CHAPTER 19

403K 9.1K 256
                                    

ALLY'S P.O.V.

Nagle-lecture ang Professor namin habang Nakatingin ako sa kawalan. Hanggang ngayon kasi  hindi pa rin ako makapaniwala na Boyfriend ko na si Frits Santiago. Iniisip ko tuloy kung ano ang magiging plano naming dalawa sa unang Araw ng pagdi-date namin. Ngayon pa lang kinikilig na ako.

"Hoy! Allyson, Tawag ka na ni Sir. " Ani Dianne.

Bigla akong tumayo. "Yes sir!" Sigaw ko. Nagulat kasi ako sa tawag sa'kin ni Dianne.

Nang lingunin ko ang mga Classmate ko. Lahat sila nakatingin  sa'kin.

"What's wrong with you Miss Ramirez?"

"Ha? I-I'm sorry, Sir." Sabi ko. At agad akong umupo.

Tinapunan ko ng masamang tingin si Dianne. "Dianne!" Bulong ko sa kanya.

"Peace!" Nakangisi pa siya sa'kin.

Inirapan ko siya. Nakakainis kasi siya. napahiya ako sa professor namin. "Lagot ka sa'kin mamaya!"sabi ko sa kanya.

Dahan-dahang inusog ni Dianne ang upuan. "Hoy! Ally, Magkwento ka sa'kin. Dali!"

"Anong iku-kwento ko sa'yo? Fairy tale?"

Nakataas ang kilay niya habang nakatingin siya sa'kin. "Nakakatawa ang joke mo Girl, siyempre! Tungkol sa'yo. This past few days kasi. Naging Rapuzel ang peg mo.

"Tsimosa ka talaga! Kanino mo naman 'yan nabalitaan?"

"Ally, dito sa SPIA walang maitatago lahat mababalitaan mo lalo na diyan sa limang casanova."

"Ano ang gusto mong malaman?'

"Gusto kong malaman? Kung ano talaga ang nauuna. Manok O itlog? Gaga! Siyempre yung lovelife mo?"

"Bakit ba?"

"Ako, Ally, Naiinis na sa'yo. Tell me? Saan ka nakahanap ng taong magaling mang gayuma? Dali! ituro mo at magpapagawa rin ako."

Tumaas ang kilay ko "Huh? GAYUMA? at saan ko naman iyon gagamitin?"

"Eh, di kay Frits! Ginayuma mo siya noh! Kaya siya ang kusang lumalapit sa'yo."

Tinitigan ko si Dianne, pagkatapos tumawa ako ng malakas. Narinig tuloy ako ng professor namin na tumatawa, "Anong ingay  'yan Miss Ramirez?"

"Ahmm... Nothing Sir, Sorry!"

"Bakit ka ba tawa nang tawa diyan? baliw ka ba?" Inis na tanong ni Dianne sa'kin.

"Ikaw kasi eh, saan mo naman nalaman na ginayuma ko si Frits? GANDA lang ang ginamit ko."

"Hindi rin Siguro, kung hindi ko alam ang buwis buhay mong pagpapansin dati kay Frits baka naniwala pa ako."

"Naku! girl. Wag na nating alamin 'yan. Basta ako, hindi ko siya ginayuma, siguro napag-isip-isip niyang ako ang perfect girl para sa kanya. Kaya gano'n, na fall siya sakin."

"Perfect girl? Siguro you have a beauty. Brain empty. Attitude disaster!"

Hinampas ko si Dianne sa inis ko. "Akala ko ba friend tayo? Bakit ganyan ka?"

"Friend nga tayo! Kaya sinasabi ko lang ang totoo! Ally, ang paglapit-lapit sa'yo ni Frits, Wag kang masyadong mahulog at maniwala."

"Basta ako I'm happy! alam mo ba? Hinalikan niya ako sa  pisngi Kyaah!" kilig na kilig na sabi ko.

"Tss! Hinalikan ka lang sa pisngi para ka ng maloloka! How much more kung sa lips, baka nangisay ka na."

"Siguro baka gano'n ang gawin ko. Kyaahh! Gusto ko na ngang halikan sa lips eh, kaso baka nakakahiya."

"Sige landi pa more! Para pag nasaktan ka! More pain."

"Suportahan mo na lang ako friend, Oo nga pala! Papakilala ko pala sa'yo yung childhood friend ko, para kapag kasama ko si Frits samahan mo siya ha! Bago pa lang kasi siya dito."

"Ano ako Yaya? Tour guide! Teka! gwapo ba iyon? "

Ngumiti ako. Si Dianne talaga pag gwapo mahina ang puso. "Siyempre! Maghahanap ba ako ng panget na kaibigan."

"Sige, pakilala mo ako mamaya after class, teka susunduin ka ba ni Frits mamaya?"

"Hindi niya sinabi eh, malalaman ko mamaya."

"Okay! sabi mo eh,"

Ngumiti ako kay Dianne. Tapos pansamantala akong nakinig sa lecture ng professor namin, kahit ang totoo wala namang pumapasok sa utak ko.

During breaktime:

"Ayun siya! Tara Dianne. Puntahan natin si Zyrus."

"Yung gwapong lalaki na iyon? Yung nasa dulo?' Turo ni Dianne.

"Oo siya nga iyon, Tara na!"

"Teka! lang girl. Kinuha niya ang salamin at sandaling inayos ang buhok. "Maganda na ba?"

"Aysus! Nagpaganda pa talaga."

"Siyempre gwapo eh,"

"Mas gwapo pa kay Patrick Corpuz?" Tanong ko kay Dianne.

"Siyempre mas gwapo at yummy si Patrick Corpuz, pero kung ibibigay mo 'yung gwapo mong friend, pwede ng pang dessert."

"Ang dami mong sinasabi. Bilisan mo nga."

Nang makarating na kami, agad kaming umupo sa katapat niya, buti bakante ang table na kinau-upuan ni Zyrus.

"Zyrus, Friend ko si Dianne. Dianne si Zyrus, Childhood friend ko."

Nag ngitian at nagshake hands silang dalawa.

"Buti naman at in-order mo na kami. Salamat sa libre."

"One fifty."

"Huh? Anong one fifty?" Tanong ko kay Zyrus.

"One hundred fifty pesos ang nagastos ko sa'yo, kay Dianne libre na."

"What! Bakit sa kanya libre? Eh, ako yung matagal mo ng kaibigan, ah!"

"Exactly! Matagal na kitang friend. kaya matagal na kitang nililibre kaya magbayad ka naman ngayon."

Umirap siya. "Hmpt! Ang daya! Sige mamaya ko na babayaran."

"Thank you, Zyrus." sagot ni Dianne. Ang loka nagpacute pa ng boses.

"You're welcome!" Kumindat pa siya kay Dianne, namula tuloy ang pisngi ni Dianne.

"Saan pala ang Classroom mo? Anong section ka?" Tanong ko.

"Section A ako."

"Eh, di classmate mo ang limang sikat sa school?" Tanong ni Dianne.

"Yeah, pero ngayon wala sila sa school baka nagditch sila. Kanina kasi nakita kong pumasok sila. pero hindi naman tumuloy sa room."

"Ahh... nasa tambayan nila iyon? Oh, Ally, kahit anong haba ng leeg mo diyan hindi darating si Frits, nagditch pala."

"Kaya pala hindi nagte-text sa'kin kasi nagditch na naman siya." tumayo ako sa kinauupuan ko. "Mauna na ako sa inyo."

"Oh, Ally! Saan ka pupunta?" Tanong ni Zyrus.

"Aish! Pupunta 'yan sa Boyfriend niya. Alam na alam ni Ally kung saan ang tambayan ng mga iyon.

"Wag mo akong sisiraan diyan kay Zyrus. Magkita-kita na lang tayo mamaya. Bye!"

"Sige, bye!Zyrus okay lang ba? na ako ang kasama mo ngayon?"tanong ni Dianne.

"Yeah! Thank you pala." ani Zyrus. Uminom pa siya ng juice.

"Good."

Nang lingunin ko sila nakita kong nakatingin ang dalawa sa'kin. Nginitian ko sila tapos tuluyan na akong umalis upang puntahan si Frits.

A/N: this part is Dedicated to Alyanah Mercado. ;)

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon