CHAPTER 43

398K 8.9K 375
                                    


ALLY'S P.O.V.

"Pumili ka na ng gusto mo'ng kainin." Tanong ni Frits sa'kin.

Kampante siyang nakaupo sa table na good for two.

Tinitigan ko lang siya ng masama at nang tumingin siya sa'kin saka ko naman siya inirapan.

"Ayokong um-order. Ikaw na lang kung gusto mo!"

"Bakit ka ba nagagalit diyan? Mag pasalamat ka pa nga dahil ako ang kasama mo ngayon."

"Wow ha! ang yabang mo rin, Ano ka artista!" Inis kong sabi sa kanya.

Ngumisi lang siya. Tapos eto na naman siya lumapit naman sa'kin. Tapos tinitigan ako. Bigla siyang kumindat sa'kin.

"ARTISTA? Mas sikat pa ako sa kanila. See... the Goddess Allyson Ramirez is madly inlove with me."

Napangiwi ako. "Eeeww! ASA!"

"Ha-ha-ha!! You know what? Ally, mas lalo kang gumaganda kapag naiinis ka."

Umiwas ako ng tingin. Kahit kasi hindi i-absorb ng isip ko ang sinasabi niya. Ang malandi kong puso ang sumasalo. Kahit ayoko, my cheeks heat up.

"Oh? Bakit namumula ka? I'm just kidding masarap mag sinungaling paminsan-minsan!" Tapos tumawa siya ng parang nang-aasar.

Kung nakakamatay lang ang mga matatalim kong tingin kay Frits, kanina pa siya patay.

"Sinama mo ba ako rito para may maasar ka lang ha!" Gigil na gigil kong sabi sa kanya.

Sumeryoso siya. "Hindi naman. Ikaw lang kasi itong affected eh, sige um-order ka na, Waiter!" Tawag niya sa waiter.

Bwiset na Frits 'yan. Bakit ba kasi ako naniniwala sa mga pakitang taong kabaitan niya. Grrr! Puro balat kayo lang pala nakakainis!

"Um-order ka na." Sabi niya nang lumapit ang waiter.

"Hmmm... ano kayang magandang order-in? Yung pinakamahal kaya na foods dito tapos hindi ko kakainin." Bulong ko habang naghahanap ako sa menu nila."

Napangiti ako ng may naisip akong order-in. "waiter!" Tawag ko.

"Yes Ma'am!"

"May napili na akong order-in." Lumapit naman sa'kin ang waiter tapos binulong ko ang order ko.

Napakunot ang noo ng waiter.
"Meron po Ma'am, pero—sigurado po kayo?"

Tumango-tango ako. "Yes, one hundred percent sure."

"Okay Ma'am, Just wait a minute."

"Thank you!" Tapos ngumiti pa ako sa waiter.

Paalis na ang waiter. Habang kakamot-kamot, muli itong tinawag ni Frits.

"Waiter!"

Lumapit naman agad ang waiter. "Yes, sir?"

"May know what's fiancee order?"

Nag-sign ako sa waiter na wag sasabihin.

"Siya na lang daw po ang magsasabi sa inyo," sabay turo sa'kin.

Lumingon naman sa'kin si Frits na Nakakunot ang kilay niya. Ako naman, nginitian ko lang siya with puppy eyes.

"Okay, you may go." Sabi pa niya sa waiter.

"Ano ba Ally, ang order mo?"

Ngumiti ako sa kanya. "Wala naman!"

"Meron bang order na WALA? Kahit anong tingin ko sa menu walang ganon." Sarcastic niyang sabi.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon