Kitchen Twenty-Seven

59K 1K 87
                                    

Magkahawak kamay kaming naglakad sa buhanginan pabalik sa cottage. Medyo nilalamig na'ko pero ang init na nagmumula sa palad ni chef Dimitri ang nakakapawi ng lamig. It feels as if nothing could go wrong.

"I'll see you early in the morrow." Dimitri whispered after we shared a passionate kiss at the front of my cottage door for the nth time. Marahan lang akong tumango sa kanya.

Pabiro ko siyang itinulak upang makaalis na siya, dahil parang wala itong planong umalis.

Around four-thirty siguro ako magigising bukas dahil may pupuntahan kami ayon kay chef Dimitri, paatras siyang naglakad sabay kaway. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at gumanti ng kaway.

**

I thought last night was the most unforgettable moment of my life.. I was wrong. Maaga kaming umalis ni Dimitri at sumakay sa bangka na umabot ng halos isang oras ang inilayag, si Mang Rico ang nagsilbing guide namin sa mga popular na coves ng resort. Kahit may kadiliman ay na-enjoy namin ang lahat ng nadaanan namin.

Huminto ang bangka sa pinakagitna ng tubig. Nakakakalma ang mabining paghampas ng alon. Agad kong itinuon ang aking pansin sa malawak na kalangitan sa harap.

I see a combination of colors like Indigo and Orange-y red. I guess we are going to watch the sunrise. Nahigit ko ang aking hininga ng unti-unting magpakita ang haring-araw. Nakakamangha ang pagsibol ng sinag ng araw at pagsabog ng liwanag sa kapaligiran.

I could only describe it as cinematic sunrise. May kung anong pakiramdam ang pumuno sa dibdib ko. Watching the sunrise with Dimitri... pakiramdam ko ito'y isang bagong yugto para sa'ming dalawa.

Bahagya akong napapitlag ng may gumagap sa aking kaliwang palad. Mabilis na bumaba ang aking mga mata sa palad kong gagap ni chef Dimitri. Naguguluhan akong muling tumingin kay chef.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Sa mga oras na iyon, pakiramdam ko'y kami lang ang tao sa mundo. Kaming dalawa lang at ang magandang tanawin sa kapaligiran.

"Danne.." Dimitri clears his throat. "Thank you for coming into my life. I know I played around with women, hurt a few.. and thought that my life was complete, that nothing was missing. I didn't know what I was missing, not until I met you." Naramdaman ko ang pagpisil ng mga kamay ni chef Dimitri sa mga palad ko. He look nervous. "Everytime I look at you, I know I have found the woman I would love to spend my every waking days with." Malalim siyang huminga. "I love you, I need you, no one else just you. The woman I would love for the rest of my life. I'm not the best man in the world, but I'll do everything to be the best guy for you." Huminga ulit siya ng malalim at may kinuha sa bulsa ng kanyang khaki shorts. I couldn't help swallowing a lump in my throat at the sight of a small black box.

Naramdaman kong nangingilid ng mga luha sa aking mga mata. I couldn't help crying. Nakatakip ang isang kamay ko sa bibig habang hinihintay si Dimitri na buksan ang maliit na box. Malakas ang pagtambol sa aking dibdib habang may kung anong mga tinik sa aking lalamunan.

Hindi ko inisip na darating ang oras na ito sa buhay ko at kay chef D pa. Sa kabila ng napakaraming pangamba sa aking dibdib, sa kabila ng maraming agam-agam, hindi ko mapigilang maging masaya.

"Jourdanne Sta. Maria, will you marry me?" Halatang kinakabahan ito. Hindi ko naisip na posibleng makaramdam ng pagkabahala ang isang tulad ni chef Dimitri.

This by far was the best moment of my life.

Hindi ko sinasadyang higitin ang palad ko ng akmang isusuot ni Dimitri ang singsing sa daliri ko. He looked surprised, and a little dejected. I know he's the one but... nakakaramdam ako ng maraming pangamba.

The Chef [COMPLETED]Where stories live. Discover now