CHAPTER 41

360K 8.9K 646
                                    

FRITS'S P.O.V.

PAPUNTA ako sa apartment ni Ally. Pero hindi ako gumamit ng kotse naglakad lang ako dahil malapit lang naman iyon. Dumaan ako sa ibang kalsada. Baka kasi makasabay ko si Ally kapag doon ako dumaan sa dinadaanan niya.

"Tulong!

"Tulong!"

Narinig kong sigaw. Boses babae iyon. Kinabahan ako agad kong naisip si Ally. Kaya tumakbo ako sa lugar na pinang galingan ng sigaw.

"Damn! It's Ally," Sabi ko. Nang matanaw ko si Ally na tumatakbo. Sinalubong ko siya. At nag kabanggaan kami.

"Frits?" Tapos niyakap niya ako umiyak siya nang umiyak. Bakas sa mukha niya ang matinding takot.
Niyakap ko siya.

"It's okay Ally, nandito na ako wag ka ng matakot!" Pag-aalo ko sa kanya. Nanginginig kasi siya at nanlalamig.

"Tulungan mo ako! Frits may humahabol sa'kin!" Tapos muli siyang umiyak.

Niyakap ko siya. Sobrang awang-awa ako sa kanya. Hindi niya pa naranas ang ganito. Sa garalgal niyang boses halata ang matinding takot sa kanya. Galit na galit ako..

"Ayon siya!" Narinig kong sabi ng mga kalalakihan. Nag dilim ang paningin ko. Kilala ko sila nasa section K sila. Palaging laman sila ng guidance councilor. That fuckin jerk! Magbabayad sila.

"Frits, tara! tumakbo na tayo." Sabi ni Ally sa'kin.

"Wag kang mag alala." Sabi ko. Pilit kong pinakakalma si Ally.

"Pare, ibigay mo na sa'min ang girlfriend ko." Sabi ng lalaki.
Gustong- gusto kong barilin ang lalaking iyon. Kung pwede nga lang. Ang kapal niyang Angkinin ang pag-aari ko,  because Allyson is mine. Kaya walang pwedeng umagaw sa pag-aari ni Frits Santiago. Matinding galit ang nararamdaman ko sa kanila. kuyom ang kamao ko sa galit.

"Girlfriend? She's my girlfriend she's only mine." sabi ko.

Lumapit sa'min ang tatlo.
"Girlfriend pala ha! Tingnan ko lang kung masasabi mo pa 'yan kapag nalumpo ka namin."

"Fvck you!" Bulong ko.

"Ally, diyan ka muna saglit mabilis lang ito."

Lumayo naman ng konti si Ally sa'kin. Tapos agad na lumapit na ang tatlo sa'kin. Sumugod ang tatlo pinagtulungan nila ako. Pero dahil sanay ako sa ganitong gulo. Hindi sila umumbra sa'kin. Idagdag mo ang matinding galit ko sa kanila. Kung wala lang si Ally baka nalumpo ko silang tatlo.

Hinila ko si Ally. "Tara na Ally ihahatid na kita sa apartment mo."

Tumango lang siya sa'kin. Nang makarating ako sa apartment niya. Agad niyang ginamot ang sugat ko sa labi. Tapos pinagtimpla niya ako ng kape. Iyon kasi ang request ko sa kanya.

Sinadya kong patagalin ang pag-inom ko ng kape. Ang plano ko kasi na doon ako matutulog sa apartment niya. Hindi ako papayag na siya lang mag-isa rito.

"Mauna na ako sa'yo. Inaantok na talaga ako. I-lock mo na lang ang pintuan ko pag-umalis ka na. O kaya gisingin mo na lang ako. Inaantok na talaga kasi ako!" ani Ally.

"Tagumpay!" Usal ko.

Tumayo na si Ally at nagtungo sa kwarto niya. Pagkatapos tinawagan ko sila Luke at Teo pwera lang kay Zyrus. hindi ko gusto si Zyrus hindi kami close. Pagkatapos kinuwento ko sa kanila ang nangyari kay Ally. Tulad ng inaasahan ko. Galit na galit silang lahat. Kaya hindi na ako magtataka bukas kung manghihiram ang tatlo ng mukha sa aso. Nag-umpisa na akong antukin. Dahil mainit at walang aircon. Hinubad ko ang damit ko. At pants ko.

"Maaga naman akong magigising! Hindi niya malalaman na rito ako natulog." Sabi ko sa isip ko.

Pero hindi iyon nangyari. Napasarap ang tulog ko. Naabutan ako ni Dianne. Nakakahiya nakita nila ang katawan ko. Pero okay lang, hindi ko rin naman sinasadyang makita ng gano'ng itsura si Ally. Bigla tuloy nanuyo ang lalamunan ko. Napalunok ako nang tumalikod ako.

"Gano'n pala ang itsura ni Ally kapag natutulog? She's very sexy and seductive of her night dress."

Hinatid ko sila sa school. Hindi ako pumasok sa school. May kakausapin ako.

"Where's Dad?" Tanong ko kay Yaya Chedeng ng makapasok ako ng mansyon.

"Nasa kwarto niya Frits."

Agad akong nagtungo sa kwarto ni Dad. Kumatok ako nang kumatok. Noong nagpa-imbestiga ako sa buhay ni Ally, isang Paul Santiago ang pinakamalapit na kaibigan ng Daddy ni Ally.

"Son, sisirain mo ba ang pintuan ng kwarto ko?" Bungad ni Daddy.

"I Just want to know if you are a friend of  Alfred Ramirez?"

"How did you know that?"

"I'm asking, Dad." Irita kong sagot.

"Yes, Why?"

"Gusto kong dito mo patirahin si Ally ang Anak niya. Dahil Nag-aalala ako para sa kanya."

Tinitigan ako ni Daddy, parang sinusuri ako. "Bakit ko naman iyon gagawin?"

"Kung hindi mo gagawin. Hindi ako papayag na humawak ng mga negosyo mo."

"Tinatakot mo ba ako Son?"

"No, Dad, but we have the same attitude. At alam mo rin na gagawin ko iyon."

"Bakit concern ka sa kanya? Do you love her?"

Umiwas ako ng tingin kay Dad. Mahal ko ba si Ally. O awa lang ang nararamdaman ko sa kanya. Kaya ko ba ginagawa ang lahat ito?

"Whatever my reason. Just do it Dad."

"Okay, gusto kong ikaw ang magsasabi sa kanyang dito siya titira. Bigyan mo ng magandang dahilan upang mapapayag mo siya. By the way, alam ba niya na ako ang kaibigan ng
Daddy niya at anak kita?"

Umiling ako. "Wala siyang alam."

"See... malaking problema 'yan sa'yo Son. Kung mahal mo siya magagalit sa'yo iyon."

"Psh! I dont care." Gagawa na lang ako ng magandang dahilan. Isa pa hindi naman ako sigurado kung mahal O awa lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang gusto ko lang umalis siya do'n sa lugar na iyon.

Nag-dial si Dad sa cellphone tapos. May kinausap siyang tao. Pagkatapos ng pag-uusap nila. Tumingin ulit siya sa'kin.

"Maghihintay na lang ako ng sagot ni Ally, kausap ko ang abogado nila."

"Thank you," pagkatapos bumababa na ako ng hagdan.

"Son, she's coming tomorrow after lunch." Habol ni Daddy.

Tumango na lang ako. At nagtungo ako sa kwarto ko para matulog. Hindi na ako pumasok pero kahit anong ikot-ikot ko at pikit ng mata ko. Hindi pa rin ako makatulog. Na-iisip ko si Ally.

"Damn! Bakit hindi ka mawala sa isip ko."

Kinuha ko ang Cellphone ko. At binuksan ko ang gallery ng Cellphone ko. Naroon kasi ang stolen picture niya.

"Siguro iniisip mo ako kaya hindi ako makatulog? Paano ka matuto niyan kung hanggang sa oras ng klase ako ang iniisip mo! Tingnan mo hindi na ako makatulog." Kausap ko sa picture ni Ally.

Naisip ko ang itsura ni Ally ng aksidente kong nakita. Bigla akong pinagpawisan kahit sobrang lakas ng aircon.

"Shit!"

Pumunta ako sa comfort room ng nasa loob ng kwarto ko at doon muli akong naligo. Nilagay ko cold ang shower ko. Kailangan ko iyon dahil sobrang mainit ang pakiramdam ko. Para tuloy akong nababaliw na.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon