Chapter 15 : Endearment - Trunks

Comenzar desde el principio
                                    

"Nakikitaan ko na kayo ng potensyal. Potensyal na bumagsak sa subject na 'to." biglang sagot ng prof namin.

Wow! Galing! Judgmental tayo, Ma'am?

Tumahimik na lang kaming tatlo at umayos ng upo.

"Ang dadaldal kasi eh. Sure kayong lalaki kayo ha?" pabulong na tanong ni Allen.

Pinitik ko yung kamay niya kaya nabitawan niya yung ballpen niya.

Pagkadampot niya nung ballpen ay tinaasan niya ako ng 'Middle Finger' niya. Nagtaas din ako ng akin. Sinimulan mo eh. Hahaha.

Nag-eyeroll lang siya sa akin at tumingin uli sa whiteboard.

ALLEN'S POV

Kalalaking tao kasi ang daldal-daldal! Saka bakit niya pinamamalita na magkaklase kami sa swimming? Big deal ba yun?

"Allen, pagkatapos ng klase samahan mo ako ha?" pag-aya sa akin nito ni Koopa.

"Saan naman tayo pupunta? May gagawin pa ako eh. Saka susunduin ako ni Jake, remember?" pagpapaalala ko sa kanya.

Alam naman niyang araw-araw akong sinusundo ng kaibigan ko eh.

"Tch. Si Jake na naman? Kailan ko ba kayo makikitang magkahiwalay?" pabulong niyang tanong sa sarili niya.

"Hindi mo kami makikitang magkahiwalay 'no? Mag-bestfriends kami eh." sagot ko sa kanya tapos tinawanan ko siya.

Lumingon naman siya sa akin. Ano bang meron kasi at mainit na mainit dugo niya kay Jake?

"Sige na. Sumama ka na dun kay Jake." sabi niya pero parang may tono ng pagkainis sa boses niya.

Napaka-ano nitong taong 'to.

"Oo na, sasamahan na kita!" sabi ko na lang bilang ayoko namang may naiinis na kaibigan ko diba?

Bigla namang lumiwanag ang buong classroom nang ngumiti si Karl. O baka O.R. lang ako?

Ang gwapo talaga nito pag ngumingiti! Kung patuloy siyang ngingiti ng ganyan, forever na akong mai-inlove sa kanya!

"Ano ba kasing gagawin natin dun?" tanong ko sa kanya.

"May bibilhin lang. Kailangan yun eh." sagot niya.

Ano kayang gamit yun? Nakaka-curious. Hahaha.

At pagkatapos nga ng klase ay dinala, more like kinaladkad, niya ako papuntang mall. Hindi na tuloy ako nakapag-paalam kay Jake ng personal kaya tinext ko na lang siya. Hindi naman na siya nag-reply so, I guess, okay na.

Pagdating namin sa mall ay dumiretso si Karl sa UG floor. Ano ba kasing bibilhin nitong hinayupak na 'to?

"Ano bang bibilhin nyan?" tanong sa akin ni Jomar. Oo nga pala, sumama sila kasi may bibilhin din daw sila. Ang yayaman talaga ng mga mokong na 'to!

"Aba malay ko! Hinila niya lang ako dito eh." sagot ko sa kanya tapos ay nag-crossarm ako.

Sinundan namin si Karl hanggang sa makita namin siyang pumasok sa isang sportswear store. Anong gagawin niya dun?

"Par!" biglang sigaw ni Jason.

Hindi ba niya alam yung salitang 'HIYA'? Kung makasigaw, akala mo nasa kalsada lang.

Lumabas naman ulit si Karl mula sa store at nilapitan kami.

"Bakit?" tanong niya.

"Bibili ako ng sapatos. Bibili ka na din ba?" tanong ni Jason.

So Into You (BxB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora