Chapter 41

1K 18 0
                                    

•• Nina Chiara's Pov ••

Love and life can be friends sometimes, dahil sa minsang 'yon maraming maaaring magbago.

Halos dalawang araw na ang lumipas simula nangyari ang insidenteng 'yon. Halos hindi parin ako makapagsalita bagkus ay iyak lang ako ng iyak.

Hindi ko lang kasing matanggap na hindi tinanggap ni Ethan ang anumang sasabihin ko kundi basta na lang syang umalis. Alam kong nagagalit sya sakin dahil kay Janna pero kung pinahintulutan nya lang akong maipaliwanag ang buong katotohanan hindi sana mangyayari ang lahat ng 'to.

"Chiara,child, are you okay? Gusto mo bang tawagan ko si Ethan?" puno ng pag-aalala ang nasa mukha ni Manager. Sandali ko naman syang tiningnan ay pagkatapos ay binawi ko yon ay natulala na naman ako sa kawalan.

Hindi ko alam kung anong oras dumating Manager dito sa bahay pero hindi ko na lang nag pinansin yon, pakiramdam ko kasi winasak at inapak apakan na lang ng ganun ganun na lang ang puso ko. Mas masakit pa 'to nung make-believe boyfriend ko pa sya.

"Gosh! Chiara, please naman oh! Kinakabahan na ako sayo. Say something, anything. Sabihin mo na mahal mo si Ethan or kahit ano just speak a word" may panginginig sa tono ni Manager.

Sabihin mo na mahal mo si Ethan

Hindi ko alam pero bakit sa anim na salitang 'yon paulit ulit lang itong nage-echo dito sa isipan ko na nagdahilan para mapaluha ako.

Hindi ko naman maitatanggi na hanggang ngayon ay mahal ko parin si Ethan pero sa ginawa nyang 'yon parang pinatunayan nya lang na hindi sapat ang pagmamahal para sa isang relasyon na hindi naman nage-exist ang pagtitiwala.

"Chi-Chiara, please. Don't cry, wag ka ng umiyak. Ayoko na makikita kang ganyan. Dalawang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon ay ganyan ka parin, hindi na rin nagsasalita. Sabihin mo sakin, ano bang problema? may sakit ka ba?" hindi ko alam kung sarili ko lang ba 'yon pero sa tono ng pananalita ni Manager ay parang iiyak na sya.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at nagpatuloy lang ang pagbagsak nitong mga luha ko. Marahil, masyadong maikli ang dalawang araw para mawala ang sakit ng pag-ibig sa taong minahal mo pero hindi ka naman binigyan ng panahon para sabihin mo ang totoo.

•• Manager Lara's Pov ••

I'm officially freaking out here. It's been 2 days, simula nangyari ang insidenteng 'to. Halos hindi na sya nagsasalita. Hindi na rin sya pumupunta sa shooting dahil dito, ang problema pa nito ay hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit sya nagkakaganyan.

Binanggit ko ang pangalan ni Ethan pero mukhang lalo pang nakasama dahil umiyak sya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya tumawag na lang ako kay Direk at nanghingi ng pasensaya na hindi na naman makakapasok si Chiara. Pagkatapos kong kausapin si Direk ay binaba ko na ung phone ko at tinago na ito sa may bulsa ko.

Naglabas ako ng buntong hininga at tiningnan sya. Halos hindi na sya nagbl-blink. Nababahala na ako kung ano ba talagang problema nya kaya no choice na ako at tinawagan ko si Earl.

Nakailang rings din bago nya sinagot.

(Hello)

Naglabas muna ako ng buntong hininga bago ako nagsalita. "Kasama mo ba ngayon si Charen? Pwede bang pakibigay sa kanya may sasabihin lang kasi ako" puno ng pag-aalala ang tono ng pananalita ko.

Palingon lingon din ako kay Chiara na hanggang ngayon ay nananatili paring nakatulala. Hinaplos ko na lang ang buhok nya.

(Hello?) narinig ko ang boses babae. Malamang ito na si Charen.

"Charen, alam kong nakakaistorbo ako sayo pero kung okay lang pwede ka bang pumunta--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko kay Charen ng bigla na lang aking may narinig na may bumagsak at nung nilingon ko si Chiara ay nasa sahig na ito.

Lalo akong kinabahan. Nabitawan ko na rin ang phone ko at agad kong ginigising si Chiara pero wala parin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng narinig ko ang pag-aalala ni Charen sa kabilang linya.

(Lara, anong nangyari? Okay ka lang ba?)
Hindi ko na lang pinansin ang tanong nya.

"Bumagsak na lang basta si Chiara, dadalhin ko sya sa ospital ite-text ko na lang kung saang ospital"

My Make-Believe Boyfriend ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon