Chapter 14 : Sleep - Thanks

Depuis le début
                                    

Dahan-dahan kong iniangat yung kamay niya para ialis sa baywang ko. Pero, pumulupot lang uli sa akin iyon! At this time, sa may bandang dibdib na iyon pumulupot! Anak ng!

"Karl! KARL! KARL!" naiinis ko nang sigaw sa kanya para gumising na siya. Ang manyak pag tulog!

Nagdilat naman siya ng mata at nag-angat ng mukha.

"Bakit?" mahina niyang tanong gamit ang 'sleepy voice' niya! Peste! Ang pervert ko na talaga!

"Good morning?" sarcastic kong sabi sa kanya.

Bigla naman nanlaki yung mata niya at bumalikwas siya ng bangon.

"Ang sarap mang-manyak pag tulog 'no?" patanong kong sabi sa kanya.

"Sorry, force of habit eh" mahina niyang sagot. Lol, force of habit your face! Pero, in fairness, trip ko yang habit niya. Hahahaha.

"Okay lang. Paano nga pala ako nakarating dito sa kwarto ko? At saka bakit kita katabi matulog? At saka bakit natutulog ka dito? At saka paano mo nalamang ito ang kwarto ko?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. Paano nga ba ako nakarating sa kwarto ko?

Napakamot siya ng batok tapos nakangiti ng awkward. Gosh! Yung muscle niya oh! 17 pa lang, pero yung muscles niya sa braso parang pang-20 na!

KARL VINCENT'S POV

*FLASHBACK*

So, ano 'to? Hihintayin ko na lang siyang magising? Eh, pucha, inaantok na din ako eh!

Teka nga, saan ba kwarto nitong halimaw na 'to? Dalhin ko na nga lang siya sa kwarto niya.

Tumayo muna ako para patayin yung DVD at TV. Tapos ay lumapit uli ako sa kanya at hinawakan yung braso niya. Umupo ako sa harap niya para pasanin siya.

Pero, shit, mali ata ako ng pwesto! Ang hirap tumayo eh! Ang bigat pala nitong halimaw na 'to? Kingna, nakakaubos naman ng lakas 'to!

After 3 tries ay nakatayo ako. Sobrang bigat talaga! Next time nga, pagbabawasin ko 'to ng pagkain ng kanin!

Sa sobrang bigat niya ay inabot ako ng 15 minutes sa pag-akyat. Pero saan naman sa dalawang pinto na 'to ang kwarto niya? I'll try na nga lang this one na mas malapit sa hagdan.

Wow! Ang liit ng kwarto pero ang linis! Sobra! Walang-wala kwarto ko dito! Dun kasi, nagkalat lang ang gamit. Minsan nga hindi ko mahanap yung mga bagay na hinahanap ko kasi makalat sa kwarto ko eh. Tsk.

Lumapit ako sa kama, na nasa kabilang side ng kwarto, at inilapag siya dun. Tinignan ko kung may aircon sila, pero wala akong nakita. Nakita ko lang ang isang electic fan na nakapatong sa maliit na lamesa sa may bandang paanan ng kama kaya binuksan ko iyon. Napaupo ako sa tabi niya at tinitigan siya.

Ang cute talaga nito, lalo na ngayong tulog siya. Napaka-amo ng mukha, napaka-inosente. Hindi mo aakalaing hustler na 'to sa pambabara.

Pucha, inaantok na din ako! Pwede naman sigurong matulog sa tabi niya diba? Maluwag naman dito sa kama niya eh. Saka hindi ako sanay matulog sa sahig p're!

*END OF FLASHBACK*

"Kaya ayun, natulog ako sa tabi mo. Hindi ko na kinaya eh." sabi ko kay Allen nang matapos ko nang ikwento sa kanya kung bakit ako tumabi ng pagtulog sa kanya.

"Hmmkay." sabi na lang niya tapos may tiningnan siya sa may pader.

"Uy, magfa-five na. May balak ka bang umuwi?" bigla niyang tanong.

"Mamaya na. Wala naman akong gagawin sa bahay eh." nakangiti kong sagot.

Nakita ko namang nag-eyeroll siya at nag-unat unat. Putalittlemore! Ayan na naman yung tiyan niya! Gulp!

So Into You (BxB)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant