Chapter 15 : Endearment - Trunks

ابدأ من البداية
                                    

Tinuro niya yung bandang tagiliran niya. Naku, baka magka-pasa siya.

"Patingin nga!" sabi ko tapos dahan-dahan niyang inangat yung polo at sando niya. Naman, yes, naka-uniform na kami!

Pero mali ata yung ginawa ko? Nung tinaas niya kasi yung mga suot niya ay napa-nganga na lang ako. ABS! May abs si Karl! Hala!

"Uuuyy! Namumula siyaaa!" nakangiti niyang panunukso sa akin habang nakaturo sa mukha ko.

Aba't pinagtitripan lang pala ako nito!

Kinuyom ko ang kamao ko at kinonyatan ko siya!

"Aray! Ang sakit nun ah?!" bigla niyang sabi sa akin habang kinakamot yung parteng binatukan ko.

At ako, sa tingin mo, hindi ako nasaktan? Masakit! MASAKIT SA LALAMUNAN! Nanuyo lalamunan ko nung makita ko ang ABS mo, nyeta ka!

Inirapan ko na lang siya at lumakad palayo. Mamaya pagtripan na naman niya ako eh.

KARL VINCENT'S POV

"Sorry na. Galit ka pa ba?" tanong ko kay Allen. Nasa klase kami ngayon pero hindi ako makapag-focus sa pag-aaral kasi alam kong galit siya.

"Hindi na nga. Kanina ko pa sinasabi sa'yo diba?" mahina niyang sabi sa akin pero hindi siya nakatingin sa akin.

"Galit ka eh." pangungulit ko.

"Hindi na nga." sagot niya.

"Eh bakit hindi ka tumitingin sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Eh kasi nagsusulat ako. Ayoko ng naiistorbo." sagot niya.

Tinitigan ko siya pero mukhang hindi na nga siya galit.

"Sigurado ka hindi ka na galit ha?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga! Paulito ka na naman eh." sabi niya.

"Naninigurado lang. Mamaya iniisip ko na hindi ka na galit sa akin, yun pala halos patayin mo na ako sa isip mo." sabi ko at narinig ko ang pagpigil niya sa tawa niya.

Hindi na nga siya galit. Buti naman.

"Par, ano P.E. mo?" biglang tanong ni Jason.

"Swimming." sagot ko.

"Buti ka pa. Ang pangit ng P.E. ko!" sabi niya.

"Ano ba P.E. mo?" tanong ko.

"Pucha, social dance?! Tapos Ballroom Dancing pa! Siyeyt!" pagrereklamo niya.

Hahaha. Sayaw? Eh parehong kaliwa paa nito eh. Hahaha. Good luck sa kapartner niya! Hahaha.

"Eh si Jomar?" tanong ko.

"Modern Jazz ata eh." sagot ni Jason at bigla siyang binatukan ni Jomar.

"Wag mo nang ipamalita!" inis na inis niyang sabi.

Hahaha. Minalas ang dalawa! Ay, hindi! Malas mga makaka-partner nila! Hahaha.

"Buti pa pala kami, swimming!" sabi ko sa kanila tapos tinawanan ko sila.

"Kayo? Sino kasabay mo?" tanong ni Jason.

"Kami ni Allen! Magkaklase kami sa swimming." sagot ko, sounding excited.

"Hoy! Kayong tatlo dyan! First day pa lang, nakikitaan ko na kayo ng potensyal." biglang sabi ng prof namin. May prof pala kami sa harap?

"Po?" tanong ni Jason.

So Into You (BxB)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن