CHAPTER 11

403K 9.7K 447
                                    

ALLY'S P.O.V.

Ilang araw na mula ng maging boyfriend ko si Frits. Pakiramdam ko palaging may mga matang nakatingin sa'kin. Hanggang sa isang umagang pagpasok ko sa classroom namin. Halos magwala ako sa galit sa naabutan ko.

"Oh, my God! Sinong nag lagay ng pupu ng aso sa upuan ko!" Halos pasigaw ko sa loob ng classroom namin. "Who made this bullshit fuckin stuff?! ngunit ni isa wala man lang sumasagot sa'kin.

"Ang BAHO! " usal ng clasmate ko.

"Ally, anong nangyare? Teka bakit MABAHO?"usisa ni Dianne sa'kin. Kadarating lang kasi niya.

Nanginginig ako sa galit. Habang tinitingnan ko ang dumi ng aso sa upuan ko. Nakasimangot akong kinakausap si Dianne.

"May naglagay ng pupu ng aso sa upuan ko Dianne!"

"Yuckk! Kadiri naman, kanina pa ba 'yan?"

"Oo, after breaktime!"

"Sino kaya ang gumawa sa'yo niyan? Nag-isip saglit si Dianne, Ally, hindi kaya mga haters mo? Di ba? Maraming galit sa'yo dahil naging boyfriend mo si Frits?"

"Mga inggetera sila! Kung sino mga HATERS kayo! wala akong pakialam sa inyo inggit lang kayo! kasi ako ang girlfriend ni Frits!" Sigaw ko sa buong klase namin. Nakita ko ang bulong-bulongan nila. Kaya mas lalo akong nakaramdam ng galit.

"Oh? Anong binubulong-bulong niyo diyan, ha! Mga tsimosa at tsimoso!" sigaw ko sa kanila.

Inawat ako ni Dianne.
"Tama na, Ally!"

Hindi ko malaman kung ilang beses akong umirap at tumaas ang kilay sa mga estudyante. Pakiramdam ko lahat sila ang may gawa niyan.

"Paano na 'yan? Mag-uumpisa ang third subjects natin." sabi ko kay Dianne.

"Tatawagin ko ang janitor ng school," sabay alis ni Dianne.

Pagkatapos ng ilang minutong pinag-antay ko. Nalinis na nila ang classroom namin. At Pinalitan na ng bagong upuan. buti na lang late ang professor namin. Hindi niya makikita ito.

Habang nagle-Lecture ang Professor namin. Patago akong nagte-text kay Frits. Ngunit kahit isa wala siyang reply sa'kin. Dalawang araw na kasi siyang hindi nagpapakita sa'kin.

Ally: where are you?

Ally; damn! Hindi ka ba tutupad sa usapan?

Ally: magreply ka naman!"

"Miss Ramirez, Remember, Cellphone are strictly not allowed to use during class hour."

"Im sorry Ma'am, hindi na po mauulit," sabay tago ko sa cellphone ko.

After nang nakakaboring na lecture ng mga professor namin sa wakas, breaktime na namin, agad kaming lumabas ni Dianne, paglabas namin. Nakatingin sa'min ang ibang estudyante

"Anong tinitingnan niyo?" Pagtataray ko.

May lumapit sa'kin na isang babae, nameywang pa sa harapan ko. "Kawawa ka naman! May kapalit ka na agad."

"Anong pinagsasabi mo?" pagtataray ko.

"Tingnan mo na lang! Pumunta ka sa room ng section A para malaman mo." Sabay tawa ng babae.

"Saglit lang Dianne ha! At tumakbo ako patungo sa room ng section A.

"OUCH!" usal ko. May nambato kasi sa'kin ng bola ng soccer.

"Sareehhh!" Sabi noong isang babae, tapos tumawa ng malakas.

Tinitigan ko siya ng masama, "Mamaya ka sa''kin!" bulong ko.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon