Kitchen Seven

63K 970 35
                                    

Slightly SPG

**

Ibinaon ko ang aking mukha sa unan sa sobrang kahihiyan, parang may replay button sa utak ko at paulit-ulit ang eksena sa may pintuan mahigit isang oras nang nakakaraan.

What am I gonna do now?

Sobrang nakakahiya. Anong mukha pa ang ihaharap ko kay chef Dimitri?

And dàmmit. I can still feel my pleasure center throbbing with need.

Oh My God. Nakakahiya! Sigaw ko sa isipan habang tinutuktukan ang sariling ulo. Why didn't I stop him?

Pero.. hindi ako ang nagpasimula nung nangyari kanina, nadala lang din naman ako. I tried to defend myself. That was harassment.

Yeah, matapos mong umungol ng umungol? Shit. Mariin akong napapikit at muling ibinaon ang mukha sa malabot na unan. Hanggang ngayon mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko. Inhale. Exhale, Danne. Kalma.

"You have just imagined things, Jourdanne.." Kausap ko sa sarili. Pilit pinaniniwala ang sarili kong hindi nangyari iyon, na guni-guni ko lang ang lahat.

Parang nananadyang bumalik sa pandama ko iyong masarap na sensasyong naramdaman ko kanina. OMG. "ERASE! ERASE! ERASE!" Nababaliw kong tili.


**


"May problema ka ba?" Agad na bati ni Aaron sa akin pagkabalik ko sa kusina matapos nang dalawang araw kong pahinga.

Kahit na anong gawin kong pagtatakip nang eyebags gamit ang concealer ay walang naitulong.

Napangiwi ako ng maalalang muli ang kasumpa-sumpa't, kahiya-hiyang pangyayaring gumulo sa buong sistema ko nitong dalawang araw na wala akong trabaho.

Lihim akong napabuntong-hininga. Ito siguro ang pinaka tamang oras upang tamaan ako ng amnesia. What happened that night bothered me to the highest level.

"I'm okay.." Wika ko, sabay laglag ng mga balikat, yuko at buntong-hininga. Mukha siguro akong iyong cartoon character na tinakasan ng kaluluwa sa katawan.

"Uh-huh." Labas ilong nitong sagot. "Siya nga pala, next off mo, gusto mong sumama sa amin ni Karessa, Anita, at Rey na maghanap ng susuotin para sa araw nating mga empleyado? Kahit sa Divisoria lang. O boutique, o pwede rin naman sa mall." Alok nito.

"Huwag na siguro." Wika ko sabay ayos ng uniporme. Kailangan kong kontrolin ang sarili kong pag-iisip at emosyon. Hindi pwedeng buong sistema ko stuck-up pa rin sa nangyari. "May pormal pa naman akong damit na pupwedeng gamitin. Branded iyon. Regalo sa'kin ng isang kaibigan kong si Airesh, na nagtatrabaho na sa labas bilang nurse." Inihanda ko na ang chopping board at kutsilyo.

Iisang beses lang naman iyon sa isang taon, kaya't hindi ko kailangang bumili ng bago, apat na buwan na lang naman at sasakay na'ko ng barko.

Tumango-tango si Aaron. "Sabagay, mas wais nga naman ang ganoon." Inayos nito ang toque at pumuwesto na upang simulan na rin ang paghiwa ng mga sangkap na gagamitin.

"Good morning." Napahinto ako mula sa ginagawa kong paghiwa sa isang malaking pulang sibuyas. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko'y tumalon sa kaba. Mariin akong napakagat-labi.

Kapag tinamaan ka nga naman ng.. Palatak ko sa isipan. Hindi ako prepared na makita siya ngayong araw. Nahagip ko ang pamilyar na amoy ng panlalaki niyang pabango sa hangin. Pakiramdam ko'y umikot ang mga laman-loob ko dahil dun. Agad na pumasok sa isipan ko ang nangyari sa'min sa apartment ko. Gustong-gusto ko nang magtago ng mga oras na yun.

The Chef [COMPLETED]Where stories live. Discover now