Chapter 46: That Bitch

Beginne am Anfang
                                    

So she really wanted to die, huh? Isip ni Monic. That bitch... trying to waste her life that way... just because of me and Marky...

Nakakuyom ang isa niyang kamay nang itapat niya iyon sa kanyang dibdib. How much she wanted to slap Yvette at that moment, ngunit hindi gaya dati na para iparamdam ang galit na nararamdaman niya sa pagkatao nito, kundi para matauhan ito.

God. Just why?

Monic couldn't get it. She knew Yvette as a strong woman. Palaban ito. Kaya nga hindi na siya nagtaka kung bakit sila nakaabot nung nakaraan sa isang mabigat na konprontasyon; kung bakit napakalakas ng loob nito na sirain ang relasyon nila ni Marky. At kung susuko man ito, inasahan niya na hindi nito iyon gagawin sa ganong paraan. Matalino rin si Yvette, eh. Kaya kahit papaano, may maliit na parte sa puso niya ang umasa na susuko ito sa maayos na paraan; na magagawa rin nitong tanggapin ang lahat.

Lutang ang isip ni Monic kaya wala na siyang naintindihan sa mga sunod na sinabi ni Malou. Nang kumilos ang mag-ina upang pumasok sa ward ni Yvette, sumunod lang siya. And the sight of her former best friend sleeping on a hospital bed with an IV on... it made her feel very tired--very much tired of everything they were going through because of that bitch.

That bitch... Puno ng poot ang mga katagang iyon sa tuwing iniisip niya. Pero himalang nawawala na ang poot na iyon ngayon. Dahan-dahan, paunti-unti. Talaga lang na napapagod na siyang magalit.

Nung tanghali, hinayaan ni Monic na umalis ang mag-ina upang maunang mananghalian. Walang imik naman na sumunod si Marky. Walang imik dahil wala ito sa sarili. Gusto nga niyang pagaanin ang loob nito pero paano? Natatakot siya na gawin iyon. Pakiramdam niya lang ay palalalain niya ang bigat ng loob nito, being one of the reasons why Yvette attempted to kill herself.

Dahil iyon sa kanya--sa kanila ni Marky. Ayun ang paniniwala ni Monic.

Paano kaya kung sa paggising ni Yvette... magmakaawa siya kay Marky na siya ang piliin nito?

Kumirot ang puso ni Monic sa biglang pumasok sa kanyang isipan. Hindi niya alam ang sagot doon, ngunit nangangamba siya na baka piliin na ng binata ang dati niyang kaibigan para wala nang gulo. After all, may anak na ang mga ito. It would be just okay--for them. And about Monic?

Maybe... It would be okay for me, too... Para lang maayos na ang lahat... I would take and accept anything and be okay...

And her heart hurt more.

Nakaupo si Monic sa may sofa at nakatitig sa kanyang mga kamay na magkahawak, nang mapansin niya ang paggalaw na ginawa ng dati niyang kaibigan sa higaan nito. Madali siyang napatayo at lumapit dito.

"Yvette?" Tawag niya rito at nakita niya itong nakasapo ang isang kamay sa mga mata.

Hindi ito umimik.

"Okay ka lang ba? Wait, tawagin ko lang 'yung--"

"Bakit ba hindi niyo na lang ako hinayaang mamatay?" Biglang sambit nito sa nanghihina ngunit may tapang na tono.

"Well who the heck wants to just let someone die kung may paraan naman para maligtas at mabuhay 'yung tao?" She snapped.

"So you prefer that someone to survive and continue to live in endless pain and suffering?"

Gustong kumalma ni Monic, but the way Yvette was answering her back? Hell, she wouldn't be able to control herself.

"Endless pain and suffering? Puwede mo namang mapahinto ang mga 'yon, ha Yvette? Pero hindi sa paraang ginawa mo. It was one big stupidity. Sasayangin mo buhay mo dahil sa mga problema na puwede mo naman masolusyunan? And to think na may anak ka pa? Wow. What happened to your brain, Yvette?"

Love, The Second Time AroundWo Geschichten leben. Entdecke jetzt