Kitchen Nineteen

50.6K 851 28
                                    

Dahil weekend napaka-crowded ng isla, halos hindi mo na nga mai-enjoy ang maligo. Wala akong balak maligo, pero talagang na-a-amaze ako sa mala-polboron na buhangin. Ang dami ring activities na gustong subukan ni Wynn na hindi ko naman masakyan dahil nag-aalala ako sa kalalabasan ng pag-uusap ni chef Alexandrea at chef Dimitri. May kung anong sakit ang sumusundot sa puso ko tuwing naalala ko si chef D.

Ipinilit kong ituon ang atensyon sa ibang bagay. At noon ko napagtantong hindi dolyar ang currency rito sa isla kung hindi Euro. Tipong pansit canton pa lang eh singkwenta pesos na. Hano'yon? Gold ang seasoning sa loob?

Dahil sa dami ng kalukohan ni Wynn, pagal ito pagkauwi ng cottage. Kaya ayon, matapos maligo ay nakatulog na agad ito. Hindi na rin naman namin kailangan kumain dahil ang dami naming tsinibog sa labas. Daming mapagpipilian pagdating sa pagkain, mahal lang.

Nakarinig ako ng marahang pagkatok sa pinto. Kalalabas ko pa lang galing banyo, pinapatuyo ko gamit ng maliit na towel ang aking buhok. Naka-white shorts and yellow strapless tanktop ako bilang pantulog. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko ng mapadaan sa mesang pinag-iwanan ko. Lampas alas nuebe na ng gabi, sampung minuto para mag-alas dyes. Taka kong tinitigan ang panauhing nakatayo sa tapat ng pintuan.

"God Danne, you're in Bora, its a Fly-day, the island is coming to life and you're in your room taking a shower?" Nakangiting tudyo ni sir Karlo sa akin. Napailing ako dahil sa sinabi nito.

"I'm very tired. Signs of ageing." Nakangiti kong sagot at niluwagan ang pinto. "Pasok ka? Wynn however is snoring." I wiggle my brows. Sumimangot si sir Karlo at iniangat ang kanang kamay, ang hinlalaki nakaturo sa likod.

"Are you sure you don't want to party with the rest of the gang tonight?" Tinutukoy nito ang mga kasamahan namin sa RT. Malapad at pilit ang pagkakangiti nito, pang Mr. Bean. Lumingon ako kay Wynn na nakahandusay sa pahabang sofa. Hindi na kasi ito umabot dun sa kama sa sobrang pagod.

"Leave the poor old man alone." Pangjo-joke ni Karlo.

"Fine!" Pagsang-ayon ko. "I don't need to be in my bikini right?"

"Oo, uso naman ang skinny dipping rito. Don't worry. Meron rin iba na walang kahit anong saplot kapag mga alas dyes ng umaga. Nagbibilad sa araw. Iyong Europeans." Wiggling his eyebrows.

"Ew. Stop polluting my mind!" Natatawa kong sabi at tuluyan ng lumabas ng cottage. I made sure to lock the room. Hanggang sa makalabas kami papunta sa grupo nina Karessa ay panay ang biruan at tawanan namin. Nagkakasiyahan ang mga ito sa kung anong drinking game. Mukhang nakarami na nga ang mga ito. Kasama rin nila sina Miss Ana, Ara at Danielle sa mesa.

"Jourdanne! Come, join us!" Aya ni Karessa, tumayo pa ito para yakagin akong paupo. Mabilis kong itinaas ang aking mga kamay bilang pagtanggi.

"Mababa ang tolerance ko sa de-alcohol, pasensiya na. Ika-co-coma ko ang pag-inom." Tanggi ko. Hindi naman ako mako-coma kapag uminom, hindi naman ganoon kalala ang alcohol tolerance ko. Inilahad naman ni George ang isang shot glass na may lamang alak. Mukhang may amats na'to. Nakaupo ang mga ito sa dalawang pinagdikit na mesa sa isang crowded na tent-like-bar malapit sa dagat.

"Huwag niyo ng pilitin uminom." Saway ni sir Karlo at inabot ang shot glass mula kay George at inisang lagok. Naghiyawan naman ang lahat sa mesa.

"Naku sir Karlo, huwag ka na po.. taken na 'tong si Jourdanne. May Wynn na tayong winner sa kanya!" Sa medyo lasing na pananalitang sabat ni Karessa.

"Wynn is just a friend, am I right Danne?" Magkasabay na tumaas-baba sa kwelang paraan ang mga kilay ni sir Karlo.

"Pamintang durog 'yon sir! Wala kang dapat ipag-alala!" Agad namang bara ni Aaron. Pabirong binatukan ko ito at pinandilatan.

The Chef [COMPLETED]Where stories live. Discover now