Pero ngayon, iba na, bumaligtad na. Niloko lamang niya ako, at pinaasa. Ganiton siguro ang kapalaran naming mga tagilid, habang buhay na masasaktan. Kung wala kang pera, wala ding magmamahal sayo.

Pinunit ko ang slamnote na pinasagutan ko kay Donis, wala na itong saysay, dahil ang lahat ng nilalaman ng slamnote na ito, ay pawang kasinungalingan lamang. Suko na ako sa pagiging dakilang tanga. Naabot ko na ang limitasyon.

Tulala akong tinitigan ang mga pirasong papel na nasa lupa. Mga alalang gawa ng kalokohan at gawa ng masakit na nakaraan. Ibabaon ko na sa limot ang lahat.

Ang ngiti niyang unang umagaw ng pansin sa akin. Ang mga mata niyang mapupungay at ang matangos niyang ilong na sobrang bumagay sa gwapo niyang mukha.

Donis, kakalimutan na kita. Ang pangalan mo ay hindi ko na matatandaan pa. Lilimutin ko na ang unang pagkakataon na nagkakilala kami, binigyan niya ako noon ng polboron, kinuwentuhan ng mga nakakaloko, at naging mabait na tao sa akin. Pero ang lahat ay hanggang paglimot na lamang. Hindi ko na siya kilala.

Tumunog na ang bell. Hudyat na kailangan na naming magsibalikan sa aming mga silid. Ayoko mang pumasok subalit hindi ko yata makakayanang mamiss ang paborito kong subject. Math.

Habang naglalakad ako sa pathway ay panay ang sulyap sa akin ng mga estudyante. Marahil ay pansin nila ang namamaga kong mata. Hindi lamang siguro sila sanay na malungkot ako, dahil ang nakilala nilang Jejo ay masayahing tao, palabiro at palaban.

Nang papasok na ako sa aming silid ay ikinabigla ko ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Napatigil ako. Ramdam na ramdan ko ang mabilisna tibok ng kaniyang puso. Ang mabango niyang hininga at mainit na katawan. Gusto ko nang makalimot, ayoko na.

"Beybs, saan ka nanggaling? Tara sa canteen, libre mo ako. Wala pa naman si Ma'am Azon ehh. Malelate daw siya." ang lambing ng boses, pero ang sugat sa puso ko, naroroon pa rin, mahapdi at sariwa pa.

Hindi ako umimik, tinanggal ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa aking baywang. At walang pasabing tinungo ko ang aking upuan.

Ayan na naman yung mga luhang unti-unting namumuo sa aking mga mata. Sana, huwag ka nang bumagsak, ayokong magmukhang mahina. Ayokong magmukhang kaawa-awa.

Naramdaman kong umupo na si Donis sa aking tabi, dahil magkapareho kami ng apelyido, sa bawat oras ay kami lamang ang hindi mapaghiwalay. O ako ang ayaw humiwalay sa kanya?

Noon iyon, pero iba na ngayon, naririto pa rin sa puso ko ang mga masasakit niyang sinabi. Isa siyang walang kwentang tao.

"Beybs, bakit malungkot ka? May nagawa ba akong hindi maganda sayo? May nagawa ba akong mali?" pagsusumamo niya. Magaling nga siyang actor, pwede na siyang mag-artista. Pero hindi na eepekto ang mga padale niyang ganyan.

Kahit namamaga ang aking mga mata ay matapang ko siyang hinarap. Nagulat pa siya ng mapansing mapula ang mata ko. At doon, muling pumatak ang luha ko. Masakit, sobrang sakit.

"Be-beybs, bakit ka umiiyak?" na-uutal niyang sabi.

Hindi ko nagawang sumagot. Tumahimik na lamang ako at pinunasan ang aking mga luha gamit ang aking kamay.

Dumating na ang aming guro na si Ma'am Azon. Sinimulan na niyang ituro kung papaano mahanap ang x variable. Kahit wala akonh gana makinig ay pinilit kong itutok ang aking mga mata sa nagsusulat na guro sa chalkboard.

Pagkatapos ng pagbibigay ng halimbawa. Nagbigay naman siya ng quiz. Madali lang naman ang quiz, nag-advance study ako para dito. Kaya alam kong madadalian lamang ako dito.

Ten items ang ibinigay ni Ma'am, at laking tuwa ng aking mga kaklase ng lumabas siya dahil pinapatawag daw ng principal para sa meeting ng gaganaping camping sa school next week.

Habang nagsasagot ako ay biglang nagsitabihan ang aking mga kaklase sa akin. Kasama na si Donis na abala sa pangongopya ng sagot ko.

Natapos ko ang quiz sa loob lamang ng limang minuto, madali lang naman kasi ehh. Mabait naman akong tao, kaya para hindi na mahirapan pa ang mga kaklase ko, ipinahiram ko na sa kanila ang quiz ko. Halos hindi sila magkamayaw sa pagkopya, lalung-lalo na si Donis.

Tinitigan ko lamang siya. Gwapo nga, manloloko naman. Sayang lang ang inilaan kong panahon sa kanya. Sayang lang lahat ng naging effort ko sa kanya.

Bigla siyang tumingin sa akin, ngumiti at kumindat. Naandoon man ang kilig pero nilalamon ito ng pagkainis at pagkamuhi. Inirapan ko lamang siya.

Hindi ko namalayan na tumabi sa akin si Judah. Kaklasi kong Fil-Arab, tatay niya kasi ay arabiano. Alam kong may ichichika na naman siya sa akin. Hindi siya bakla pero marunong makisama sa mga katulad ko.

"Ohh, ano na naman Judah?" pamamansin ko sa kanya.

"Jejo, crush mo pa ba si Donis? I mean mahal mo pa ba siya?" tanong nito.

Nagulat naman ako sa tanong ni Judah. Alam kong alam ng mga kaklasi ko na nagkaroon kami ng affair ni Donis pero kalokohan lang pala. Pero bakit naman naitanong iyon sa akin ni Judah?

"Bakit mo naman naitanong yan?" tanong ko naman.

Tumingin muna sa paligid si Judah bago ako sagutin. Ng malaman niyang busy ang lahat lalu na si Donis. Inilahad na niya ang isang sikretong lalong gumimbal sa akin. Ayakong maniwala pero, hindi kailanmam naging chismoso si Judah. Marahil ay concern lamang siya sa akin kaya sinabi niya ang sikreto ng isa sa tropa niya, si Donis.

"Judah, totoo ba ang sinasabi mo? Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Donis." Oo, nagagawa ko pang ipagtanggol ang gagong nangloko sa akin. Alam kong niloko niya ako, pero hindi niya magagawang makipagtalik sa pinsang-buo niya ng dahil lamang sa dalawandaang piso.

"Totoo ang sinasabi ko Jejo. Maniwala ka! Kaibigan kita. Ayaw kitang masaktan, lalo na dahil minahal mo ang pinsan mo. Ang pinsan mong bayaran!" galit na giit ni Judah.

Hindi ako nakasagot. Tanging patak lang ng luha ang tumugon sa paliwanag ni Judah. Hindi na yata kaya ng puso ko. Masyado na itong nasasaktan.

Mas malala pa pala ang nagawa ni Donis na panloloko sa akin. Parang gusto ko nang sumabog, kainin ng lupa kung saka-sakali. Ang tanga ko!

Patakbo akong lumabas ng classroom. Rinig narinig ko pa ang mga sigaw ni Judah pero hindi ko na iyon pinansin pa. Sapo-sapo ko ang mukha kong basa na ng luha. Hindi ko na makita ang daan pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Gusto kong makalayo panandalian man lamang, gusto kong mawala sa paningin ko ang kasuklam-suklam at nakakadiring pagmumukha ni Donis!

Hindi ko namalayan ang estudyanteng papasalubong sa akin. Dahil sa bilis ng takbo ko, nagkabanggaan kami at parehong tumumba sa sahig.

Hindi ako nasaktan dahil sa ibabaw ng kung sinuman ako bumagsak. Malakas ang pagkakabagsak naming iyon. Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi agad ako nakatayo.

"Putang ina!" Sambit ng nakabungguan ko. Patay! Lalaki pala.

Agad akong bumalikwas ng tayo. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil natatakot ako, ayaw kong masuntok. Tama na ang puso ko na lamang ang masaktan.

Naramdaman ko na lamang na nakatayo na pala ang lalaki. Tantya ko, matangkad siya. Malaki ang katawan at ng iangat ko pa ang paningin ko sa mukha niya. OH MY !

"Gago ka ba! Tang ina mo! Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! Gusto mo bang upakan ko yang mukha mo! Gago ka! Sa susunod na magkrus ang landas natin. Paduduguin ko yang nguso mo!" sabi nito sabay bunggo sa aking balikat at lakad palayo.

Ang bagsik ng mukha niya pero napakagwapo. Ngayon ko lamang siya nakita dito, marahil ay transferee siya.

Grabe naman, kebago-bago, ang yabang. Hindi ko naman sinasadya ihh.

Hindi ko na nilingon pa ang lalaking nakabungguan ko. Tumigil na din ako sa pag-iyak, ayoko na. Ayoko nang iyakan pa ang mga katulad nila, mga gwapo pero daig pa ang demonyo. Mga MANLOLOKO!


Ateng ! Unang kabanata pa lang, nabulunan na sa kamalasan si Jejo!! Paano pa kaya sa susunod?

GUYS ! PLEASE ! VOTE AND COMMENT !!!!!
THANKIE-THANKIE

TROPA (BoyXBoy)Where stories live. Discover now