ko ba siya katulad ng dati? Aakto na parang walang nangyari? Paano kung mangulit-ulit siya?

Malakas na kumalabog ang dibdib ko ng bumati ang mga kasamahan ko ng may pumasok sa kusina.

"Good morning chef Dimitri." Halos magkakapanabay nilang bati. Habang ako, ito, na-stroke. Na-paralyze din ang dila ko. Nang tumingin ako sa kanya, he looked irritated pero hindi siya sa'kin nakatingin. Hindi siya tumingin sa'kin, at parang iniiwasan niyang tumingin. Medyo ikina-disappoint ng isang parte sa sarili ko ang iniakto niya, umaakto lang siya tulad ng ordinaryo niyang pagkilos sa kusina noon.

Kung hindi pa, iisipin kong muni-muni ko lang ang nangyari nung mga nagdaang araw. Ewan, nangilid ang luha sa mga mata ko, siguro isang parte ko ang umasa na totoo iyong mga ipinapakita niya.

"Ang tahimik mo yata ngayon?" Puna ni Gerardo. Pinilit kong ngumiti sa kanya. Lunchbreak namin ngayon, pero nauna si Gerardo at Rey ng tatlumpong minuto sa'min ni Karessa at Aaron.

The Chef [COMPLETED]Where stories live. Discover now