"Mukhang ako lang yata ang walang partner dito girl, dapat pala nanghila ako ng lalaki sa school natin." Ani Dianne. Habang nakatanaw kami sa mga kasama namin.

Tumingin ako kay Dianne.
"Hindi ka nag-iisa girl, kasama mo ako," Tapos ngumiti ako sa kanya.

Sinalubong kami ni Jamie, nang makita kaming paparating. ngiting-ngiti siya habang papalapit siya sa'min.

"Hi, Ally, Hello, Dianne. Let's go! Magbihis na kayo ng two piece niyo at maligo na tayo." Ani jamie.

"Tara na Ally, magpalit na lang tayo ng damit."excited na sabi ni Dianne.

"Ayoko kayo na lang siguro, dito na lang ako."

"Ano ka ba Ally! Kailan ka pa naging kill joy? Maligo na tayo, isa pa, hindi na masusunog ang balat natin dahil hapon na."

"Kayo na nga lang, wala pa ako sa mood eh,"

"Sige kung ayaw mo talaga. Hindi na kita pipilitin. Tara na Dianne!"

Tumango si Dianne at nagmading tumakbo upang magpalit ng two pieces.

Umupo ako sa cottage at kumain ng mga niluto nilang pagkain. Nag-aalala ako kay Frits. Wala pa rin siya. Wala naman siya rito, dapat pala hindi na lang ako sumama dito kay Dianne. Hindi naman ako mag-e-enjoy. Hinintay ko nalang sana si Frits na dumating.

"Ally, hindi ka ba maliligo?" Tanong ni Troy sa'kin. Kasama si Angelika. Nakasuot na sila ng pang swimming nila. Naka-two-piece at naka swimming trunk naman si Troy.

Umiling ako. "Sige kayo na lang, Enjoy!"

"Sige ikaw bahala"tapos umalis na silang dalawa.

Mayamaya lumapit sa'kin sila Teo at Yurielainne. "Ally, tara mag swimming." Ani teo.

"Sige mauna na kayo."

"Hinihintay mo ba si Frits?" Tanong ni Teo.

"OO, kaya lang, baka hindi niya alam na narito tayo ngayon eh,"

"Susunod iyon dito. Pagnatapos niya ang ginagawa niya." Ani Teo. Siniko siya ni Yurielainne.

Kumunot ang noo ko. "Ginagawa? Bakit may gagawin ba siya rito?" Takang tanong ko.

"O-Oo, B-Baka may ginagawa siya. Wala siya rito eh, kasi kung wala iyon ginagawa. hindi iyon papayag na maiwan ka ritong mag-isa," Ani teo.

"Gano' ba? Siguro nga baka may importante siyang ginagawa. Aantayin ko na lang siya."

"Sigurado ka bang ayaw mong maligo?" Muling tanong ni yurielainne.

"Oo, aantayin ko muna si Frits. salamat enjoy, ha!"

Tapos nagpaalam na silang dalawa sa'kin, siguro nga may importateng ginagawa si Frits, kaya hindi na niya nagawang magpa-alam. Hihintayin ko na lang si Frits, hindi ako maliligo sa dagat ng hindi siya kasama.

Napag-desisyunan kong mag ikot-ikot na lang. Habang pinapanood ang mga taong enjoy na enjoy sa paliligo. Mas madami palang naliligo kapag pa-gabi na, naglakad-lakad ako sa sa gilid ng dagat.

"Aceshelle, bilisan mo!" Napalingon ako sa narinig kong sigaw. Hinanap ko iyon ngunit hindi ko na makita ang sumigaw.

"Parang boses ni Rhina iyon ah!" bulong ko.

Muli kong hinanap sa lugar na iyon. Nagbaba-sakaling makita ko sila. Ngunit hindi ko talaga sila makita. "Baka guni-guni ko lang iyon."
Muli akong bumalik sa cottage namin. At kumain na lang ako nang kumain habang pinapanood ko ang mga kaibigan kong masayang-masaya habang naliligo.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now