CHAPTER 87

289K 6.7K 197
                                    

FRITS'S P.O.V.

"Magpapraktis ka ba ng basketball Frits?" Tanong ni Troy sa'kin.

Nasa loob kami ng classroom at ina-ayos ang gamit para sa pag-uwi.

Kinuha ko ang huling gamit sa table at isinilid sa bag ko. Simula kasi ng na-aksidente si Ally, pinangako kong magsisipag na ako sa klase, kaya pati tuloy ang apat na kaibigan ko naki-gaya na rin sa'kin.

"Hindi na muna. Baka magku-quit na rin ako sa paglalaro ng basketball." sabi ko.

Naglalakad kami palabas ng room. Kasabay ang apat kong kaibigan.

"Bakit naman?" Tanong ni Troy.

"Oo, nga, Frits. Bakit ka magku-quit?" Tanong ni Patrick.

Huminga ako ng malalim at tinuon ang pansin sa paglalakad.

"Gusto ko kasi pagkagaling sa school sa hospital na agad tumuloy para mabantayan ko si Ally."

"Pero marami namang nagba-bantay kay Ally di ba?"sagot ni Troy.

"Mas gusto kong ako ang nagba-bantay sa kanya. Nami-miss ko na rin kasi si Ally."

"Sabihin na lang natin kay coach na hindi ka na muna maglalaro ng basketball ngayon. Wag kang mag-quit, sayang!"

"Bahala na guys! Ang importante sa'kin ngayon si Ally."

Habang naglalakad kami patungo sa car park may isang grupo ng mga estudyante ang sumalubong sa'min. Mga gangster sila ng ibang section, anim silang mga lalaki. Huminto kami Gayo'n rin ang anim na gangster. Tapos lumapit sa'kin ang pinaka-leader nila.

"Kumusta na Frits? Kumusta na ang girlfriend mo?"

Tinitigan ko ng matalim ang lalaki, "Umalis ka sa dinadaanan ko!" Sabi ko.

"Whooa! Pare pinaalis ka, bigyan mo nang daan!" Sigaw pa ng isang kasama niya.

"Paano kung ayaw ko?"

"Kung ayaw mo eh, di wag!" Umiwas ako ng daan. Gustong-gusto kong patulan ang hambog na lalaking iyon. Ngunit iniisip ko si Ally, nangako ako sa kanya na aayusin ko ang buhay habang nagpapagaling siya.

Inakbayan ako ng lalaki. "Balita ko comatose daw si Allyson Ramirez? Tsk! Tsk! Sayang hindi pa namatay." Sabay tawa niya ng malakas.

Unti-unting gumapang ang dugo ko patungo sa ulo ko, kuyom ang kamao ko at nanlilisik sa galit.

"Ulitin mo ang sinabi mo?" Mariin niyang sabi.

Ngumisi ang lalaki na sinasabing nagtagumpay siyang galitin ako.

"Sabi ko, sana nama—"

"Fuck you!" Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa lalaki. Hindi pa ako nakuntento sinipa ko siya, susubukan sana nila akong pagtulungan. Ngunit hinarang ng mga kaibigan ko.

"Mga pare, nandito kami." Ani Troy. Hinawakan ni Troy ang lalaki sa balikat.

Nagka-gulo sa labas. Ang ibang estudyante ay nanonood sa'min, ang iba naman ay tumakbo upang humingi ng tulong sa mga Professor ng school.

Dahil anim ang kalaban nila, dalawa ang naging kalaban ko. Dahil sa sobrang galit ko binugbog ko silang dalawa. Hindi ko matanggap ang sinabi ng lalaki. Parang lantay gulay ang leader ng hilahin ko ang kwelyo niya.

"Hindi pa patay si Ally! Ikaw ang papatayin ko ngayon!" Gigil kong sabi.

"Mr Santiago!"

Napahinto ang pagsuntok ko sa lalaki. Dumating kasi ang principal ng school. Binitawan ko ang lalaki at tinitigan ko ng masama,  bago ko tuluyang umalis, sumunod na rin ang mga kaibigan ko sa'kin.

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon