CHAPTER 22

343K 8.8K 343
                                    

FRITS'S P.O.V.

Hinayaan kong umalis si Ally, habang umiiyak siya, alam kong masakit iyon para sa kanya.

"Ano Frits?! Masaya ka na ba?" Tanong ni Luke sa'kin.

Hindi ako kumibo, hindi ko rin kasi maramdaman sa sarili ko na masaya ako, kanina ng makita kong umiiyak si Ally, gusto ko siyang yakapin para aluhin sa pag-iyak, pero tiniis ko iyon.

"Sobrang masaya, dahil nakaganti na ako sa kanya." Tumayo ako at umalis na.

Umuwi ako ng bahay namin, nagkulong sa kwarto, muli kong kinuha ang box na natanggap ko kagabi. At muli kong binalikan ang nangyari kagabi.

Gabi ng ihatid ko si Ally sa kanila, masaya ako kasi kasama ko siya, ibang-iba sa nakikita ko sa kanya dati, parang gusto na nga siyang kasama, hindi ko alam ang nararamdaman ko pero masaya talaga ako.

"Thank you sa paghatid Frits." Sabi niya.

"Thank you rin, ahmm... Ally, Susunduin kita dito bukas ng umaga ha! Wag kang aalis kapag hindi ako dumadating."

"Sige, Bukas na lang! Salamat."

"Bye! Ally." Lumapit ako sa kanya, pagkatapos mabilis ko siyang hinalikan sa lips, hindi na ako lumingon pa sa kanya, dire-diretso na akong umalis, ayoko kasing makita niya ang pamumula ng pisngi ko, nabigla kasi ako sa ginawa ko, sa pisngi ko lang naman dapat siya hahalikan, kaso lang natukso akong halikan ang labi niya.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko paalis sa bahay nila, nang makalayo ako sa kanila, hininto ko ang sasakyan, ngumiti ako at kinapa ko ang labi ko na nadampian ng labi niya.

"Yes!" Pasigaw ko, pagkatapos muli kong pinaandar ang sasakyan ko. Bukas na ang pagbabago ko. Bukas magiging totoo na ako sa sarili ko.

"Frits, may box na nagpadala sa'yo rito. Nandoon sa kwarto mo." Bungad sa'kin ni Yaya Chedeng ng makauwi ako.

"Gano'n po ba Yaya? Sige po aakyat na po ako."

"Kumain ka na ba?"

"Opo, Yaya, salamat!"

Pagpasok ko sa loob mg kwarto ko, agad kong napansin ang maliit na box, binuksan ko iyon, tumampad sa'kin ang mga larawan ni Ally, kasama si Zyrus sobrang sweet, ang dalawa, may picture pa si Ally na kasama ang isang Gangster ng section F na si Teo sa picture na iyon, mukhang nagdi-date sila, gigil na gigil kong ibinato ang mga larawan.

"You're a slut Allyson Ramirez!"Bulong ko.

Kinabukasan, maaga akong pumasok ng school, pinatay ko ang cellphone ko para hindi ako ma-contact ni Ally, at dahil classmate ko si Zyrus wala akong choice kundi makita si Zyrus sa loob ng room namin.

Lumapit sya sa'kin. "Where's Ally?' Tanong ni Zyrus.

"Hanapan ba ako ng nawawalang malanding pusa!" Sabi ko sa kanya.

Kinuwelyuhan niya ako. "Ulitin mo 'yang sinasabi mo!" Gigil niyang sabi.

"Hu? Bingi ka ba? Sorry hindi ko inuulit ang sinabi ko para sa mga binge!"

Namalayan ko na lang na bumagsak na ako sa semento, sinuntok ako ni Zyrus, at nagkagulo sa loob ng room namin.

"Frits, tama na 'yan!" Awat sa'kin ng mga kaibigan ko.

"Hindi mo pa siya kilala! kaya wala kang karapatang magsalita kay Ally ng ganyan." Pasigaw niyang sabi.

"I'm not interested to her. She's a type of girl na hindi na pinag-aksayahan ng oras."

Muli niya akong sinugod, para suntukin, hindi lang natuloy dahil awat-awat na kami ng mga clasmate namin.

"Nandiyan na si Ma'am Aragon!" Sigaw ng classmate ko.

Agad nagsipagbalik sa upuan ang mga tsimosa kong classmate,

"Sa susunod na pagsalitaan mo pa siya ng masasakit na salita! ako ang makakalaban mo!"

Magsasalita pa sana ako, pero dumating na ang professor namin, lumabas ako ng room namin, baka kasi hindi ako makapagtimpi, mawala ang konting respeto sa School ng Daddy ko."

As if naman matatakot ako sa kanya. Psh! "Bulong ko.

Sinarado ko ang box. Pagkatapos bumababa ako para kumuha ng Red horse. Kailangan kong magpakalunod sa kalasingan para bukas bagong Frits na ang makakaharap nila, yung puro galit lang ang makikita nila, yung puro paghihiganti lang.

Maddison Kim, Maureen Kim, and Allyson Ramirez! Hintayin niyo ang paghihiganti ko sa inyo." Bulong ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon